Georgia’s POV KANINA pa nag-aalala si Georgia kay David simula nang dalhin ito ng mga pulis. Naikot niya na yata ang buong bahay dahil sa pag-alala. Pag-alis ni David ay agad ding umalis si Marvin. Nagpaalam na may pupuntahan kaya naiwan siyang mag-isa. Sa tingin niya ang tinutukoy ng mga pulis na kaibigan ni David ay ang dalawang lalaki na nambastos sa kanya sa boutique. Dasal niya lang na sana ay walang ginawa si David na masama laban sa mga kaibigan nito. Napatakbo si Georgia sa gate nang biglang pumasok si David. Hindi niya napigilan ang sarili at niyakap niya ang lalaki. Nagtataka man ay hindi nakakibo si David sa kanyang ginawa. Nang matauhan ay kumalas siya sa pagkakayakap. Namula ang kanyang mukha dahil sa ginawa. “Pasensiya ka’na nag-alala lang ako,” hingi niya ng pauman

