Chapter Five

2410 Words
Nang makabalik ng aking cottage, hindi pa rin mawala-wala ang mga ngiti sa aking mga labi. At kahit anong isip ko, wala akong maisip na dahilan kung bakit gano’n ako kasaya ng mga oras na ‘yon. Maski ang text at tawag ni Cheska sa akin ay hindi ko na pinapansin. At isa pa, may parte sa akin ang ayaw ng makita o marinig ni Rozel na may kasama akong ibang babae. Hindi ko man aminin pero, naroon ang hiya na baka kung ano ang isipin nito sa akin kapag nakita ulit nitong may kasama akong ibang babae. Kung sa ibang pagkakataon, baka kaulayaw ko na ulit si Cheska sa aking kama ngunit kapag naiisip kong nasa katabing cottage lamang si Rozel, parang may kung anong mahika na nagtutulak sa akin na maging matino sa paningin nito. Sinubukan kong matulog ngunit kahit anong biling ko sa aking higaan ay hindi ako dalawin ng antok. I tried to reach for my phone just to browse something on the internet but out of nowhere, I search for Rozel’s whereabouts. Bagay na mas lalong hindi nagpatulog sa akin. Sa huli ay lumabas ulit ako ng aking kwarto at nagtungo sa isang bar, mga ilang minuto lamang ang layo sa resort. Pagkapasok ko sa loob ng bar, agad na sumalubong sa akin ang malakas na tugtog kasabay ng mga nagsasayaw na mga ilaw. And in the dance floor, all people from all walks of life dance to the rhythm of an upbeat song. Pa-simple akong nagtungo sa may bar counter saka agad na um-order ng isang whiskey. Mabilis ko iyong itinungga at agad na gumihit ang pait at init sa aking lalamunan. But it didn’t matter to me anymore dahil sanay na naman akong uminom ng alak dahil ito rin ang nagsisilbi kong pampatulog sa mga gabing tila ba nagiging mailap sa akin ang antok. Kagaya ngayon. He let out a heavy sigh. Para bang bigla akong nakaramdam ng pagod. Nang kahungkagan, sa kung anumang bagay ay hindi ko alam. I just felt empty all of a sudden. “Another one, please,” sambit ko sa bartender. Nakita kong napatulala ito, mukhang nakilala ako pero suminyas ako an huwag itong maingay. Mukhang nakuha naman nito ang ibig kong sabihin kaya nanatili itong tahimik ngunit nakikita ko ang manaka-naka nitong pagsulyap sa akin. Inayos ko naman ang suot kong cap sa pag-asang hindi ako makakakuha ng atensyon ng iba dahil ng mga oras na ‘yon, mas gusto kong mag-enjoy ng mag-isa. And enjoying means, no one pestering him around. Ilang minuto pa lang akong nakakaupo roon ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. At base sa amoy nito, isa itong babae. Saglit ko itong nilingon. Tumambad sa akin ang isang babaeng morena, hanggang balikat ang buhok at balingkinitan ang katawan. And when I look at her face, I was drawn to her beauty. A natural Filipina beauty. Nabitin sa ere ang pag-inom nito ng alak, saglit akong tinitigan hanggang sa unti-unting nanlaki ang mga mata nito. “T-Turn?” nauutal pa nitong sambit. “ Turn Fortalejo? Ikaw nga! Oh my God!” Bago pa man ito tuluyang tumili ay natakpan ko na ang kamay bibig nito gamit ang aking mga kamay. Bagay na lalo nitong ikinapanlaki ng mga mata. “Huwag kang sumigaw, miss. Ayokong dumugin ako rito,” pabulong kong sabi. “I just wanna drink peacefully.” “Lara, here,” anito. Tumango-tango ito ngunit nanatili itong nakatitig sa akin habang awang ang mga labi. Ilang segundo pa ang nakalipas bago ito nahimasmasan. Tapos bigla na lang nitong itnungga ang alak na kanina pa nito hawak. Nakailang shot pa ito bago tumigil saka humarap sa akin. “So, bakit nag-iisa ang isang Turn Fortalejo dito? Wala ka yatang flavor of the month na kasama ngayon?” tanong nito. Napailing na lang ako. Hindi ko ito masisisi dahil aminado naman akong kaliwa’t kanan ang babae ko. Pero kahit naman kailan, hindi ko ipinilit ang sarili ko sa ibang babae. It’s always the other way around. At palagi kaming nagkakaintindihan kung hanggang saan lang kami at kung ano ang limitations ng isa’t isa. Beyond that, nothing more. Saglit kong ininom ang alak ko saka mataman itong tinitigan. “Bakit? Want to be one of them?” Mabilis itong umiling. “No. Huwag ako.” Napangisi ako ng maalala kung paano ito natulala sa pagkakatitig sa akin kanina. At base sa paglunok-lunok nito at pag-ipit nito ng mga hita, alam kong apektado siya ng presensya ko. Humarap ako rito saka inilapit ang aking mukha sa mukha nito. Our lips are just an inch apart. I Batid kong ramdam nito ang init ng aking hininga dahil s abahagya nitong pagpikit at paghigit nito ng hininga na para bang kinukulang ito ng hangin. Nang idantay ko ang isang kong kamay sa hita nito na noon ay exposed dahil sa dress nitong hanggang gitna ng hita lamang ang haba, napasinghap ito sabay kapit nang mahigpit sa braso ko. Inilapit ko ang mukha o sa may leeg nito. Napangiti na lang ako ng awtomatikong lumiyad ito upang magkaroon pa ako ng layang samyuhin ang leeg nito. Magaan kong pinatakan ng halik ang leeg nito saka ako bumulong, “Ngayon mo sabihin sa akin na aayaw ka?” Napatuwid ito ng upo, nakipagtitigan sa akin. Kasunod noon ay pumaikot na ang kamay nito sa aking batok saka hinila ako palapit dito upang tuluyang maging isa ang aming mga labi. At sino naman ako para tanggihan ang isang paanyaya ng isang magandang dilag. At nang hilahin ako nito patungo sa likod kung saan naroon ang comfort room ng mga babae, mabilis akong nagpatianod. Bago pa man kami tuluyang makapasok, hindi na ako nakapagpigil pa. Marahas ko itong isinandal sa pader saka kinuyumos ito ng mga halik sa labi habang ang kamay ko, naglilimayon na sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito. “Oh!” Narinig ko ang pagdaing nito, bagay na lalong nagpaningas sa init na aking nadarama. Magkahinang pa rin ang aming labi, pareho na kaming lunod sa init ng aming katawan. Ni hindi na nga namin napansin na may ilang dumaraan na wala rin naman pakialam sa nangyayari. Mabuti na lang at medyo madilim sa parte nilang iyon kaya hindi gaanong pansinin ng mga tao. “Huwag mo nga akong sundan, pwede ba?!” Saglit akong napatigil ng marinig ko ang boses na ‘yon. Pero naisip kong parang hindi naman pumapasok ng gano’n lugar ang babaeng ‘yon. Saglit kong nakalimutan ang aking narinig ng marahas na sapuhin ni Lara ang alaga ko. Mabilis namang tumaas ang kamay ko patungo sa isa nitong dibdib at nang mahanap ko ang isa sa perlas nito, agad ko iyong inipit sa pagitan ng dalawa kong daliri dahilan upang mamilipit ito sa magkahalong sakit at sarap. Mas lalo pa itong dumaing, mas naging mapaghanap. “Ano ba!?” Tuluyan na akong napatigil ng marinig ko ulit ang boses na ‘yon. Hindi nga ako nagkakamali dahil boses ni Rozel ang narinig ko. Sa tabi nito ay isang lalake na mukhang kinukulit ang dalaga. Agad kong nilapitan ang dalaga. “May problema ba, Rozel?” tanong ko. Subalit matalim na tingin ang iginawad nito sa akin saka marahas na ipiniksi ang braso nitong hawak ko. “Isa ka pa!” angil nito. “Pare-pareho talaga kayong mga lalake!?” Pagkatapos ay nagmamadali itong lumayo mula sa amin. Marahas kong nahampas ang dingding sa aking likod dahilan upang mapaigtad si Lara na nakalimutan kong naroon pa pala. Mukhang nakaintindi naman ito kaya agad itong tumalilis paalis. Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang tanawin si Rozel ng bumalik ito sa grupo nito kasama ng mga kaibigan at empleyado nito. Balak ko sanang umuwi na ngunit nang maalala ko ang nangyari kanina, pinili kong manatili at pinagkasya ang sarili habang manaka-nakang sumusulyap sa dalaga. Kahit ni minsan ay hindi man lang ako nito magawang lingunin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at matiyaga akong naghintay doon. Nagmamasid habang pasulyap-sulyap sa dalaga. Mahigit isang oras na siguro ang nakalipas ng tumayo ito sabay sukbit sa bag nito. Pagkatapos ay nakita ko itong naglakad na palabas ng bar kaya nagmamadali ko itong sinundan. “Rozel!” tawag ko rito. Subalit hindi ito nag-abalang lumingon. Nakailang tawag ako rito ngunit hanggang sa makalabas ako ng bar ay hindi ako nito pinapansin. Hindi na ako nakatiis kaya mabilis kong hinawakan ang kamay nito sabay hila paharap sa akin. “Bakit ba?” iritable nitong tanong. Agad naman nitong tinanggal ang kamay kong nakahawak dito. “May kailangan ka ba?” “A-about what you saw earlier-” “Wala akong pakialam! Buhay mo ‘yan. And anything you do has nothing to do with me, okay?” sambit nito sabay talikod sa akin. “Rozel!” “Huwag ka ngang makulit, pwede ba? Saka, ano ba ang kailangan mo sa akin, ha?” Mukhang galit na nga ito sa akin dahil sa pagsasalubong ng mga kilay nito. And the way she stares at me na para bang gusto ako nitong balatan ng buhay! “Gusto ko lang magpaliwanag sa nakita mo kanina.” “Na iba na namang babae ang kasama mo? The hell I care about your s*x life, Mister Fortalejo!” Nakapa-meywang ito habang nakaharap sa akin. “At kung balak mo akong i-hilera sa mga babaeng gustong mong ikama kaya ka nakikipaglapit sa akin, ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa’yong wala kang mapapala sa akin dahil ang lalakeng gusto ko ay matino at hindi palipat-lipat ng kandungan!” Hindi ako nakapagsalita dahil totoo naman ang sinasabi nito. At wala akong nagawa kundi ang titigan ito. She let out a heavy sigh and then turn her gaze at me. “Huwag ka sanang dumating sa punto kung saan nahanap mo na ang taong mahal mo ngunit ayaw naman sa’yo. You’ll know how painful it is. Na gugustuhin mo na lang makalimot o kaya mawala sa mundo dahil sa sobrang sakit. And to tell you frankly, I like you as a person but seeing how you jump into one woman to another, I don’t think I need someone like you in my life. Even as a friend.” And her words strikes me. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako, masasaktan o manlulumo sa narinig ko basta alam ko, tama lahat ng sinabi nito. It’s just hard for me to accept the fact that what she said were all true. Pagkatapos ay tinalikuran ako nito. Agad ko itong sinundan ng makita kong nag-aabang ito ng masasakyan. Tumabi ako ritong hindi nagsasalita ngunit panay ang sulyap ko rito. Then I let out a sigh before talking again. “I know you’re mad at me, but can I at least give you a ride?” pabulong kong sambit. “It’s not safe to roam around with no one beside you.” Hindi ito nagsalita. “Please?” Hindi ako sanay na makiusap ngunit kusang lumabas sa bibig ko ang salitang ‘yon. Humarap ito sa akin, matiim akong tinitigan saka ito bumuntunghininga nang malalim. Then she said, “Where’s your car?” Lihim akong napangiti sabay turo sa direksyon na kinapaparadahan ng sasakyan ko. Just a few step away from us. “This way, please,” sambit ko. Sinabayan ko ito sa paglalakad, inalalayan ito. Kahit paano ay natuwa ako dahil hindi na ako nito inaangilan. Pagkarating sa kotse ko, inalalayan ko ito papasok saka ako umikot patungo sa may driver side. “Galit ka,” pabulong kong sambit dito. Panay rin ang sulyap ko sa direksyon nito. Binuhay ko na ang makina ng kotse ko ngunit hindi ko pa rin iyon pinaaandar hanggang wala akong nakukuhang sagot mula kay Rozel. Hindi kasi ako mapakali, eh. “Rozel, kausapin mo naman ako, oh! Sige na…sori na, please…” “Bakit ba panay ang sorry at sunod mo sa akin?” Salubong ang kilay nito ng bumaling sa akin. At kung hindi lang ako natatakot na masampal nito, baka kanina ko pa nahalikan ang labi nitong kanina pa nakanguso. “Ano ba kita?” “Gusto nga kasi kita!” mabilis kong tugon. “Diyos ko naman!” sambit nito sabay hampas nang malakas sa braso ko. “Ihatid mo na nga ako, Mister Fortalejo! Umiinit talaga ang ulo ko sa mga banat mo, eh! Dali!” “Huwag kang mag-alala,” nangingiti kong sabi. “Maski ulo ko, umiinit na rin.” Tuluyan akong natawa ng manlaki ang mga mata nito. Kasunod naman noon ay panay salag ako dahil malakas na ako nitong hinahampas gamit ang sling bag nito. “Napakalandi mo talagang lalalake ka!” “Payag ka bang landiin kita?” Nakita kong natigilan ito, pagkuwan ay napailing. “I had been cheated twice, Turn,” anito, seryoso ang mukha. “Now, tell me, kaya mo bang ipangako na ako lang at wala ng iba sa buhay mo? And to add to that, mahal mo ba ako to the point na kaya mong isuko maski ang pangarap mo para sa akin? Are you willing to die for me? Kung lahat ng sagot mo ay oo, baka sakaling bigyan pa kita ng chance.” “Will you do the same for me? Maipapangako mo rin ba na ako lang sa buhay mo? Na ako lang mamahalin mo?” balik kong tanong dito. Mapait akong napangiti ng hindi ito makasagot. “Gago man ako sa paningin mo ngayon pero ito lang ang sasabihin ko sa’yo. Gusto ko ring magmahal at mahalin. At kung dumating man ang babaeng nakatakda para sa akin, I’m more than willing to accept and love her. Dumating lang siya, makita ko…that’s gonna be it. For the rest of my life.” Hanggang sa maihatid ko si Rozel sa cottage nito ay nanatili itong walang imik. Maski ako, wala akong mahagilap pang mga salita. I was even struck with my own words earlier. Ngayon ko lang din napagtanto kung gaano kabilis at kalakas ng t***k ng puso ko na hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa akin. Pero sa kaloob-looban ng aking puso, may munting takot akong nadarama kapag naiisip kong nasa katabing cottage ko lang si Rozel ngunit tila ba napakalayo nito sa akin. Takot para sa nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag. “Rozel, what have you done to me?” usal ko habang sapo ang aking mukha. “Am I falling for you?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD