Kanina pa ako hindi mapakali sa nabasa ko. Pano kasi si Howard nagtext sabi niya magkita kami at pagusapan ang contract naming dalawa.
Hindi ko alam kung pupunta ako o hindi. Nagtext siya ulit
“ Kung hindi ka pupunta i will tell your dad”
Chusero tong lalaking to, sumbongero napailing iling nalang ako.
“Mom? Dad? I’m going to meet Howard”
Sigaw ko. Nasa baba kasi ako and nasa kusina sila kaya lumapit sila sakin
“Really? Oh my god princess are you seeing each other?” Tanong ni Mom at nakangiti pa si Dad
Talagang gustong gusto nila hays wala naman akong magagawa dun hindi lang nila alam na ayaw namin magpakasal.
Tinext ko si Howard na magkita kami sa coffee shop malapit sa mall.
“No Mom we are just going to talk about things you know”
Pero ngiting ngiti parin sila naku naman kung alam niyo lang na ayaw ko talaga sakanya ang yabang kasi.
“Magiingat ka princess, call us if anything happen”
I just rolled my eyes at umalis na pumunta ako sa coffee shop wala pa si Howard kaya naman nagorder ako ng vanila latte
Umupo ako malapit sa bintana, kitang kita ang mga dumadaan na sasakyan. Stress free talaga dito
Dumating na yung order ko at saktong dumating din si Howard. May dala dala siyang envelope, dun siguro nakalagay ang paguusapan namin.
“Sign this” bungad niya sakin. Uutosan pa ako
Binuksan ko yun ito pala yung sinasabi niyang contract. Nakalagay din dito na wala kaming pakikialaman kung anong gustong gawin namin basta ikakasal lang kami for business.Kaya pala pilit siya ng pilit na magkaroon kami ng contract. Mas okay na din tong mag kunwari kami para hindi kami parehong masaktan.
“I will agree with this but in one condition”
Dahil kakabreak lang namin ni Anton at may trust issues parin ako sa lalaki, hindi ko seseryosohin i’m doing this for the sake of our family. Sariwa parin kasi yung nangyare sakin at ayaw kong maulit.
“Just in case ikasal na tayo pwede bang bumukod ng kwarto?” Ngumisi pa siya sa request ko g*go ba to?
“What? Are you scared that i might rape you?” Pinanlakihan ko siya ng mata. Ang lakas ng loob niya naiinis talaga ako sakanya
“Will let me tell you this, you’re not my type”
Pagkasabi niya nun tsaka niya ako iniwan dito. Ang kapal ng mukha as if naman na type ko siya? Over my dead body ayoko sa mayabang. Nakikita ko palang ang mukha niya naiinis na ako ubod siya ng kayabangan siguro nung nagpaulan si God ng kayabangan nasalo niya lahat.
Nasa akin parin yung contract siguro pagiisipan ko pa ng mabuti ayokong lokohin ang parents ko about dito ayokong magsinungaling sakanila. Nasa isip ko parin kung bakit gusto nila akong ipakasal sa lalaking yun anong meron bakit parang biglaan naman ata. Bakit kailangan pa nila gawin sakin to ayaw naba nila sakin?
Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa nangyayare sa buhay ko hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Una niloko ako ni Anton at Sheena pangalawa ipapakasal ako ng sapilitan urgghh!
Kanina pa ako nagiisip kung ano bang dahilan ng mga parents ko well what do you expect it’s all about business. Kahit na alam ko naman na hindi nila gagawin yun sakin. Pumayag na nga ako eh na makasal sa taong hindi ko kakilala pero wag naman sa lalaking yun napaka arogante.
Matapos ko inumin ang coffee ko lumabas na ako ng coffee shop at umuwi na. Wala naman talaga akong magagawa kung yun ang gusto nilang mangyare siguro nga ganito talaga ang role ko sa buhay ko. Tama na ang drama!
Napag isip isip ko na kailangan ko din tong contract na to para maipakita ko sa mga taong nang api sakin. Ako ang magsisilbing karma nila. I want revenge!
Pagkarating ko sa bahay bumungad sakin si Mom and Dad
“Princess we will having a business trip and i would like you to live in Howard for the mean time”
Nabigla ako sa sinabi niya “We will be gone a month it would be best if Howard is with you”
Kung alam niyo lang talaga i feel not safe around him it’s not really a good idea. Kahit ikakasal kami sooner or later ayoko parin makisama sa lalaking yun.
“Dad don’t do this to me, I’m doing everything i could and i’m still don’t know him to well pleade Dad”
Niyakap ko si Dad habang umiiling. Ayoko sa idea nila okay na ako kahit mag isa ko lang dito sa bahay wag lang pilitin akong tumira sa iba.
“Princess it’s for your own good” hinagod hagod ni Dad yung likod ko
Muling wala akong magawa sa desisyon nila. Masyado na nila akong cinocontrol wala naman akong ginawang masama sakanila bakit nila ako ginaganito.
Kumalas ako sa yakap kay Dad at tinalikuran ko sila umakyat na ako ng kwarto at nahiga sa kama. Natulala lang ako sa sinabi nila pano nalang if ever pagsamantalahan ako ni Howard? Tapos what’s worse he will abuse me. Napailing ako sa naisip ko
“Maybe i’m overthinking again” bulong ko sa sarili ko.
Nag ring phone ko and i saw Kyle calling me kaya sinagot ko agad.
“Hey what’s up?”
“I can’t sleep” malungkot kong tugon sakanya.
“Me too”
Gusto ko sanang sabihin sakanya yung tungkol sa contract pero nag aalinalangan pa rin ako baka ipagsabi pa niya sa iba masisira ang plano namin ni Howard.
“Are you free this weekend?” Sambit pa niya
“I don’t have plans why?”
“You’ll know”
Ayaw nanaman sabihin baka mamaya saang lupalop ako dalhin ng isang to. Wala parin akong tiwala sa mga lalaki.
Ang dami nanaman naming napag usapan. Ang gaan talaga ng loob ko sakanya simula nung lagi na kaming naguusap. Sakanya lang magaan loob ko at kay Daryl.
Hindi namin namalayan inabot na pala kami ng madaling araw sa paguusap namin.
“I’m sleepy thank you for tonight Kyle”
“Okay sleep well Dana goodnight”
Pinatay ko na yung tawag. Past 3am na pala. Wow ang tagal naming nag usap. Nilagay ko na sa side table ang phone ko at pinikit ko na ang mata ko.
Thankful ako dahil anjan si Kyle para pagaanin ang loob ko. Masasabi ko na worth it ang puyat dahil wala aiyang ibang ginawa kung hindi ang patawanin ako magdamag.
——————
Dahan dahan kong minulat ang aking mata at inunat ang aking mga kamay. Napukaw ang tingin ko sa contract namin ni Howard sa side table katabi nun ang aking phone. Umupo ako at tinignan maigi ang contract.
Worth it ba pag pumayag ako na magpanggap na okay kami sa harap ng lahat lalo na sa parents ko. Although hindi ko parin alam ang dahilan kung bakit pilit nila kaming ipapakasal. Alam ko mali ito pero siguro kailangan namin tong gawin para kahit kasal kami may privacy parin kami sa kanya kanya naming buhay.
Hinablot ko yung ballpen ko sa side table at pinirmahan ang contract namin ni Howard. Sana hindi ko ito pagsisihan sa huli.
Wala namang makakaalam to kundi kaming dalawa lang. Binalik ko sa side table ang ballpen ko at ang contract. Tumayo ako at dumiretcho sa banyo ko.
Napatingin ako sa salamin ang laki ng eyebags ko ang itim pa.
“Bakit ka humantong sa ganitong buhay Dana?” Tanong ko sa sarili ko.
“Mahalin mo din sarili mo wag puro ibang tao” pailing iling ko pang sambit at inayos ang aking buhok.
Binuksan ko ang shower at nagumpisa ng maligo.
Pagkatapos ko maligo nakapagbihis na din ako. I don’t have plans today pero magiisip ako ng pwedeng pang negosyo para na din may pagkaabalahan ako. Ayaw ko parin manahin ang negosyo ni Dad kahit ako lang ang anak nila hindi ko pinangarap na ako ang mamamahala ng negosyo nila.
Bumaba na ako ng hagdan walang tao. Napakatahimik naman dito.
Dumiretcho ako sa mini library ni Dad at binuksan ang kanyang laptop.
Magsesearch muna ako ng pwede kong ipatayo na patok ngayon na business.
Habang nagsesearch ako nagvibrate ang aking phone kaya napatingin ako
From: Daryl
Hey Dana let’s hang out later 8pm
Himala nag aya to usually hindi nag aaya to sakin ako na mismo pumupunta sa bar niya.
Nagreply ako sakanya
“See you”
I guess hindi maboboring ang buhay ko kasi may mga kasama ako na kaibigan.