Tila naging napakabagal ng mga sumunod na araw. Para akong isang robot na kumikilos sa kung ano ang nakatakda kong gawin sa bawat araw. I get up, I got to work and then repeat the process all over again every day. Natutunan kong itago sa ibang tao ang totoo kong nararamdaman ngunit kapag ako na lamang mag-isa, doon ko nararamdaman ang sakit. Nag-aalala ako dahil gano’n na lamang kalaking epekto ang ginawang pambabalewala ni Turn sa akin. Wala namang kami pero ang sakit, malalim ang iniwan sa aking puso. Ang mga salita nito, walang katulad ang naging dulot na sakit sa akin. At nagagalit ako dahil hindi ko namalayan na nahulog na pala ako sa karisma nito. Akala ko, matalino ako pagdating sa ganitong bagay peero hindi pala. At habang miserable ako, patuloy ko namang nakikita ang kaliwa’t

