Chapter 8- The bestfriend topic.

3257 Words
WARNING: Expect wrong typo wrong spelling and grammatical error ahead, in short savage sa error dahil unedited... ***************** PAGKAHATID NIYA kay Sansky sa bahay nito pagkatapos nilang kitain ang kaibigan si Angel ay dumiretso siya sa kanilang kompanya na nasa bandang Ayala, makati naman. Dahil anak siya ng pinaka C.E.O at presidente ng may-ari ay walang problema kahit anong oras o araw pa niya gustuhin sumulpot dito para pumasok. Kahit pa sabihin na weekend ngayon at walang opisina. Siya lang naman ang tanging tagapag-mana ng kanyang Papa noon, pero hindi na ngayon dahil meron na nga din itong anak sa bago nitong asawa na maaari niyang maging kaagaw sa posisyon na iiwan nito. "Good afternoon Boss," Bati sa kanya ng lalaki niyang sekretary na si Mundo ng madaanan niya ang table office nito. Diretso siyang pumasok sa kanyang opisina at presentable umupo sa kanyang swivel chair. Lalaki ang personal Secretary niya dahil mas komportable siya sa lalaking Secretary. Ayaw niya ng babae dahil ayaw niya ng issue pagdating sa mga babaeng sekretarya kaya hanggat maaari ayaw niya ng babae. "Anong balita dito?" Tanong niya kay Mundo na sumunod sa kanya sa loob ng kanyang opisina. "Everything is okay boss except one." Kumunot ang kanyang noo na napatingin kay Mundo. "Nabanggit kasi ni Rose-ann na naka plano ang C.E.O na dumating para sa nakatakdang pakikipag usap nito sa mga Investors na darating sa bansa." Rose-ann is C.E.O personal secretary. "What did you say? Hindi ba dapat ako ang nakatakdang makipag-usap sa kanila." "Kahit ako nagulat sa sinabi ni Rose-ann dahil nga ang alam ko naka settle na sa atin ang meet up na iyon para sa mga proposal ng investor." "I will call the C.E.O to find out why the plan has changed, thanks to the information Mundo. Pwedi ka na rin umuwi. Hindi ba kapag Saturday half day ka lang?" "Yes Boss." "Kaya umuwi ka na." Tumingin siya sa relong nasa wrist niya. It's almost 2 PM. Tatawa-tawa niyang turan dito. "Masyado ka nanaman nalibang sa trabaho." Hangang Friday lang talaga ang pasok ng mga empleyado nila pero kapag ganitong Saturday may ilan mga pumapasok kapag may mga deadline na hinahabol at may mga importanteng gagawin. Binuksan niya ang desk computer niya at binisita ang bawat file ng department ng kanilang kompanya. Masinsinan niyang pinag-aralan ang bawat pagpasok at paglabas ng pera ng kompanya. Mukha naman walang problema iyon kaya nag tataka talaga siya kung bakit kailangan pang umuwi ng kanyang Papa para lamang sa mga Investors na nakatakda niyang kausapin. Natawag ang pansin niya sa pag-tunog ng message alert tone kasabay ng pag-viberate ng kanyang cellphone na nakalagay pa sa harap ng bulsa ng kanyang pantalon. Agad niya itong kinuha at binasa at galing iyon kay Dylan. Dylan: Buds let's meet at Buds Aiden's heavens gate club tonight we will talk about important at 9 PM. Hindi na siya nag-abala pang mag-reply. Dahil alam naman na nito ang sagot niya, tinext lamang siya nito marahil upang abisuhan siya at nakikinita na niyang ang pag-uusapan mamaya ay ang tungkol sa plano nitong kasal kay Rhaime. Marahil ay mayroon pang hindi nabanggit si Angel kanina sa meeting nila na kasama si Sansky. And speaking of Sansky. Bigla niyang naalala ang ginawa nitong pag-halik sa kanyang pisngi nang pauwi na siya pagkahatid niya dito. Iyon ang unang pag kakataon na ginawa sa kanya iyon ng dalaga kaya nagulat talaga siya, marahil nga na masama talaga ang pakiramdam nito. At nag-alala talaga siya dito. Dahil hindi na rin naman mapakali ay tinawagan niya ito sa cellphone para kamustahin muli, pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag kahit ilan beses na niya iyon inulit. Kaya sa landline na lang siya nag-pasyang tumawag ilang ring muna ang dumaan bago may sumagot nito. "Hello, this is Naverro residence. Sino po ang hanap nila?" Magalang na sagot ng nasa kabilang linya na marahil ay si Marie sapagkat kilala na niya ang boses nito. "Hello Marie, this is Mond." "Ay.., Kuya Mond ikaw po pala iyan bakit napatawag po kayo?" "How's your Ate Sansky? Hindi niya sinasagot ang cellphone niya kasi kaya dito na ako sa landline tumawag." "Ah baka po natutulog Kuya. Kasi kaninang pag-kadating ninyo ay hindi na po lumabas ng kwarto niya eh kapag ka ganoon natutulog po iyon sigurado." "Ganoon ba...., well paki check ang Ate Sansky mo sa kwarto ha paki-kamusta na lang ang lagay niya dahil kaninang umuwi kami hindi maganda ang pakiramdam niya eh." "Sure Kuya Mond makaka-asa ka." "Thank you Marie." Pero kahit nakausap na niya si Marie ay nag text pa rin siya kay Sansky dahil tiyak na mababasa naman ito ng dalaga. NAPAHABA ATA ANG kanyang tulog sapagkat nagising lamang siya dahil sa pagkalam ng kanyang tiyan. Inabot niya ang kanyang cellphone na pataob na nakapatong sa bedside table niya na katabi din ng kanyang kama. Pasado alas singko na pala ng hapon at limang oras siyang nakatulog. Mayroon din siyang ten misscall na galing kay Mond at isang text messages binuksan niya iyon para basahin. Ritch: Sweetie how are you? Tawagan mo naman ako kapag nagising ka na, I'm so worried about you talaga. Kapag hindi mo ako tiwagan hanggang matapos ang araw na ito i swear ako mismo ang magdadala sa iyo sa hospital para maipa check-up ka either you like it or not. Napabuntong-hininga siya ng malalim dahil sa nabasa. Kahit isangdaan porsyento naman na sigurado na siya sa magiging resulta ay kailangan pa rin niyang makasigurado para alam niya kung ano ang kanyang gagawin na sunod na hakbang. Dahil ni minsan ay hindi niya pa naranasan ang maging maarte sa pagkain lalo na sa amoy ng ulam at kung bakit paborito niya pa ang nagpaligtad nang kanyang sikmura. Isama pa ang hindi niya matandaan kung kelan siya huling dinatnan. Kaya lalo siyang nagkaka- kutob. Nagpasya na siyang tumayo para pumunta sa kusina at maghanap ng makakain na aayon sa pang-amoy niya at tatangapin ng kanyang sikmura. Diretso siyang tumungo sa kusina at binuksan ang ref at tsaka naghalughog ng pweding makain. Pero wala siyang nagustuhan sa mga laman nito, kaya isinara na lang niya ulit. Naupo siya at nagkalumbaba na tinitigan ang mesa at nakasimangot na nag-iisip. "Ate Sansky ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Marie dito na hindi man lang napansin ang pagdating niya. Kahit nasa harapan na siya. Nakakunot ang noong pinaglalabas niya ang mga pinamili sa palenke at isa-isang pinatong ang mga iyon sa lamesa na hindi pa rin siya nito pinapansin. Kaya ganun na lang ang gulat niya nang bigla itong magsalita ng malakas at nanlalaki ang matang nakatingin sa kasalukuyan niyang hawak. "Oh my god bagoong alamang ba iyan Marie?" "Marianong garapon Ate nakakagulat ka naman...!" "Sorry nagulat ba kita?" "Oo Ate gulat na gulat ako, hindi po ba halata? Napahawak nga ko bigla sa dibdib ko dahil bumilis yun t***k. At oo ang sagot sa tanong mo kung bagoong alamang ito." "Talaga," napalunok pa siyang bigla at tila naglaway. Pwedi ba na iluto mo na iyan kasi gusto ko iyan eh." "Iluluto naman talaga ito ate kasi kare-kare ang lulutuin ni Nanay." "Iluto mo na siya please ngayon na kasi gusto ko talaga kainin yan para iulam sa kanin." "Ayos ka lang ba Ate eh may menudo pa diyan na ulam kung talagang nagugutom ka na iyon na muna ang ulamin mo." "Ehhh...., ayoko non may kasama pang dabog sa paa iyan nga gusto ko eh kaya bilisan mo na at iluto mo na iyan, bago pa mag-init ang ulo ko sa iyo." "Heto na nga po oh, maghihiwa na ng bawang at sibuyas oh." "Bilisan mo na at laway na laway na ko diyan na makain." "Dapat si Nanay ang magluluto nito eh." Reklamo ni Marie sa kanya. "Bakit hindi ka ba marunong magluto niyan, eh gigisa mo lang naman yan diba?" "Marunong naman Ate, Kaya lang si Nanay talaga nagluluto diba at isa pa hindi mo gusto ang lasa ng luto ko? Nag-aalalang tanong niya." "Gawin mo na lang kasi at dito lang ako para hintayin ka matapos magluto." Nagtataka man si Marie sa ikinikilos nito ay sinunod na lang niya ito. Kaya ng matapos niya itong iluto ay pinaglagay niya ito ng bagoong sa isang platito at inilapag sa mesa malapit sa kanya. Inamoy-amoy naman iyon ni Sansky na tila bangong-bango. "Ipagsandok mo ko ng kanin at pahingi din ng kalamansi." Nakangiti niyang utos kay Marie na agad naman ito sumunod sa kanya. Nawiwirduhan na pinanonood lang ito ni Marie habang kumakain na makikita ang pagkagana sa pagkain habang sarap na sarap sa pag-ulam ng bagoong na pinisaan nito ng kalamansi. Sa ganoon tagpo siya nadatnan ng kanyang ina. "Hoy bakit ganyan ka naman makatingin sa Ate Sansky mo?" Bulong ng ina niya sa kanya. "Kasi naman Nay tignan mo oh hindi na niya nahintay maluto ang Kare-kare at ipinaluto na sa akin ang bagoong para lang ulamin niya." "Oh anong masama doon? Inuulam naman talaga ang bagoong ng ibang tao, masarap pa nga iyan kung may kasamang sariwang kamatis." "Oo nga Nay pero ang weird lang, kasi hindi kumakain ng luto ko si Ate Sansky maliban diyan sa bagoong na iyan na ipinilit niyang lutuin ko na at hindi ka na daw niya mahintay pa." "Asus ikaw nga'y manahimik na diyan at maghiwa ka na ng gulay na sangkap sa Kare-kare nang ako ay makapag luto na." Sabay pa silang napatingin sa kanilang Amo ng magsalita ito. "Solve..., Sa wakas nabusog din ako. Ang sarap ng bagoong mong luto Marie. Pakiligpit nalang po ang pinagkainan ko. At tsaka nga pala huwag nyo po ubusin yun bagoong ha. Kahit po iyon Kare-kare ay ubuisin nyo na huwag lang ang bagoong." Nakangiti siya sa mga ito bago tuluyan tumalikod para bumalik sa silid. "Oh diba Nay ang weird ni ate Sansky kalokah." "Heh..,manahimik ka nga diyan kung anu-ano yan sinasabi mo. Parang ngayon ka lang nakakita nang taong nag ulam ng bagoong?" "Hindi nga Nay pero si Ate Sans ngayon ko lang talaga nakitang nag ulam ng bagoong sa tagal na natin nakatira dito para manilbihan sa kanya. Dati naman kapag meron tayo bagoong dito hindi naman niya pinapansin kahit may mangga pa at inaalok ko siya. Hay naku Nay hindi na ako magtataka kung minsan makita ko iyan si Ate Sans na kumakain na nang mangang kalabaw at isawsaw sa bagoong alamang." Natatawa pa ito sa pagsasalita. Hoy manahimik ka na diyan at kung saan na nakarating yan utak mo. "Excited na ko sa wedding bell Nay." Kinikilig pa ito. "Tiyak akong isa ako sa maid of honor ni Ate Sansky." Hoy Marieyella ikaw nga'y manahimik na kung ayaw mo kurutin na kita talaga sa singit. Suminyas siya sa kanyang ina na isiniper kunwari ang bibig at ngingiti na ipinag patuloy na ang paghihiwa ng gulay. Ayaw ata niyang makurot sa singit kaya tatahimik na siya lalo't binuo na nang kanyang Ina ang pangalan niya. Sa silid naman ni Sansky ay inabala niya ang sarili sa pagrereserch ng mga sikat na catering services sa bansa na maaaring mag cater sa kasal ng kaibigan si Rhaime. Nilista niya ang pangalan at numero ng pinaka top five na napili niya at isa-isang niya itong tatawawagan. Maikli lang ang panahon na nalalabi sa plano nilang ito kahit hindi iyon nabanggit ni Angel kanina ay nararamdaman niya kaya hindi dapat sila magpetiks sa kilos pare-pareho. Tinawagan niya ang kaibigan gamit ang cellphone niya hindi rin naman nag tagal at sinagot din ito. "Hi bestie." "Oh anong meron napatawag ka?" "Nasa bahay ka lang ba ngayon?" "Oo, bakit.? Alam mo naman kapag walang pasok sa opisina nandito lang ako sa bahay, unlike you na gala ng gala." "Dati iyon noong walang Mond na bantay. Anyway punta ako diyan ngayon sa iyo." "Hah.., bakit anong meron?" "Wala lang gusto ko lang makipag kwentuhan sana sa iyo. Alam mo na pampalipas ng oras." "Ganoon ba oh sige hintayin na lang kita dito sa bahay. Ani Rhaime sa kaibigan." "Okay bye." Paalam naman ni Sansky dito. Hindi na siya nag abala pang magpalit ng suot sapagkat ayos naman na ang suot niyang maong shorts na maikli at isang kulay red na blouse na may spongebob print design. Bagkus ay kumuha na lang siya ng jacket para pansupporta sa lamig sa labas habang naglalakad siya papunta sa bahay ng kaibigan na isang block lang ang layo mula sa bahay niya. Mas feel niyang maglakad ngayon kaysa gumamit ng sasakyan. Safe naman sa loob ng subdivision nila dahil exclusive subdivision iyon at talagang mayayaman ang mga nakatira kaya mahigpit ang safety na ipinatutupad dito. Idagdag pa ang nagkalat na CCTV sa bawat block ng subdivision. Dahil nag-enjoy sa paglalakad ay hindi niya namalayan na malapit na siya sa bahay ng kaibigan sapagkat natanaw na niya ang gate nito na hindi kataasan. Nag doorbell siya at agad din naman ito bumukas at bumungad sa kanya ang kasambahay na kinuha ni Dylan para sa kaibigan. Magandang gabi po Ma'am Sansky. Nasa garden po si Ma'am Rhaime doon ninyo daw siya puntahan. "Okay po Ate Lenie, Salamat." Binaybay niya ang daan patungo sa likod bahay ng kaibigan kung saan nandoon ang mini garden nito at nakaupo ito sa swing na pandalawahan. "Bestie.!" Pasigaw na tawag niya sa atensyon ng kaibigan na agad naman lumingon sa kanya ng makita siya. Pinigilan niya ang pag-ugoy ng swing nang tuluyan siya makalapit para makasakay siya at makaupo sa harapan nito. "Oh anong atin? Akala ko nagbibiro ka lang na pupunta, actually hindi ko siniryoso bestie iyon sinabi mo." Nakangiti niyang turan sa kaibigan. "Bruha ka, at kailan ako nagbiro sa iyo? Kapag sinabi kong pupuntahan kita, pupuntahan talaga kita." Malay ko ba kung ngayon nagbibiro ka. At isa pa diba palagi kayong mag kasama ni Mond. Alam mo kung hindi lang talaga kita kilala iisipin ko na may something talaga kayo eh. "At kailangan ko ba na ulitin sa iyo na wala kaming something?" "Sa iyo siguro wala, pero kay Mond malamang meron siyang something sa iyo. Don't tell me na hindi mo iyon napapansin?" "Wala naman akong pakialam sa something niya sa akin basta klaro naman iyon sa kanya. Ewan ko ba doon at sobrang mapilit lang talaga." Eh ano bang ayaw mo kay Mond, Mabait naman iyon tao, gwapo, matcho, mayaman at higit sa lahat binata. "At kaibigan ni Dylan." Sansala niya sa dapat na sasabihin pa nito. "So what, anong connect doon? Iba naman si Dylan sa kanya ano ka ba." "Ayoko nga." "Ano ang ayaw mo? Si Mond ba o dahil sadyang ayaw mo ng boyfriend?" "Boyfriend means relation so ayoko." "Boyfriend means relation, so iyon idea ng boyfriend talaga ang ayaw mo, pero si Mond gusto mo." "Wala akong sinabing ganyan bestie ha. At isa pa bakit ba ako palagi ang tinatanong mo? Pwedi ako naman ang mag-tanong sa iyo." Natawa siya sa sinabi ng kaibigan. "Oo naman, bakit hindi eh part naman ng kwentuhan ang tanungan." "Hmm... Pwedi bang itanong ko sa iyo iyong about doon sa kasal ninyo dapat ni Dylan kung natuloy iyon sana. Hope you don't mind kasi diba sabi mo naman naka move on ka na....., kunwari." "Bruha ka anong kunwari? Naka move on naman na talaga ako eh, kaya ayos lang. Bakit, ano bang gusto mo malaman kung sakaling natuloy yun kasal namin?" "Tulad ng kung ano design ng wedding gown na gusto mo?" May drawing ako ng design nang wedding gown na gusto ko sesend ko na lang sayo. Mahirap i-explain eh. "Really wow that's nice. Eh how about sa cake if ever, ilang layers ang gusto mo at gaano kataas?" "Gusto ko iyong mga kasing taas ko and i want a chocolate black forest flavor pero kulay mint green at dapat lasang mint yun labas pero chocolate black forest talaga yun flavor niya." "Ay...siryoso ka sa cake flavor ang wierd mo naman sa cake. Anong lasa kaya non hindi kaya sumakit ang tiyan nang kakain nang cake mo sa kasal." Tawa siya ng tawa. Oy.. , masarap kaya iyon grabe ka sa dream cake ko bestie. Bakit ikaw ba ano dream cake mo?" "Oh bakit mo ako tinatanong eh wala naman akong planong magpakasal?" "Kung sakali lang ba?" "Ay naku wala nga kasi never ko iyan inisip ano ka ba?" K.J. mo naman. Tapos ako tinatanong mo about sa dream wedding ko tapos ikaw wala. Asan ang hustisya sa kwentuhan natin na ito?" Nakasimangot nitong turan sa kaibigan. "Hayaan mo na, at least naisha-share mo ang dream wedding mo. How about the flowers? Im sure rose, kasi favorite mo ang rose flower eh." "Yah, I like rose flower in any color." "How about the best two color you want in your wedding motifs?" "Isn't not obvious I like mint green and yellow bestie malamig kasi sa mata ang ganoong kulay." Inugoy niya ang swing. "Bakit puro sa kasal ang tanong mo sakin?" "Wala lang para may topic tayo." "Topic na puro sa akin na kasal if ever, ang praning mo din noh." Lalo pa niyang nilalakasan ang pag ugoy sa swing na bakal. Sa ginagawa naman ng kaibigan si Rhaime ay tila nakaramdam siya ng hilo. "Ano ba bestie, tigilan mo naman yan pag ugoy sa swing nahihilo kaya ako." "Ngek bakit naman? Eh dati naman gustong-gusto mo ang malakas na ugoy ng duyan." "Oo nga pero sa nahihilo kaya ako kaya itigil mo na." "Okay fine, Ang arte mo lang ha." "Uuwi na nga ako." "Bakit? Hindi pa naman tayo tapos magkwentuhan." "Sumama yun pakiramdam ko eh, piling ko masusuka ako." "Eh bakit ka pa uuwi? Dito ka na matulog kaya, tutal wala pa rin work bukas." "Sige na nga at isa pa tinatamad na pati ko maglakad pauwi." "Tabi tayo ha." "Ay.., ayokong katabi ka, doon na lang ako sa isang kwarto na tinutulugan ko kapag nandito ako." "Hala, bakit naman gusto ko pa naman ng kayakap matulog?" "Tawagan ko si Dylan you want, para may kayakap ka lang im sure hindi tatanggi iyon." "Luko-luko. Huwag mo subukan gawin iyan kung ayaw mo itakwil kitang bestfriend talagang bruha ka." Tawa naman siya ng tawa sa reaksyon talaga nito. "Halika na nga pumasok na tayo sa loob at malamig na dito sa labas talaga." Bago siya matulog ay tinawagan muna niya si Mond para ipaalam na ayos na siya ngayon at huwag ng mag-alala pa. Agad din niya tinapos ang usapan nila sapagkat kasama daw nito ang mga kaibigan na si Angel, Aidem at Dylan. Kilala na niya ang dalawa sa mga ito malibam sa nag-ngangalang Aidem. *******rhaime22******* Author's note: Sana po hindi kayo na boring sa pagbasa ng update ko. Kailangan ko po talaga ipasok ang mga scene na nabasa ninyo dito na kung inyong matatandaan ay hindi ninyo nabasa sa scene ng story ni Rhaime at Dylan. Heto po iyon tinatawag na behind the scene na no need sa story ni Rhaime na i-reveal dahil heto yun mga time na pinaplano na nila yun surprise wedding. Again thank you with all my heart sa pagbasa at palaging pag-aabang ng update ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD