WEEKEND DAY'S, mga araw na pinanabikan palagi ni Sansky noon, pero biglang nagbago dahil sa pag pasok ng isang Ritchmond Candellaria sa buhay niya. Kasalukuyan siyang nasa kanyang bahay lang at inaabala ang sarili sa harapan ng loptop at malamang sa malamang na matapos ang buong maghapon na nandito lang siya.
Hangang ngayon ay naguguluhan pa rin siya sa mga pangyayari na kahit siya mismo ay hindi talaga alam kung ano at bakit ganoon na lang kung itrato siya ni Mond. Malinaw naman dito na ayaw niya ng relasyon kahit pa may nanyari na sa kanila, pero bakit ayaw naman siya nitong lubayan.
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng mag-ingay ang kanyang cellphone na nakapatong sa table na nasa harapan niya katabi ng kanyang laptop. Tumatawag ang kanyang Mama.
"Hello Mommy, bakit po napatawag kayo?"
"Anak, kamusta ka na?"
"Ayos lang po ako dito. Kayo po?"
"Ayos lang din naman. Well napatawag ako kasi excited akong sabihin sa iyo na nagplaplano kami na magbakasyon diyan sa Pilipinas. Gusto kasi ng kapatid mo at isa pa namimiss ka na din namin."
"Oh really Mommy, magandang balita po iyan and miss you all too."
"Kaya nga anak, kasi na isip din namin ng Papa Migz mo na dahil sobrang abala ka sa trabaho at walang time sa pag-pasyal dito kami na lang uuwi diyan. At isa pa may kailangan din asikasuhin na ilang negosyo diyan sa pinas si Papa Migz mo."
"Oh that's great.. Kailan ang punta ninyo para masundo ko naman kayo sa airport?"
"I call you again, may inaayos lang kaming ilang mga bagay pa dito."
"Okay Mommy bye i love you, send my hug and kisses to Tiffanie tell her that I miss her too."
"Okay anak I love you too and always take care of your self."
"Yes Mom i will."
May ngiti sa labi niya ng matapos Ang pag-uusap nila ng kanyang Mommy. Sobrang sabik na talaga siya sa mga ito. Simula ng maitayo nila ng kaibigang si Rhaime ang RhaimeSans five years ago ay iyon din ang tagal na hindi na siya nakadalaw sa pamilya sa Canada.
Madalas ang mga ito ang dumadalaw dito sa kanya kapag may mga pagkakataon tulad ng mga espisyal na okasyon. Masyado silang nagpokos mag kaibigan sa pagpapa-unlad ng maliit na negosyo nila sa umpisa na ngayon nga'y unti-unti ng nagbunga.
Kilala na ang RhaimeSans sa Pilipinas at sila ang #1 recruitment agency na may pinaka magandang feedback pag dating sa pag-papadala ng mang-gagawa sa ibang bansa at maging dito sa loob ng bansa ay kilala din sila pag dating sa mga aplikante na sa agency din nila nangaling.
Ang lahat ng pagsusumikap nilang mag kaibigan ay nagbunga dahil sa tiyaga nilang dalawa at ngayon nga ay nasa matatag na estado na ang RhaimeSans kahit limang taong palang ito simula ng naitatag nila.
Pumasok sa isip niya ang sitwasyon ng bestfriend niya ngayon dahil nga sa may pinagdadaanan ito ngayon. Bumalik na din ito sa trabaho na ikinagulat pa nga niya dahil hindi niya inaasahan, sapagkat hindi na nito tinapos ang nalalabi pa sanang mga araw nito na bakasyon sa isla ng kaibigan nilang si Ysmiellien.
Mabilis na dumaloy sa kanyang ala-ala ang tagpo ng pagbabalik nito sa trabaho.
"Well... Well... Well.... So totoo nga na nandito kana ayon sa ating mabait na sekretaya.. "
Napatingin siya sa bumukas na pinto at ang malapad na ngiti ni Sansky ang sumalubong sa kanya, agad itong lumapit sa kanya at niyakap siya. Gumanti din siya ng yakap dito, "best I miss you... "
"Na miss din kaya kita." Humiwalay ito ng yakap kay Rhaime at umupo sa visitors chair nito sa harap ng table niya. "Kamusta na si pala sinYsmiellien sa Isla tsaka Yun problema nya dun? "
"Ayos lang naman siya doon but about her problem, well wala pa siyang idea kung sino ang taong naghahangad na makuha ang isla Sealandia. Kaya malamang sa magtagal pa siya doon."
"Eh how about you are you okay now?"
"Well much better now than before." At pilit ngumiti dito.
"Talaga lang ha kung sa itsura mo ngayon ang pagbabatayan ko mukhang naka recover ka na nga kasi parang lalo kang gumanda pero.... Sabay taas ng isang kilay nito sa bandang kanan. Well masasabi kong hindi ka papasang best actress sa akin bestie. " tumawa ito ng matunog...
"Baliw ka talaga..." At natawa na rin siya. Sabay silang napatingin sa bumukas ulit na pinto at si Mitch ang na kita nilang papasok dala ang mga folder.
"Mam Rhaime heto na po Yun mga folder ng mga listahan na naka schedule para sa final interview." Sabay patong sa mesa ng mga folder.
"Thank you Mitch. "
"By the way Mam Rhaime may kliyente din po kayong dumating hindi ko muna Pinapasok dito dahil nag uusap pa po kayo ni mam Sansky.
"Are you sure sakin kliyente, baka naman kay Sansky?" Tanong nya dito, kasabay ng pagkunot ng noo niya.. First day of work may kliyente na sya agad, wala siyang matandaan na may naka schedule sa kanya ngayon kliyente dahil nga kababalik pa lang niya. Kaysa pahirapan ang sarili sa pag isip kung sinong kliyente ang sinasabi ni Mitch ay binigay niya ang pahintulot na papasukin ito kahit nasa loob pa si Sansky.
Hindi rin naman nagtagal at muling bumukas ang pinto na nilabasan ni Mitch, Natigilan siya ng makita ang isang tao na pinanabikan niyang makita ulit ng personal kahit anong tangi niya sa sarili na hindi niya ito pinanabikang makitang muli.
"Oops...mukhang kailangan ko ng lumabas at pumunta ng opisina ko para makausap mo ang kliyente mo na yan bestie sabay tayo ni Sansky at nakangiti ng makahulugan dito.
"Hi Dylan" Bati ni Sansky dito bago lumabas ng tuluyan.
Napapitlag siya bigla at naputol ang pagdaloy ng ala-ala sa kanyang isip ng may yumakap sa kanya mula sa likuran at isang mabilis na halik sa pisgi niya ang ginawa ng magaling na salarin.
"Mond...,Nakakainis ka na ha! Bakit ba naging ugali mo na ang basta-basta nalang nanghahalik?" Inis niyang singhal at tsaka binato ng trow pillow saktong sapol sa mukha sa tatawa-tawang binata na umupo sa katapat niyang sofa.
"Sobrang sweet mo talaga sweetie at sobrang lalim din ng iniisip mo talaga kasi hindi mo man lang naramdaman ang paglapit ko sayo mula sa likuran mo. Ano bang iniiisip mo?"
"Iniisip ko si Rhaime at Dylan, I mean yun relation nila. Sana mag ka ayos na din sila."
"Oh yah..., magkaka-ayos sila I'm sure and speaking of that sweetie alis pala tayo ngayon kasi kailangan kitang maipakilala kay Angelzy."
Tumaas ang kilay niya. Angelzy, so meaning babae at sino naman kaya iyon.
"Sweetie don't think anything, Angelzy is a friend of mine and Dylan also." Nakapaskil ang nakalolokong ngiti dito.
"Bakit ganyan ang ngiti mo? Tsaka hindi ko naman tinatanung kung sino iyon Kaya wala ka dapat ipaliwanag. Bakit ang defensive mo?"
"Hindi ka nga nagtatanong pero nabasa ko iyan iniisip mo. Selos ka noh?"
"Ang kapal mo talaga...," sabay bato ulit ng trow pillow dito pero nasalo na ni mond iyon. "Huwag ka nga piling diyan."
"Piling na nga lang ipinagkakait mo pa sakin ang mabuti pa mag asikaso ka na para maka alis na tayo."
"Ano ba kasi meron at bakit kailangan mo ako maipakilala sa kanya?"
"Sweetie doon mo na malalaman okay kaya kilos na."
"Para kang toyo pa mastery effect ka pa, bakit hindi mo pa sabihin sakin kasi?"
"Eh honestly I don't have any idea too, basta isama daw kita."
Umingos siya dito, "okay fine maliligo lang ako."
SA ISANG sikat na restaurant sa Makati sila nagpunta ni Mond para kitain ang kaibigan na sinasabi nito. Lumapit sila sa nakaupong babae at may ngiti sa labi nito ng tuluyan sila makalapit. Ipinaghila siya ni Mond ng upuan at inalalayan siya na makaupo. Bago naman ito umupo sa katabi niya.
"Angelzy meet Sansky, Rhaime's best friend. Pagpapakilala sa kanya ni Mond dito. "
Nakangiti itong nakipag-kamay sa kanya na magiliw naman niyang inabot. Humanga siya sa taglay na fillippina beauty nito dahil morena ang kulay nito at ang ngiti nitong sobrang ganda na ngiti pa lang mahuhumaling kana.
"Hi, I'm Sansky."
"And I'm Angelzy, but you can call me Angel. Im Mond friend and Dylan also."
Lumapit ang isang waiter para kunin ang order nilang tatlo. Nang matapos silang mag order pare-pareho at habang hinihintay ang order ay binuksan na ni Angel ang topic ng meeting na ito.
"This meeting is about Dylan and Rhaime wedding."
"Wedding...? Hindi na iyon tuloy diba dahil ayaw na ni Rhaime bigyan ng chance si Dylan na magkabalikan sila."
"Yah, exactly, but we need to try to do this. Ayokong magkaroon ng kaibigang dadalawin sa mental, Ewan ko lang itong si Mond kung gusto niya."
"Syempre ayoko rin noh."
"At alam natin na sa mental ang bagsak ni Dylan kapag tuluyan silang hindi nag ka ayos ni Rhaime. We have a plan A and B but this is a plan A, so dito muna tayo mag focused sa plan A si Dylan na ang bahala sa plan B if ever hindi ito mag success. Let's us hope sa A pa lang magtagumpay na tayo."
"So what do we do in plan A? Tanong na niya dito."
"Wala kang ibang gagawin kungdi kunin ang bawat detalye ng dream wedding ni Rhaime, Mula sa color motifs, design ng dream wedding gown niya, wedding cake, at kung ano-ano pang personal na detalye na may kinalaman sa kasal like invitation and others except the wedding venue and the wedding song."
"Okay sige madali lang iyan sakin. Pero bakit hindi kasama ang wedding venue at song?"
"Sinabi kasi ni Dylan na nabanggit na ni Rhaime sa kanya ang gustong wedding theme nito noong nasa pampangga sila, and Rhaime want's a farm wedding doon mismo sa bahay nila sa pampangga iyon ganapin.... Na hindi natin pweding sundin dahil baka magkaroon siya ng idea sa plano natin."
"Ah... Kaya pala." Habang tumatango.
"Kaya sa bagay na iyan si Dylan na ang nagpasya na ang venue at wedding theme ay beach wedding, at gaganapin iyon sa isa sa mga exclusive resort na pag-aari naman nitong si Mond along in Batangas. Although may private resort din naman si Dylan doon pero hindi pweding doon ganapin dahil minsan ng nakarating si Rhaime din doon at iyon yung araw naman na nag propose si Dylan sa kanya. Alam nyo na ang iniiwasan natin dito ay ang makasilip ng kahit anong butas si Rhaime sa plano.
"Wow....what an amazing plan Angel."
"Ang goal natin dito is masorpresa si Rhaime dahil siya lang naman talaga ang tanging walang alam sa mangyayari. The rest ng invited sa wedding nila lahat ay aabisuhan para walang maging bulilyaso."
Dumating ang order nilang pagkain na isa-isang ng inilalapag ng waiter sa lamesa nila. Isa-isa niya din iyon tinitignan at ewan ba kung bakit bigla na lang siya nakaramdam ng pag ikot ng sikmura at tila siya masusuka ng maamoy niya ang mga putaheng nakahain ngayon sa mesa eh Mukha naman masarap ang lahat ng iyon.
"Ang planong ito ay suportado naman ng pamilya ni Rhaime at si Dylan na ang bahala naman pagdating sa mga personal na dokumento."
"Okay..., iyon lang ba ang papel ko sa plano?" Tanong niya dito na pinipigilan ang sama ng pakiramdam sa kanya ng sikmura sanhi ng naaamoy niya.
"For now yes and kapag nakuha mo na ang details ng design ng wedding gown ni Rhaime just tell me kasi may kinausap na ko na gagawa ng wedding gown niya actually ng lahat ng isusuot sa wedding."
Tumango na lang siya dito bilang pag sang-ayon
"So let's eat." Ani mond. Pinag sandok siya nito ng kanin at inilagay sa kanyang Plato. Ang order nila ay pan lunch na dahil nga tanghali na din naman iyon. Nang ang ulam na ang inilalagay nito ay halos bumaligtad na talaga ang sikmura niya, isa ang ulam na iyon sa paborito niya kaya nga iyon ang inorder niya. Pero bakit ganto ang pakiramdam ng sikmura niya.
"Are you ok sweetie bakit ganyan ang itsura ng mukha mo tsaka naiinitan ka ba? pinagpapawisan ka kasi." Tanong nito sa kanya habang nakatingin sa noo niya at may butil-butil na nga ng pawis doon na ramdam niya. Ewan kung bakit tila nainitan siya bigla eh may aircon naman.
"Ahm...., excuse me for a while, i go to comfort room." Mabilis siyang tumakbo at sapo ang bibig na tinungo ang C.R. mabilis siyang dumuwal sa lababo ng makapasok at pilit isinusuka ang kung ano ang meron sa loob nito pero wala naman lumalabas at puro tubig lang iyon kasama ng laway niya.
Pakiramdam niya ay nanlambot ang mga tuhod niya kaya humawak siya sa gilid ng tiles ng lababo para doon kumuha ng lakas sa pagpapanatili ngbkanyang pagtayo. Napasapo siya sa kanyang ulo at tila biglang nahilo.
Ilang pikit at mulat ang ginawa niya para mawala ang pagkahilo niya, naghilamos siya at tsaka nagmumog para alisin ang lasang naiwan sa kanyang dila sanhi ng pagsuka at mahimasmasan kahit pa ano.
Pinagmasdan niya ang sariling repleksyon sa Salamin at unti-unting nanlaki ang kanyang mata sa isang senaryong pumasok sa kanyang utak.
Shit....oh my god hindi pweding manyari ang iniisip ko, No...No...No... Pero paano nga kung tama s**t na malagkit talaga. Anong gagawin ko. Ilan beses na inhale, exhale ang ginawa niya para pakalmahin ang sarilin at ang bilis ng t***k ng puso niya.
Kailangan ko makasigurado muna. Kaya kalma ka lang diyan self. Pagkausap niya sa sariling reflection sa salamin. Nang sa tingin niya ay ayos na siya ay napagpasyahan na niyang bumalik na sa mesang kinapwepwestuhan nila Mond at angelzy.
"I'm sorry, medyo natagalana ako."
"It's okay nauna na kaming kumain ni Mond habang hinihintay ka, kumain ka na rin."
Pinilit niyang ngumiti dito para hindi nito mahalata na nawalan na siya ng gana.
"Kain ka na sweetie." Diba paborito mo ito?
Ahm kasi ano ahm...busog pa talaga ko eh sinabi na lang niya.. Marami akong nakain kanina bago tayo pumunta dito.
Mataman siyang tinitignan ni Mond. May sakit ka ba?
Sakit..? Wala akong sakit paano mo naman nasabi iyan?
Never ka tumanggi sa pagkain kahit pa busog ka na at isa pa, paborito mo ang chicken curry sweetie?
Pakiramdam ko kasi hindi na pala siya kaya ng tiyan ko.
Tinignan siya ni Mond na halatang hindi kumbisido sa dahilan niya.
"Well.., Mauna na ako sa inyo Mond." ani Angel sa kanila. May iba pa kasi akong pupuntahan. Nice to meet you again Sansky at kunin mo na lang kay Mond ang number ko para matawagan mo ako in case off." Nakangiti nitong paalam sa kanila.
"Sige..."
Nang silang dalawa na lang ni Mond ay mataman pa rin itong nakatingin sa kanya.
"Ba-bakit ka ganyan makatingin?" Kinakabahan niyang tanong dito.
"Naninibago ako sayo, wala ka ba talagang sakit?"
"Wala nga...., pero pwedi bang iuwi mo na din ako at ipabalot mo yan mga pagkain na hindi nagalaw sayang kasi at maraming nagugutom sa lansangan, ibigay mo na lang iyan sa kanila. Give me the key, mauna na ako sayo sa sasakyan doon na lang kita hintayin."
Habang hinihintay niya si Mond ay malalim pa rin ang iniisip niya pumikit siya para saglit na ipahinga ang utak. Nanghina talaga siya kanina dahil ginawa niyang pagsuka. Iyon ang unang beses na naranasan niya iyon.
Naramdaman niya ang pagbukas ng pinto ng sasakyan at ang bahay ang pag-uga nito ng tuluyan makapasok si Mond. Hindi na siya nag-abala pang dumilat. Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya para ikabit nito ang seat belt na hindi niya naikabit mismo sa kanya.
"Are you sure are you okay? Baka kailangan dumaan tayo sa clinic para mapachecp up ka. I'm worried..., you know?"
"No, never mind this I'm okay don't worry, pahinga lang ito. Just drive and don't forget the food na ibigay sa mga batang makikita mo kumpulan diyan sa kalsada para mamalimos. Tuluyan na siyang kinain ng sistema ng kadiliman at tuluyan nakatulog.
Isang batang babae ang umiiyak at patuloy na humihingi ng tulong ang kanyang naririnig, mahahalata ang takot na nakapalood sa boses nitong nagsusumamo.
"Mammy, mommy ko! tulungan mo ako, ayoko dito ilabas ninyo ako dito please po. Mommy.. Mommy... Mommy natatakot na po ako.. Mommy gusto ko na pong umuwi pakiusap."
"Hey.., Sansky wake up." niyuyugyog ni Mond ang balikat nito para gisingin ang dalaga. Saglit niyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalasada ng mapansin ang pag ungol nito at ang pag-daloy ng luha sa mga mata nitong nakapikit.
Yugyog sa balikat niya ang nagpabalik sa kanya at tuluyan nagpadilat. Agad siyang yumakap kay Mond ng mahigpit ng mabungaran niya ito sa kanya ng pagdilat at doo'y umiyak sa mga balikat nito.
"Nananaginip ka, kaya ginising kita. Shhh..." Don't cry it's all a dream sweetie. Hinagod ng palad nito ang likod ni Sansky habang nakayakap ito sa kanya. Na sa paraan man lang na iyon ay kumalma ito kahit paano. "Malapit na tayo sa bahay mo."
Kumalas siya sa pag kakayakap kay Mond at umayos ng upo. "Salamat." Ngiti lang ang sinagot nito sa kanya at nagmaneho na ulit.
Nakatingin siya sa labas ng bintana at malalim na nag isip. Pasulpot-sulpot na lang ang panaginip na iyon na naging panyayari minsan sa kanyang buhay ng bata pa siya. Isang karanasan ng kanyang kabataan na hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya at ang dahilan ng pagkatakot niya sa elevator.
"Nandito na tayo sweetie." Tawag pansin ni Mond sa kanya. Dahil ata lumilipad ang utak niya ay hindi niya namalayan na nakarating na sila. Ipinagbukas siya nito ng pinto at inalalayan sa pagbaba.
"Mond thank you. Pasok na muna ako sa kwarto ko medyo hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko kasi."
"Sige, aalis na din pati ako para makapag pahinga ka ng maayos. Pero kapag hindi pa rin naging okay ang pakiramdam mo just tell me, mainam na magpa check up ka na sweetie. Nag-aalala na ko talaga sayo."
"Yah, ingat ka sa pag-mamaneho." Humalik ito sa pisngi ni Mond at tinalikuran na siya.
Halata ang pgkagulat sa natigilang si Mond sa ginawa ni Sansky na paghalik sa kanya.
************rhaime22*************
Author's note: Hi Rhaime-ians. Hope na-enjoy ninyo ang pagbasa .
Thank you.