Chapter 9-Possitive

3088 Words
WARNING: Expect wrong typo and grammatical error ahead. Unedited at savage sa error. ********** KAHIT TUMAWAG na si Sansky sa kanya para ipaalam na ayos lamang ito at sinabing huwag na daw siyang mag-alala pa at nakuha naman daw sa pahinga. Pero bakit ganito na lang ang pakiramdam niya tila hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Sansky. Malakas ang kutob niyang may hindi ito sinasabi "Buds..., hoy" Tawag pansin ni Dylan sa kanya. Tinatanong ka ni Angel kung okay na ba yong beach resort mo para sa plan A wala na ba tayo magiging problema sa location?" "Ahm... Yes naayos ko na ang lahat kaya wala ka nang dapat pang problemahin." "Eh ikaw anong problema mo?" Tanong naman ni Angel. "Parang ang lalim ng iniisip mo? Nandito ka nga kasama namin pero parang wala ka din." "Pasensiya na mga buds iniisip ko lang si Sansky, lalo na iyong ikinilos niya kanina sa restaurant." "How is she now? Siya ba yun tumawag sa iyo?" Tanong pa rin ni Angel. "Yah, ayos naman na daw siya at nakuha naman daw niya sa pahinga." "Kayo na ba buds, iyong tanggap ni Sansky na kayo ha, hindi iyong ikaw lang ang assuming?" Si Aidem naman iyon nagtanong. "Gago ka buds ang savage mo talaga." Ani naman ni Dylan. "Well...., sa totoo lang ako parin iyong pretending sa amin dalawa pero ayos lang kasi alam ko naman na malapit na siyang bumigay sa kakulitan ko at kaguwapuhan ko higit lalong sa ngiti ko." "Iba ka din talaga palang tamaan ni kupido, hindi nga buds totoo na ba na ikaw iyan.." Natatawang pang-aasar ni Angel. "Oo naman ako naman talaga ito, tsaka may motto ako sa buhay so dapat panindigan ko iyon. Ewan ko lang ba sa babae na iyon kung bakit parang may allergy kapag relation between me and her ang pinag-uusapan at lalo pang naaalibad-baran kapag iyong sa kasal na ang binabangit ko." "Well good luck sa iyo, I mean sa inyo palang dalawa ni Dylan." Tumawa si Angel. "Kaloka kayong dalawa. Sino mag-aakala na mag-bestfriend pa pala iyan nagpaligalig sa puso ninyo? At sobrang swerti mo Dylan kasi pati si Ysmiellien na kapatid ko kaibigan nila din pala. Hindi ko pa malalaman na sila ang mga kaibigan ni Ysmiellien na palaging niyang bukambibig sa akin kung hindi dahil sa Sealandia na pinuntahan ni Rhaime." "Ah basta I want Sansky to be mine by hook or by crook kung kinakailangan ko siyang kidnapin gagawin ko lalo pa ngayon na nag e-expect na si mama nang kasal sa amin ni Sansky. So just incase I need your help too." "No problem buds basta dito muna tayo mag-pokus sa plano ng kasal ni Dylan." Ani Angel ulit kay Mond. "Anyway buds sabay tingin nito kay Dylan naman. May kinausap akong flower botique kanina after ko makipag usap kay Sansky at Mond. kinontrata ko sila na mag- deliver kay Rhaime ng rose flower three pieces two times a day sa office nito at sa bahay niya. Kasama sa plano ko iyon." "Do what ever you want Angel, basta siguraduhin mo na dito pa lang sa plan A mag-tagumpay na tayo kinakabahan talaga ako eh." "Don't worry buds, ani naman ni Aidem kapag pumalpak itong si Uling sa plano niya na ito sa inyo ni Rhaime ako ng bahalang mag-parusa sa kanya para sa iyo." "Nakikita mo ba itong bote ng black label na ito? Sabay turo sa bote ng alak na nakalapag. "Kapag ito pinukpok ko sa ulo mo ngayon titiyakin ko na bukas na ang gising mong Palaka ka iyon ay kung magigising ka pa kaya manahimik ka diyan." Sabay irap dito. Natatawa lang sa kanilang dalawa si Mond at Dylan habang pinapanood sila. "Ibibigay ko sa iyo ang credit na tawagin akong palaka kasi alam ko naman na sa lahat ng mukhang palaka ako ang pinaka gwapo sa paningin mo ayaw mo lang aminin." Sabi naman ni Aidem kay Angel na nakatawa. "Excuse me lang ha huwag ka ngang pilingero diyan, sa inyong tatlo ikaw ang talunan sa physically look. Mas gwapo sa iyo si Dylan at Mond." "Si Dylan may mga matang mapupungay na titig pa lang kahit hindi magsalita mahuhulog na ang panty ng babae maliban sa akin ha." "Si Mond naman may ngiting pamatay na tulad ng sa akin, na tiyak kapag iyan na ang nakita ng babae kahit siguro anong galit ng babae sa kanya kapag na ngitian niya wala na laglag na panty sa harapan niya maliban ulit sa akin ha." Pero ikaw, hmm... ano bang meron sa iyo na pweding malaglag ang panty ng babae? Sabay tumawa ng tumawa. Kapag ang panty ko nagawa mong maihulog naniniwala na akong may panty ngang pweding mahulog sa iyo." Kasabay ng tawang nang aasar. Naningkit ang mata ni Aidem sa sinabi ni Angel. "Want to try me?" "Ikaw? Never mind palaka you're not my type kahit pang-kama lang." "Kayong dalawa kapag mag-kakasama tayo hindi pweding wala kayong iringan." Ani Mond sa kanila. "Your mouth Angel. Tignan mo si Aidem mukhang gusto ka nang kainin oh?" Sabi naman ni Dylan dito. "Mga buds ang tatagal na natin magkaka- ibigan okay, hindi pa rin ba kayo sanay?This is me the real me. Kapag ako nakitaan ninyo ng pagbabago the way i talk hindi na ako iyon. Tsaka itong palakang ito kung si Aidem rin lang wag na lang." "Well buds sa pagiging ganyan ninyo baka kayo din sa huli. Bakit di mo ligawan si Angel pala tutal kayo na lang ang single." Ani Mond kay Aidem. Bago pa man makasagot si Aidem kay Mond ay mabilis ng sumagot naman si Angel. "Huwag na huwag mong susubukan na ligawan ako palaka kahit sa panaginip lang kung ayaw mo magulo ang mundo natin pareho." Seryoso siyang tumingin dito. "Paano kung ligawan nga kita, papasukin mo kaya ako sa puso mo Angel?" Seryoso at matiim siyang tinitigan nito. Biglang tumayo si Angel nang padabog na ikinagulat ng lahat. "f**k! ayoko na nang topic uuwi na nga ako." Sabay alis para iwanan na ang mga kaibigan. Hala, anong nanyari doon?" Tanong ni Mond. Mabilis din tumayo si Aidem para Sundan ang dalaga. Silang dalawa na lang ni Dylan ang naiwan pinagpatuloy nila ang pag-iinum. "I smell some fishy buds." ani Mond kay Dylan. "Yah buds me too." Sabay pa silang nagkatawanan. "Well buddy cheers para sa nalalapit na tagumpay." Ani Mond. "Wait buds kaninong tagumpay. Me, you or sa dalawa na iyon?" Pwedi all of the above. Cheers!" sabay untugan ng baso nila. MAAGANG UMUWI si Sansky sa kanyang bahay, hindi na niya hinintay si Rhaime na magising bagkus nagsabi na lang siya kay Ate Lenie na uuwi na siya. Pagkadating niya ay naligo siya agad at nagbihis ng pang-alis para mag-simba tutal linggo ngayon. Umabot siya sa unang misa at katulad ng palagi niyang ginagawa pagkatapos ng misa bago siya umalis ng simbahan ay hindi niya nakakalimutan ang maglaan ng kaunting oras para makapag dasal ng pribado sa pinaka chapel ng simbahan na sadyang nakalaan para sa mga kagaya niyang nais manalangin ng pribado Trenta minutos din ang inilaan niya sa chapel at ipinagdasal ang lahat ng biyayang meron siya ngayon at ang pag hingi ng gabay sa bawat desisyon niya sa buhay lalo na sa kalalabasan ng resulta ng gagawin niya mamaya. Bago umuwi ay bumili siya ng P.T sa nadaanan niyang drugstore. Bago lumabas ng sasakyan ay dinampot niya ang plastic na pinaglalagyan ng P.T na binili niya. Nang tuluyan makalabas ay diretso siya sa pintuan ng kanyang bahay. Plano na sana niya itong buksan ng bumukas na iyon bigla at si Mond ang iluwa non. Mabilis niyang itinago sa bandang lukuran niya ang hawak na supot na pinaglalagyan ng binili niya. "Good morning sweetie." Malapad at matamis nitong ngiti sa kanya. "G-good morning din, a-ang aga mo ata?" Kinakabahan siya oo kasi baka makita nito ang hawak niya. Sinabi pa naman niya kagabi nang tawagan niya ito na ayos lang siya. Ayos lang naman talaga siya eh. "Nagsimba ka daw sabi ni Nanay Tess? Bakit hindi mo ako hinintay para nasamahan sana kitang magsimba?" "Hindi ko naman alam na pupunta ka nang maaga eh excuse me." Hahawiin na sana niya ito para makadaan siya pero hinarangan siya nito. "Ano iyan tinatago mo sa likod mo?" "Hah w-wala ito ano ka ba." At mas lalo pang tinago ang plastic na hawak dahil pilit sinisipat ni Mond iyon mula sa kanyang likuran. Kaya naman ipinasok niya iyon sa loob ng kanyang suot na blouse mula sa likuran niya at isinuksok iyon sa pagitan ng kanyang suot na jeans sa bandang waistline niya. "Aakyat lang ako sa kwarto ko may kailangan lang akong gawin hintayin mo ako sa sala o kaya doon sa roof top basta bahala ka na kung saan mo gusto basta huwag kang susunod sa akin doon naiintindihan mo." Pinanlakihan niya pa ito ng mata para mas maging epektib ang paninindak niya dito. At may pwersang tinabig niya ito para makadaan siya. Sinundan lang ng tingin ni Mond si Sansky na bakas ang pagtataka sa ikinilos nito. Pag-akyat niya sa kanyang silid ay agad siya pumsok sa banyo para umihi. Nagpatak siya ng kaunti sa p.t at hinintay ang magiging resulta. Hindi siya kumukurap habang nakatitig sa pulang guhit at hinihintay ang pag-pula ng isa pang guhit. Hangang sa unti-unting naging malinaw ang pagkaka-pula ng isa pang guhit. Dahil inaasahan naman na niya iyon talaga ay hindi na siya nagulat pa, ginawa lang naman niya na mag p.t para sa kasiguraduhan at ngayon malinaw na sa kanya ang lahat na tiyak niyang kapag nalaman ni Mond ang pagbubuntis niya ay mas lalo na itong mag-pupumilit na panagutan siya at maganap ang kasal na inaayawan niya. Tumayo siya buhat sa pag-kakaupo sa bowl at inayos ang sarili. Kailangan umakto siya na parang wala lang sa harap ni Mond. Hindi dapat nito malaman na nagdadalang tao na siya. Buo na ang kanyang pasya na hindi niya ipapaalam dito ang pagbubuntis niya kahit na ano pang mangyari. Bago lumabas ng banyo ay isang desisyon ang gagawin niya at magagawa lamang niya iyon pagkatapos ng kasal ng kaibigan si Rhaime. Bumaba siya at pumunta sa kusina para uminum. Iinom muna siya bago puntahan si Mond kung saan man parte ito ng bahay niya tumambay. Binuksan niya ang ref at kumuha ng isang pineapple juice in can ng hindi na nag-abala pang isara muna ang pinto ng ref. Binuksan niya iyon at ininum na. Nang biglang may pumulupot na mga kamay sa kanyang beywang mula sa likuran. "I miss you sweetie so much." Bulong nito sa kanyang tenga. Hindi niya ito pinansin lalo na ang kakaibang kiliti ng malambing nitong tinig na nagpakilabot at nagpataas ng mga balahibo niya, hindi dahil na takot siya kundi dahil iyon sa kakaibang kiliti na nagpakilig sa kanya sa tuwing malapit lang ito sa kanya. "Kailan mo pa nagustuhan ang pineapple juice sweetie? Hindi ba sabi mo ayaw mo ng ganyan inumin kasi naaasiman ka at wala kang hilig sa maaasim na pagkain." Isinara niya ang pinto ng ref at umikot paharap kay Mond at sumandal siya sa ref. Nakapulupot pa rin ang mga kamay nito sa kanyang waistline. Tinignan niya ang buong mukha ng binata at binusog ang mata sa napaka gwapo nitong mukha hangang ang ang paningin ay himinto sa mga labi nitong bahagyang nakangiti. Shit, ang mga ngiti nitong nagpapatunaw sa kanya at nagpapa-bilis ng t***k ng puso niya. Sana maging ka mukha mo ang magiging anak natin. Piping dasal niya sa sarili. Kapag naiisip niya ang gagawin plano ngayon palang nalulungkot na siya. "Are you okay sweetie, bakit ganyan ka naman makatingin sa akin?" Ngumiti ito ng todo. "Ano ka ba hindi ako sanay Sansky so stop staring me like that. May dumi ba ako sa muk-?" Hindi na nito naituloy pa ang dapat pa sana niyang sasabihin sapagkat bigla na lang siya hinalikan ng dalaga sa labi. Halik na banayad lang naman at sa muling pagkaka-taon ay panibagong pagtataka ulit iyon sa kanya. Dahil ito ulit ang pangalawang pagkakataon na ginawa ito ni Sansky sa kanya ng kusa. Noong una ay sa pisngi lamang ngayon naman ay sa labi na. Bahagyang gumalaw ang labi ng dalaga sa kanyang labi na kanina'y nakalapat lang kaya naman tinugon niya ito ng kaparehas na galaw lang, nalasahan pa niya ang lasa ng ininum nitong pineapple juice na naiwan sa mga labi nito. Pinutol ni Sansky ang halikan nila ni Mond at yumakap siya ng mahigpit dito isinandig niya ang kanyang ulo sa malapad nitong dibdib. "Mond?" Tawag niya sa pangalan ng binata. "Hmmm" Pahimig naman sagot ni Mond sa kanya. "I feel drowsy again, can you take me to my room now? Gusto ko buhatin mo ako." Nagtataka man talaga siya sa ikinikilos nito ngayon na kakaiba ay walang pag-aatubili na niya itong binuhat. Buhat ng sa tulad ng isang bagong kasal. Kahit sa ikalawang palapag pa ang silid ng dalaga ay madali lang sa kanya na madala ito doon kahit sabihin pang ilang baitang din mayroon ang hagdanan. Batak siya at alaga sa gym ang katawan niya kaya walang sinabi ang timbang ni Sansky sa mga barbel na binubuhat niya. Lalo na at payat na babae lang ito. Nang makapasok sa silid ng dalaga ay maingat niya nitong inilapag sa kama. "Tabian mo naman ako please gusto ko makatulog ng nasa tabi lang kita Mond." "May sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo? f**k just tell me Sansky." Malumanay pa rin na tanong niya dito. Habang naka upo siya sa gilid ng kama at dinama ng palad nito ang noo at leeg ng dalaga. Hindi naman iyon mainit at normal lang ang singaw ng init ng mga iyon. Dahil sa hindi naman siya kumilos para sundin ang gusto nito na tabian niya ay ito na mismo ang nag-unan ng mga ulo nito sa kanyang hita. Pinagmasdan niya ang mukha ni Sansky na ngayon ay naka pikit na. "Hey are you really okay? Naninibago na talaga ako sa iyo." "Don't worry im okay, gusto ko lang talagang matulog ulit ngayon kasi inaantok talaga ako. Diyan ka lang hangang makatulog ako ha?" Nag-papalambing lang ito siguro talaga sa kanya. Kaya hinimas-himas niya ang buhok nito at pinagmasdan nalang ang mukha nito habang naka pikit. Nang maya-maya ay lumalalim na ang pag hinga nito tanda na malalim na rin ang pag-tulog. Inayos niya ang pagkakahiga nito sa kama. Naramdaman niya ang pag virate ng kanyang cellpone dinukot niya iyon mula sa bulsa ng kanyang pantalon para tignan ang tumatawag. Ang kanyang papa iyon. Lumabas muna siya ng silid ng dalaga bago sinagot ang tawag ng kanyang papa. "Pa, " Bungad niya. Plano na talaga kitang tawagan para sa conserne ko about sa mga investor. Buti napatawag ka na?" "Mond ijo anak uuwi ako diyan sa Pilipinas at kasama ko ang Tita Mariell mo and your sister Fannie. Your sister is misses you so much." "No problem Papa pwedi kaming mag-kita ni Fannie any time." "Your Tita Mariel wants to meet you too personally." "Let me think that first Papa, malamig na tugon niya sa sinabi nito. And about sa mga investor kailangan natin iyon pag-usapan kung bakit nag-bago ang plano?" "I have a reason anak and you will know soon. "Siguraduhin ninyo na na mabigat ang dahilan na iyan para maintindihan ko kayo. Kailan ang plano ninyo pag-uwi dito?" "I call you again anak." "Okay po bye Papa." Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng ama at tinapos na niya iyon. Binalikan niya sa silid nito ang dalaga at mahimbing pa rin ito sa pag-tulog. "Aalis na ako sweetie." Paalam niya dito kahit alam niyang hindi naman siya nito maririnig hinalikan niya muna ito sa noo bago tuluyan lumabas. Bago umuwi ay dumaan na muna siya sa bahay ni Rhaime may gusto lang siyang klaruhin dito para matahimik ang kalooban niya sa ikinikilos ni Sansky mula pa kahapon. Ipinarada niya lang sa tapat ng gate nito ang sasakyan na dala. Lumapit siya sa gate at nag doorbell. Si Rhaime mismo ang nag bukas nun. "Oh Mond nagkamali ka ata ng pinuntahan na bahay?" Ani Rhaime sa kanya. "Actually galing na ako doon kaya hindi ako nagkamali ng bahay na pinuntahan, ikaw talaga sadya ko eh, pwedi ba tayong mag-usap?" "Halika pasok ka. Iginiya niya ito sa mini garden niya at doon sila nag-usap. Ano gusto mong inumin?" "Huwag ka ng mag-abala pa. Hindi rin naman ako magtatagal eh, may gusto lang sana akong malaman tungkol kay Sansky." "Ahm buti naman at tungkol kay Sansky at hindi tungkol sa akin. Kaloka iyon kagabi ngmagpunta dito ang daming tanong tungkol sa akin eh. Anyway ano ba gusto mo malaman tungkol kay bestie Sans?" "May sakit ba si Sansky?" "Anong sakit?" Tanong din niya dito. Natawa naman si Mond. "Tinatanong ko nga sa iyo eh tapos tatanungin mo rin ako." Oo nga pala, ako nga pala ang tina tanong mo. Wala naman akong alam na sakit nun eh, maliban sa pagkakaroon ng ubo at sipon non minsan. Natatawa niyang turan dito. I mean wala ka bang napapansin na kakaiba sa kanya kapag mag-kasama kayo lately? "Wala naman....." napakunot na siya ng noo dito. "Teka, bakit mo ba naitatanong iyan?" "Kahapon kasi ng mag-kasama kami may napansin na akong kakaiba sa kilos niya, na hindi naman siya dating ganon. Tapos kanina naman sobrang nakakapanibago siya talaga kasi nagpalambing siya bigla sa akin. Na never niya pang ginawa kahit kailan. So anong problems doon? Eh hindi ba magandang balita iyan kung ganoon kasi baka nagugustuhan ka na ni bestie." "Sana nga ganoon na lang pero iba kasi kutob ko eh. Pakiramdam ko may tinatago siya talaga sa akin na hindi ko pweding malaman. At malakas ang pakiramdam ko na may plinaplano siyang gawin." "Wala akong idea sa mga sinsabi mo pa kasi at hindi ko naman siya nakikitaan pa ng kakaibang kilos gaya ng sinasabi mo." "Ganoon ba," natahimik siya at napaisip nanaman. "Ahm ganito na lang Mond kapag may napansin ako sa kanya na something different kapag mgkasama kami ipapaalam ko agad sa iyo kaya huwag ka ng mag-alala pa pangako." "Thank you Rhaime ." ******* rhaime22 ******* AUTHOR'S NOTE: Thank you. Keep safe everyone and love lots you all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD