CHAPTER THIRTY-THREE

1811 Words

David’s pov   MANHID na ang puso ni David dahil sa mga nangyari. Nang datnan niya ang ama sa silid nito ay wala na itong buhay. Ayon sa nurse nito ay natutulog lamang ang kanyang ama ng mga oras na iyon at nang ginising nito ay hindi na nagising. Napaiyak nalang siyang niyakap ang ama. Hinanap ng kanyang mga mata si Georgia pero wala ito sa silid ng ama. Si Marvin ay nakamasid lamang sa kanila. “Alalayan mo si Georgia para makita niya sa Papa,” hilam ang luhang wika niya kay Marvin. Hindi na kumontra si Marvin at tumalikod nalang upang sunduin sa baba si Georgia. Nang makita ni Georgia ang ama ay napahagulhol ito ng iyak. Niyakap nito ng mahigpit ang ama. Sabay nila itong niyakap ng mahigpit. Malaki ang utang na loob niya sa ama. Kung hindi dahil dito ay wala siya ngayon sa kinalalagyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD