Naging makulit si Turn ng mga sumunod na araw. Kahit anong pagtataboy ko rito ay hindi ito tumigil sa pangungulit sa akin. Maging ito man ay pagpunta sa bahay ng mga magulang ko, sa aking opisina at, maski ang pangungulit sa akin sa pamamagitan ng text at tawag. May mga pagkakataon pang bigla na lamang itong darating na may bitbit na pagkain at kung ano-ano pang regalo sa akin. Pagkalabas ko ng aking opisina ng hapong ‘yon ay naroon na ito sa parking lot, nag-aabang sa akin. Suot nito ay kupasing maong pants at t-shirt na abuhin ang kulay. Agad itong umalis sa pagkakasandal sa kotse ko ng makitamng parating ako. “Hon,” sambit agad nito pagkalapit ko. “Tigilan mo ‘ko!” asik ko rito sabay tabig sa kamay nitong akmang hahawak sa pisngi ko. “Ano na namang ginagawa mo rito, ha? Aren’t y

