HINDI pa rin lubos maisip ni Georgia na wala na ang kanyang ama. Nailibing na ito nang isang araw. Miss na miss niya na ito. Hindi niya pa rin matanggap ang biglaang pagkawala ng ama. Sa tuwing na naiisip niya ang ama ay hindi niya mapigilang umiyak lalo na sa sitwasyon niya kay Marvin. Kahit naiiwan siya ni Marvin ay puno pa rin ito ng pagbabanta sa mga buhay nila. Hindi siya magawang iwanan ng mga tiyahing kaya nagpaiwan na ang kanyang Tita Carmen upang mabantayan siya. Hindi mapanatag ang mga ito dahil na rin sa kanyang kalagayan. Walang gana na lumabas ng silid si Georgia. Hinanap niya ang kanyang Tita Carmen pero wala ito. Si Marvin naman ay maagang nagpaalam na pupunta sa opening ng gym nito. Nadatnan niya si David sa sala at may bisita ito. Nang makita siyang bumababa ng hagdan

