Marvin’s POV NAGLILIYAB pa rin sa galit si Marvin. Nagdilim ang kanyang paningin dahil sa labis na selos. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Georgia. Mahal na mahal niya ito at hindi niya kayang mamatay ito. Nabigla lamang siya kung kaya niya binaril ang babae. “Kasalanan mo ang lahat ng ito David. Bakit kailangan mo pang tumawag? Kung hindi ka tumawag sana hindi ko nabaril si Georgia. Sana masaya kami. Mahal kita Georgia! Mahal kita!” paulit-ulit niyang bigkas sa pangalan ng babae. “Hindi ako papaya na mabawi ka ni David. Akin ka lamang,” wika niyang umiiyak. Sa Antipolo siya nagtungo pagkatapos niyang takbuhan ang ginawa niya kay Georgia. Sa lugar na iyon ay nakakapag-isip siya. Humiga siya sa kama niya. Kama nila ni Georgia noong magkasama pa sila. Niyakap niya ang unan n

