Fhaye’s pov SINUNDAN ni Fhaye si David nang umalis ito ng bahay. Nagtaka pa siya dahil sa ospital huminto ang sasakyan nito. Pinarada niya muna sa malayo ang sasakyan upang hindi mapansin ni David na nakasunod siya dito. Hinintay niya munang makapasok si David sa loob ng ospital bago siya pumasok. Agad siyang lumapit sa information. Pumasok sa isip niya si Georgia. Baka nanganak na ito lalo na at kabuwanan na rin ng babae. “Excuse me, gusto ko lang sana malaman kung may nanganak na Georgia Marquez dito?” tanong niya sa babae sa information. “Sino po sila Mam?” tanong sa kanya. “Her cousin,” pagsisinungaling niya. Naging mailap ang kanyang mga mata baka mamaya kasi ay may makakita sa kanya. Tumango ang babaeng kanyang tinanungan. May tiningnan ito sa computer. “Yes po,” sagot

