Kauuwi ko lang galing sa isang event ng mga oras na ‘yon. I was so tired that I went directly into my room to take some sleep. Ni hindi ko na nga nagawa pang magpalit ng damit at basta ko na lang hinubad ang suot kong sapatos saka nahiga na sa kama ko.
Hindi pa man ako tuluyang nakakatulog ng marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Nanatili akong nakapikit, basta na lamang kinapa ang cellphone ko sa ibabaw ng maliit na mesa sa tabi ng kama ko.
It was a message from Turn. But what shocked me was the picture he sent.
Turn was freaking naked!
Hindi ko maiwasang mapanganga…my breath becomes uneven.
Turn was showing his muscular v-line on his abdomen, alongside his hips. And down below, I could see the little hair that I know will lead to his monstrous thing in between his legs. He was slightly pouting, making a sad face while looking intently at the one taking him that picture. Gusto ko mang iwaglit sa aking isipan ang tanawin na aking nakita ngunit hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala ang ganda ng katawan na aking nakikita. Pang-itaas lang na damit nito ang wala…bagay na mas lalong nakakapag-isip kung ano ba ang nakatago pa sa loob ng suot nitong maong na pantalon.
Ngunit isa lang ang masasabi ko. Ang katawan ni Turn ay ang klase ng katawan na hahabulin at gugustuhin ng mga babae na mahawakan at matikman!
“No,” mariing tanggi ng kanyang isipan.
Ngayon pa ba ako magkaka ganito sa isang lalake? Kung kailan halos lumampas na sa kalemdaryo ang edad ko? God!
Sa huli, pinilit kong ignorahin ang text ni Turn sa akin. Ayokong malagay sa isang sitwasyon kung saan alam kong mali at mahihirapan na akong makalabas. I know myself and once na papasukin ko ang isang tao sa buhay ko, malaki ang magiging impact niya sa buhay ko. At base sa mga pahaging nito, alam kong hindi simpleng pakikipaglapit ang gusto nito. And with his reputation about women, I don’t think I could trust him on relationship matters.
Pinilit kong ignorahin ang mga text nito, maski ang mga tawag nito. Isa pa, hindi maganda ang pakiramdam ko ng umuwi ako nang hapong ‘yon kaya nagpasya akong matulog na lamang at magpahinga.
Mas lalo akong nawalan ng time na sagutin ang mga text nito dahil nang sumunod na araw ay tinamaan ako ng lagnat. Sobrang sakit din ng katawan ko na hindi ko magawang tumayo. My whole body was aching!
Mabuti na lang at wala kaming gaanong aasikasuhin nang linggong iyon kaya okey lang na hindi ako pumasok ng opisina. Pero hindi naman ako nag-aalala dahil alam ko namang maaasahan ang lahat ng mga tao ko. At isa pa, naroon naman si Rocky na palagi akong ina-update about the business.
Nang sumunod na araw ay naging okey na rin ang pakiramdam ko. Kinakabukasan ay babalik na din naman ako sa trabaho. Pero sa mga nakaraang araw, hindi ko maiwasang hanapin at isipin si Turn. He already stop texting me. May parte sa puso ko na hinahanap siya ngunit kaagad na kumukontra ang isip ko, sinasabing hindi ko naman siya dapat pag-aksayahan ng oras. Pero sadyang sutil ang aking puso, madalas na umi-eksena ang binata sa aking isipan. At sa tuwing tutunog ang aking cellphone, umaasa akong sa kanyang galing ang text o tawag.
But sad to say, mukhang hindi na niya ako naalala. May ibang babae na naman siguro itong kaulayaw. Kaya hindi ko inaasahan nang sabihin sa akin ni mommy na may bisita raw ako nang gabing ‘yon.
Lalaki raw. Gwapo at matikas.
“Mom, baka nagkamalai lang ng pinuntahang bahay ang lalakeng ‘yan, okey? At sino naman ang dadalaw sa akin dito sa bahay, eh wala ngang nanliligaw sa akin?”
“Ah, basta! Bumaba ka at harapin mo ‘yon! Ang dami pa namang dalang prutas at bulalak para sa’yo? Bilisan mong mag-ayos diyan!” Inalalayan pa ako ng mommy patungo sa harap ng salamin saka inayos ang buhok ko at nilagyan ako ng lipstick.
“Mom!” Tinangka kong agawin ang lip[stick na hawak nito ngunti nagmatigas ito.
“Tumigil ka ngang bata ka! Tinutulungan ka na ngang mag-ayos, eh!”
Bagsaka ng balikat ko at hindi na kinuntra ang mommy ko dahil alam ko namang hindi ako mananalo dito.
“Sino ba kasi ang lalakeng tinutukoy niyo?” tanong ko.
“Turn daw-”
“Ano!” impit kong tili. Bigla akong kinabahan, hindi mapakali. “Anong ginagawa ng lalakeng ‘yon dito sa bahay? Saka paano niya nalaman na dito ako nakatira?”
Tila napako ako sa aking kinauupuan habang matamang nakatitg si mommy sa akin. Nakapa-meywang ito at tila hinihintay ang aking paliwanag.
“Akala ko ba hindi mo kilala ang lalakeng nasa labas, Rozel? Bakit bigla ka yatang natataranta ngayon na parang teenager?”
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Mom, he was just nothing, okay? A mere acquaintance…”
Hindi sumagot ang mommy ngunit base sa nakikita kong ekspresyon nito, mukhang hindi ito naniniwala sa sinasabi ko.
Maya-maya ay napailing na lang ito saka nagmartsa na palabas ng kwarto ko. Bago ito tuluyang makalabas ay lumingon pa ito sa akin.
“Bumaba ka na aga,” anito. “Para sa isang babaeng kagagaling lang sa sakit, you don’t look like one darling. Ang ganda mo pa rin.”
Napailing lang ako ngunit kalaunan ay ngumiti rito. “And that is because of you, mom. Salamat sa pag-aalaga sa akin. I love you so much.”
“I love you, too, darling. More than you will ever know,” she said then stormed out of my room.
Nang makalabas ang mommy ay nagpalit lang ako ng damit. Isang cotton shorts na karaniwan kung suot kapag nasa bahay lang at isang spaghetti strap na pang-itaas. Nang masigurong okey na ang aking itsura ay saka lang ako bumaba.
Pagkababa ko ng hagdan ay nakasalubong ko ang mommy at daddy ko.
“Iiwan niyo ko mag-isa kasama ng lalakeng ‘yon?” agad kong tanong ng magkalapit na kami. “Daddy naman, eh…”
Mahina akong kinurot ng mommy sa aking tagiliran. “Umayos ka ngang bata ka! Bakit? Anong gusto mo? Bantayan ka namin habang nakikipag -usapan ka roon? Aba naman, Rozel!”
Napatawa si Daddy. “Darling, nasa tamang edad ka na. Alam mo na ang tama at mali. Alam kong tama ang naging pagpapalaki namin sa’yo kaya may tiwala kami sa’yo, okey?”
Masuyong hinaplos ni Daddy ang pisngi ko saka hinalikan ako sa may ulo bago tuluyang umakyat ng kwarto ang mga ito.
Natanawan kong nakaupos sa mahabang sofa si Turn. At habang papaliapit ako rito, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako mapakali, parang bang gusto kong bumuka ang lupa at lamunin na lang ako. Pero naroon din ang excitement na sa muli ay makikita at makakusap ko na itong muli.
Nang dumako ang tingin ni Turn sa akin ay agad itong tumayo. Hawak nito ay isang bungkos ng bulaklak at nakapatong sa center table ang isang basket na puno ng iba’t ibang klase ng prutas.
“Hi!” agad nitong bati nang makalapit ako. Inabot nito sa akin ang hawak nitong bulaklak. “Sorry kung basta na lang akong pumunta dito ng walang pasabi. I was just so worried ng wala akong nababalita sa’yo. Tapos ilang araw ka na ring hindi pumapasok sa trabaho. Kung hindi ko pa kinulit si Rocky, hindi ko pa malalaman na nagkasakit ka pala.”
Nanatili akong walang imik at basta lang na nakakatitig dito. Gayundin naman ito. Napako na ang tingin sa akin pagkatapos nitong magsalita. Mga ilang segundo ring magkahinang ang aming mga mata bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.
“What are you doing here?” malumanay kong tanong.
“I was worried about you-”
“Bakit?” putol ko sa sinasabi nito.
Natigilan ito. Pagkuwan ay huminga ito nang malalim. “Nag-alala ako sa’yo, okey? Hindi mo rin sinasagot ang mga texts at tawag ko. Galit ka ba sa ‘kin?”
It was her turn to be silent. Noon pa man ay amy disgusto na ako sa mga lalakeng babaero ngunit habang nakikita ko ang ekpresyon ni Turn ngayon na parang batang napapa-cute sa akin, hindi ko maiwasang makaramdam ng paglukso ng aking puso. Bukod doon, hindi pa rin awaglit sa aking isipan ang ipinadala nitong litrato noong isang araw. At nagyon, habang nakatitig ako rito, hindi ko maiwasang isipin kung ano ang nakapaloob sa suot nitong all back hoodie jacket and sweatpants.
“Rozel…”
Marahan kong ipinilig ang aking ulo ng marinig ko ang masuyong pagtawag ni Turn sa aking pangalan. Ang boses nito ay may hatid na kiliti at kaba sa akin. Hindi ko alam kung bakit ba ganito ang nararamdaman ko. And I know, something’s wrong with my heart now.
Inilapag ko ang bulaklak na bigay nito sa ibabaw ng center table. Pagkatapos ay hinarap ko ito. “Ano ba kasi ang ginagawa mo rito, Mister Fortalejo?”
Na-miss nga kita. Saka nag-alala talaga ko ng sabihin sa akin ni Rocky na may sakit ka raw?” Bahagy itong umusod sa tabi ko, sinalat pa ang aking noo at leeg. “Are you okay now?”
Tila naman napaso ako sa pagdampi ng kamay nito sa aking balat. Sinubukan kong umusod ng upo palayo rito ngunit naging mabilis ang kamay nito upang pigilan ako sa baywang.
“Bakit ka ba nagagalit sa akin? May ginawa ba akong mali na dapat mong ikagalit, ha?” Hindi pa rin nito inaalis ang kamay sa kaing baywang kaya hindi ako makagalaw nang maayos. “Please, huwag ka ng magalit. Naging busy lang ako sa trabaho saka nag-ipon pa ako ng lakas ng loob para madalaw kita dito sa inyo.”
“Hindi mo naman kasi kailangang pumunta pa dito sa bahay…”
“Pero gusto ko nga…nag-alala kasi ako sa’yo,” giit pa nito.
“Teka nga lang, Turn?” sambit ko sabay piksi mula sa pagkakahawak ng kamay nito sa baywang ko. Pero talagang sutil ito dahil mas lalo pa nitong ibinaon ang mga daliri sa aking tagiliran. “Magkaliwanagan nga tayo, ha?”
“Yes, hon?” Mapanukso ang mga ngiti nito ng magsalita.
Mabilis na dumapo ang palad ko sa mukha nito saka ko itinulak. Imbes na magalit ay natuwa pa ito. Ang loko, nagawa pang halikan ang sentro ng palad ko! Kahit kailan talaga ay napakalandi nito!
‘Hindi ba sinabi ko sa’yo na gusto kita ‘di ba? At hindi ako titigil hangga’t hindi kita napapaamo. Mark my words, hon. Because the next thing you knew, akin ka na.”
Awang ang mga labi ko dahil sa sinabi nito. Nagsilbi naman iyong pagkakataon para kay Turn para sakupin ang aking mga labi.
And the next I knew, we we’re both enjoying the kiss. Ang halik nito na dapat ay hindi ko tinugon ngunit mas naunang nag-react ang katawan ko kaya ngayon, parang ayaw na namang pakawalan ang labi ng isa’t isa.
Pero maya-maya ay bigla akong natauhan at sinubukan kong kumawala mula sa halik ng binata. Na napagtanto kong mahigpit na rin ang yakap sa akin habang ang magkabila kong kamay ay nakakapit sa balikat nito.
“Umm,” daing ko ng mas lalo pa nitong palalimin ang halik sa akin. Mas naglaroon kasi ito ng pagkakataon na galugarin ang loob ng bibig ko gamit ang dila nito. At sa tuwing kakagatin nito ang labi ko, wala akong magawa kundi ang mapaungol dahil sa kiliti at kilabot na dulto nito sa buong sistema ko. Lalo na at ramdam ko ang pag-iinit ng buong katawan ko lalong-lalo na sa parteng gitna ng hita ko. Para ba akong sinisilaban ng apoy. Apoy na nakakatupok sa dipensa at katinuan ko.
Habol ko ang aking hininga ng tuluyan nitong pakawalan ang aking labi. Ngunti nanatiling yakap ako nito.
“Umalis ka na,” pabulong kong sambit. Nauna akong tumayo, binalewala ng pagtawag nito sa akin. Huminto ako sa may pinto saka iyon binuksan, hinihintay ang paglabas ng binata.
Tumayo ito saka dahan-dahang naglakad patungo sa may pinto subalit tumigil muna ito sa tapat ko.
“Humihingi ako ng tawad kung nabastos man kita, pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko.” Yumuko ito, sapat lang upang magpantay ang aming mga mukha. Tapos ay umakyat ang isang kamay nito sa baba. Kahit ang lakas ng kabog ng dibdib ko, lakas loob kong sinalubong ang mga tingin nito. Malamlam ang titig nito sa akin, animo isang lasing.
Mas inilapit pa nito ang mukha sa akin. Ang aming labi, ilang milimetro na lang ang layo sa isa’t isa at amoy ko ang mainit at mabango nitong hininga.
“Kahit kailan ay hindi ko pagsisisihan na nagawa kong angkinin ang mga labi mo,” sambit nito sabay patak ng mabining halik sa labi ko.
Sa muli ay nagawa nitong angkin ang mga labi ko. At katulad ng nauna, hindi ako nakagalaw at hinayaan ko itong gawin sa akin ang bagay na ‘yon.
Nagawa ako nitong maisandal sa may pinto habang patuloy ako nitong hinahalikan. Eksperto ito sa ganoong bagay na susuko ka na lang at magpapakalunod sa sensasyon. Humigpit ang kapait ko sa hoodie nito, waring doon kumukuha ng lakas. Mabuti na lang at sa huli ay nagawa kong makapag-isip nang matino bago pa man kung saan makarating ang tagpong iyon.
“God! I just can’t get enough of your lips, hon,” usal nito na tila nagdedeliryo. “Tender…soft and sweet.”
“Umalis ka na, please.” Hindi ko alam kung bakit ako nakikiusap dahil kung tutuusin ay pwede ko naman itong ipagtabuyan dahil sa kapangahasang ginawa nito. “Umalis ka na…”
Hindi nito binitawan ang kamay ko bagkus ay parang atubili pa itong umalis.
“Aalis ako sa ngayon, pero huwag mo naman akong ipagtabuyan. I really like you and I want to know you more. Please give me a chance…”
“Get lost, Fortalejo!” mabilis kong sagot. “Huwag mo akong idamay sa mga babae mo. Madami namang iba diyan. Sila na lang.”
Pagkatapos ay mabilis kong sinaraduhan ang pinto upang hindi na marinig pa ang mga sinasabi nito.
Nang gabing ‘yon, nahirapn akong makatulog. Mas lalo pa at panay ang ring ng cellphone ko dahil sa pagtawag ni Turn. Sa huli ay tumigil ito ngunit nagawa naman nitong mag-send ng picture kung saan bagong ligo ito at tanging tuwalya lamang ang bumabalot sa ibabang parte ng katawan nito. Ngunit hindi iyon sapat upang maitago ang namumukol nitong harapan.
“Dream of me, hon,” text pa nito sa akin.
“Damn you, Fortalejo!” usal ko sa magkahalong gigil at inis. Pero bukod doon, naroon din ang excitement at malakas na pagkabog ng aking dibdib. Bagay na labis kong ikinabahala.