Georgia’ pov HINDI makatingin ng deretso si Georgia kay Fhaye. Nang makita niyang pumapasok ng gate si David kasama si Fhaye ay kumabog ang kanyang puso. Lalo na nang makita niya ang dalang maleta ni Fhaye. Mabuti nalang at malayo siya sa mga ito. Malaya niyang napakawalan ang mga luha. Hinayaan niyang bumagsak ang mga luha habang wala pang nakakakita. “Georgia,” tawag sa kanya ni Tita Carmen. Hindi niya namalayan niya na nakalapit na pala ito. Agad niyang pinunasan ang luha. “Hindi mo kailangang itago dahil nakita ko na,” wika sa kanya ni Tita Carmen. “Ang sakit Tita,” wika niya. Napahawak siya sa kanyang tiyan at napaiyak muli. Hinawakan ng Tita Carmen niya ang kanyang tiyan. “Pinapatawag ka ni David. May sasabihin yata,” wika sa kanya ni Tita Carmen. “Obvious

