Chapter Six

1867 Words
Nang sumunod na mga araw ay naging abala ulit ako sa kabi-kabilang performance ng aming grupo. Mostly ay out of the town, tapos may mga prior commitment pa ako bilang isang brand ambassador ng isang sikat na clothing line. Pero sa kabila ng aking pagiging abala, hindi pa rin talaga mawaglit sa aking isipan si Rozel. I tried calling her a few days ago but she only replied that she’s busy with work. Pero sa tuwina ay pinadadalhan ko ito ng pagkain para malaman nitong hindi ito nawaglit sa aking isipan. “Sino ba ang hinihintay mong tumawag sa’yo at kanina ka pang hindi mapakali diyan sa cellphone mo?” Kasabay ng tanong ni Aries ay ang pag-click ng camera ng cellphone nito. Pagkatapos ay ipinakita nito sa akin ang kuha nito sa cellhpone nito. Nakahilata ako sa couch habang walang suot na pang-itaas at tanging maong na pantalon ang suot pang-ibaba. “Send mo nga ‘yan sa ‘kin,” utos ko kay Aries. Ngayon pa lang ay natatawa na ako. Nai-imagine ko na ang magiging itsura ni Rozel kapag nakita nito ang picture kong ‘yon. “Anong nangyari diyan?” Narinig kong tanong ni Sam kay Aries ngunit hindi ko na lang pinansin ang mga ito. Maski si Ron na abala din sa cellphone nito ay naki-usyoso na rin sa dalawa. “Ano pa! Eh, ‘di mukhang nagbibinata na naman!” ani Aries. “Ang sabihin mo, may bago na namang biktimang babae. May paiiyakin na naman,” dagdag pa ni Sam. “No,” mariin kong tanggi. “She’s different. Not this one.” Pagkatapos ay dinampot ko ang t-shirt kong nakapatong sa may sofa saka nagmamadaling lumabas ng kwartong ‘yon. Narinig ko ang pagtawag ni Aries sa akin ngunit ikinumpas ko lang ang kamay ko bilang pamamaalam sa mga ito. Hindi ko kasi nagustuhan ang sinabi ni Sam. Sabagay, hindi ko masisisi ang mga ito kung ganoon ang isipan ng mga ito. Saksi ang mga ito kung paano ako magpalit ng babae sa buhay ko. Ngunit iba talaga si Rozel! Mabuti na lang at tapos na ang gig namin ng gabing ‘yon kaya nagpasya na akong umuwi sa aking condo sa Premium Condominium. Kaagad akong dumiretso sa shower sa aking kwarto upang maligo at upang mabaawasan ang inis na nadarama ko. Dahil hindi magkakatotoo ang sinabi ni Sam na paiiyakin ko lang si Rozel! Nang matapos akong maligo, hindi na ako nag-abala pang magbihis muna. Tanging ang tuwalyang nakapulupot sa aking baywang ang nagsisilbing tabing sa aking ibabang bahagi ng katawan. Then I went to the kitchen to make a coffee then went back to my room to check on my phone. Umaasa akong may isang mensahe man lang mula kay Rozel ngunit ng tingnan ko ang aking cellphone, maski isa, wala akong natanggap galing dito. “Hmm, she doesn’t really care about me,” sambit ko sa aking sarili. Nanghihina akong napasandal sa may bintana ng aking kwarto. Agad na humapas sa aking mukha ang malamig na simoy ng hanging panggabi ng buksan ko ang bintana. At hindi ko maintindihan kung bakit parang may dalang lungkot ang paghampas ng malamig na hangin sa aking mukha. Dumagdag pa ang natatanaw kong mga ilaw galing sa iba’t ibang mga gusali na lalo lamang nakadaragdag sa aking nadaramang kalungkutan. Napahinga ako nang malalim, napatingala sa langit na tila ba malungkot din ng mga gabing ‘yon. Ang mga bituin, mailap sa aking paningin. Ang mga ulap, may pagdadalamhati at anumang oras ay pwedeng umiyak dahil sa bigat ng dinadala nito. Kasabay ng pagsikip ng aking dibdib ay ang mahigpit kong pagkapit sa barandilya ng bintana. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagka-ganito. Masaya naman ako sa buhay ko pero bakit bigla akong nalungkot ngayon? At kung pakakaisipin ko naman, hindi ko alam ang talagang sanhi ng aking kalungkutan. “Fvck!” Napamura na lang ako ng maramdaman kong may ilang butil ng mga luhang naglandas sa aking pisngi. Agad ko iyong pinahid. “What is happening to me?” dagdag ko pa. I felt restless all of a sudden. Hopeless. And alone. Nagtungo ako sa aking closet saka naghanap ng damit na maisusuot pagkatapos ay pumasok ako sa kabilang kwarto kung saan naroon ang aking drum set. And in a minute or so, I was already banging my drums. I was so into it that I was drifted to another world. A world where I could be free and out from other people’s judgement. Mahigit tatlumpong minuto na akong tumutugtog, ramdam ko na rin ang hampi ng aking kamay ngunit hindi pa rin ako tumigil. Sa ganito ko lang kasi malayang nailalabas ang aking emosyon. Maging masaya man ako o malungkot, ang patugtog at pagpalo sa aking drums ang nagiging kanlungan ko. Kahit na fully airconditioned ang kwartong kinaroroonan ko, tagaktak pa rin ang pawis ko nang matapos akong tumugtog kaya naligo ulit ako. Pagkatapos noon ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Subalit gano’n pa rin. Hindi pa rin ako makatulog. I scrolled on my cellphone, a smirk formed on my lips as I remember Rozel. Hindi ko alam kung gising pa ito ng mga oras na ‘yon dahil alas onse na ng gabi. But nonetheless, he still send her his picture. Iyong picture na kinuha ni Aries kanina. Nai-imagine na niya ang itsura nito ngayon pa lang. Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin siyang natatanggap na reply galing dito. In the end, he still composed a message for her before going to sleep. “Sleep well, my Rozel.” Then he hit the send button. KInabukasan, hindi pa nga sumisikat ang araw ng sunod-sunod akong gisingin ng pag-alarm ng aking cellphone. Agad akong napabalikwas ng bagon nang maalalang may shoot nga pala ulit ako. Dali-dali akong naligo. Mabuti na lang at maayos na ang lahat ng mga gamit na kakailanganin no kaya ready to go na ako pagkatapos kong maligo. Nagsimula ang shoot ng alas nueve ng umaga pero natapos na ako bandang alas dose na ng tanghali. Then I remembered Rozel. Nang tingnan ko ang cellphone ko kung may natanggap akong mensahe, laking tuwa ko ng makitang meron nga! “Habang tayo’y nabubuhay, ‘wag mawawalan ng pag-asa. Kaya bago pa maging huli ang lahat, magbago ka na. In Jesus’ name, I pray for your healing. Amen.” Hindi ko alam akung matutuwa ba ako o maiinis sa nabasa ko. Para gusto kong maglupasay, eh! Kinakarma na nga yata ako dahil sa pagiging maloko ko sa babae! Habang nasa biyahe, hindi mawala-wala sa aking isipan ang dalaga. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating sa studio ng grupo dahil sa pagiging tuliro ko. “Babae nga! Mukhang timaan na ang ating kaibigan, ah!” Siyang bungad agad ni Aries sa akin. “Totoo na ba talaga ito o gaya pa rin ng dati?” “Sa sama ng tingin niyan sa akin kahapon, mukhang totohanan na nga ito, pare,” ani Sam. “Kita mong para akong kakatayin kahapon!” “Then, who’s the lucky one?” tanong naman ni Ron. “Or, is she really lucky to have Turn?” Ang mga damuho, mukhang pinagkakaisahan pa ako! “Magsitigil nga kayo! Masakit ang ulo ko, okey?” angil ko sa mga ito. Nagtawanan lang ang mga ito. “Mas malalang sakit ng ulo ang naranasan ng mga babae mo sa’yo! Pre, sinisingil ka na ba ng karma?” pang-aasaar pa ni Sam. “Gago!” sambit ko sabay bato dito ng hinubad kong rubber shoes. Nagpatuloy ang pang-aasar ng tatlo sa akin. Ayaw talaga kong tantanan at pilit inaalam kung sino ang babaeng gumugulo sa aking isipan. “Kay sir Turn po?” Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita. “Food delivery po,” dagdag pa nito. Mabilis akong umiling. Sa pagkakatanda ko kasi ay wala naman akong in-order na pagkain. “I didn’t order anything. Paki-balik na lang po.” Napakamot sa ulo ang lalake. “Naku, sir! Hindi pa pwedeng tanggapin niyo na lang. Mapapagalitan po kasi ako kapag binalik ko ito.” “No, kuya. Wala po talaga akong in-order na pagkain. Pasensya na po. I can’t accept that.” Kahit kailan ay hindi ako tumanggap ng anumang pagkain galing sa mga taong hindi ko naman personally na kilala. Mahirap na. A year ago, ilang araw akong na-confine sa ospital dahil sa foof poisoning. Nadala na ako. “Sayang naman,” sabad naman ni Ron. “Sige po, sir.” Walang nagawa ang delivery boy kundi ang umalis. Ngunit bago pa man ito tuluyan makalabas ay natawag ito ni Sam at tinanong kung kanino galing ang nasabing pagkain. “Galing po kay Miss Rozel-” “Akin na ‘yan!” putol ko sa sinasabi nito ng marinig ko ang pangalan ni Rozel. Pagkatapos ay agad na kinuha ang paper bag na hawak nito. May ilang segundo ng nakakaalis ang delivery boy ngunit nanatiling walang imik ang tatlo habang nakatitig sa akin. “Mga gago kayo!” sigaw ko ng magtangkang lumapit ang tatlo sa akin. Walang imik at waring anumang oras ay nakahandang lapain siya. Ngunti batid niyang pagkain din ang hanap ng mga ito. Lalo na at wala silang gaanong stock ng pagkain sa studio. “Rozel? Saan ko nga ba narinig ang pangalang ‘yan?” bubulong-bulong na sabi ni Ron. “Saan nga ba?” Napatingin naman sina Sam at Aries dito, naghihintay sa susunod pa nitong sasabihin. At nang magpipindot si Ron sa cellphone nito, waring may hinahanap, lumapit ang dalawa upang maki-usyoso. “Rozel Cervantes. Events organizer-” “Oh! I remember her! ‘Yong magandang babae na nag-handle ng concert natin sa Aquarius!” putol ni Aries sa sinasabi ni Ron. “Trip din sana ni Sam kaya lang ay nabara agad siya nito.” Hindi ko maiwasang kabahan ng marinig kong type rin pala ni Sam si Rozel. “Huwag kang mag-alala. Sa’yong-sa’yo na siya,” natatawang sambit ni Sam. Lumapit pa ito sa akin saka pabiro akong sinuntok sa braso. Abot ang kanyang katuwaan dahil sa narinig. And the food that Rozel sent was enough to make up his day. Subalit ang kasiyahang aking nadarama ay kaagad na nawala ng wala na akong narinig pa mula kay Rozel ng mga sumundo na araw. Hindi ako mapakali. Naroon ang kaba. Maski ang kaibigan nitong si Rocky, pilit kong kinukulit upang makibalita tungkol kay Rozel. “Ano bang gusto mong malaman, ha?” Mukhang pati kaibigan ng dalaga ay inis na sa kakulitan ko. “May sakit ang kaibigan ko, okey? But if you wanna know how she is, you can visit her in her parent’s house.” Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero kinagabihan ay nagpunta ako sa bahay nina Rozel. Abot ang kaba ko na pakiramdam ko lalabas na ang puso ko. Tila pinagpawisan ako ng malapot pero naroon naman ang pakiramdam na tila ba nilalamig ako. At nang pindutin ko ang doorbell sa may gate ng mga ito, napansin ko pa ang panginginig ng kamay ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Mas lalo na nang makaharap ko ang daddy nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD