“Ano bang iniisip mo? Lasing kana ba?” nilapitan ko pa siya. Hindi ko siya maintindihan ikakasal na nga kami bakit kailangan pa namin gumawa ng contract?
Kaya nga nag announce na ng maaga si Dad para may panahon pa para makilala ko siya kung ano ano iniisip niya.
“Malalaman mo din yan” sambit niya at bumaling ang tingin niya kay Daryl kaya tinignan ko din siya pero nagkibit balikat lang siya.
“Yow bro!”
Napatingin kami sa bagong dating
“Buti naman at dumating na kayo” bungad ni Daryl sa bagong dating na dalawang lalaki at isang babae.
“D*mn bago nanaman” sambit ni Howard
Mga kaibigan niya siguro mga to. Kung titignan mo maganda yung babae kaso masyado siyang clingy sa kasama niya. Yung isang lalaki baka business suit pa halatang kakagaling lang sa trabaho.
Napatingin siya sakin “are you done observing me?” Nakangisi niyang sambit sakin kaya napailing nalang ako at bumaling ang tingin ko sa baso ko. “Babe stop looking at her” malanding sambit nung babae.
As if naman. Nakakairita naman boses niya.
“May bago kayong kasama” sambit niya pa pero hindi ko nalang pinansin.
“Kaninong babae to? Sayo ba Howard o kay Daryl? Maganda talaga taste niyo sa babae”
Napatingin ako sa nagsalita.
“That’s my girl Kyle, can you distance yourself when it comes to my girl?” Nanlaki mata ko sa sinabi ni Howard.
Ni hindi pa nga ako pumapayag sa gusto nilang mangyare kahit inamin ko sa sarili ko masyadong mabilis parin ang pangyayare. Ayokong madaliin ang sarili ko lalo na dahil sa break up namin ng ex ko ayokong magtiwala ulit sa lalaki .
Hindi ko alam kung ilan na nainom ko kasi medyo tipsy na ako. Pero tumayo parin ako at lumapit kay Kyle. Aasarin ko nga tong Howard na to masyadong kampante kasi eh.
Napatingin ang lahat sakin kung ano ba ang gagawin ko na susunod.
Bigla kong hinalikan si Kyle ng smack lang kita kong napatulala siya. Nabigla ko ata siya kaya natawa ako. Napa ohhhh naman mga kasama namin dito nangibabaw ang tawa ni Daryl at parang alam niya na inaasar ko si Howard. Kita kong hindi makapaniwala si Howard sa ginawa ko.
Humarap ako kay Howard “I’m nobody’s girl” sambit ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para gawin yun pero yun lang yung way para sabihin sakanila na hindi ako pagmamay ari ng kahit kanino. Kahit sa arrange marriage pa yan. Dala siguro ng alak kung bakit ko nagawa yun.
“DANA ALVAREZ!” Ma awtoridad na sigaw ni Howard kaya napangisi ako at tinalikuran ko nalang sila at nilagok ang nasa baso ko naglapag na din ako ng pera tsaka lumabas.
Ng makalabas ako doon lang ako nakaramdam ng hilo at kaba . Hindi pa kami gaanong magkakilala masyado naman ata siyang kampante na papayag ako sa gusto nilang mangyare.
He’s full of himself at dahil jan kakausapin ko si mom. He’s owning me at ayoko ng ganun. Ayaw ko ng mangyare ulit sakin ang nangyare sa past relationship ko.
Hindi na ako yung dating Dana na masyadong soft hearted. Parepareho silang mga lalaki na gusto nila laging sila ang nasusunod. Duh! Ayoko!
Pagkarating ko sa parking lot hinanap ko ang aking sasakyan. Nakaramdam ako na para bang may sumusunod sakin kaya nagmadali kong hanapin ang sasakyan ko medyo tipsy na din ako.
Ng mahanap ko na biglang may humawak sa kamay ko kaya nabigla ako at nalaglag ang aking susi.
Tumalikod ako para makita kung sino yun nabigla ako.
Si Anton
Lasing siya. Kaya napaatras ako at napasandal sa sasakyan ko. Nakaramdam ako ng takot ng titigan niya ako
“Do you think ganun ganun na lang yun? Hindi pa kita nakukuha” panlalagkit ng tingin niya sakin
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nawala lahat ng lakas ko nung palapit ng palapit siya sakin.
“STOP!!!” Sigaw ko pero parang wala siyang naririnig.
Biglang bumalik sakin ang ala alang ayoko ng balikan.
“Why woud i stop? Kukunin ko pa yan bago ako titigil!” Napayuko ako at tinakpan ang tenga ko
Para akong baliw na naririnig parin yung dati niyang sinabi sakin ganyan na ganyan yung sinabi niya sakin.
“Wag kana kasing magpakipot at sumama ka nalang ng maayos sakin”
Nanghihina na ako sa mga pinagsasabi niya kaya bigla niya akong pinatalikod at pilit niyang tinatanggal ang damit ko.
“P-please stop!” Hinaharang ko yung kamay niya sa katawan ko. Hindi ko alam na uulitin niya parin yung ginawa niya sakin before. Hindi ko lubos maisip na kaya niyang ganitohin ako pagkatapos ng lahat lahat ng ginawa niya sakin. Nangako siya na hindi niya na to gagawin sakin nangako siya na hindi niya na ibbring up ang topic na to. Nandito parin yung trauma na binigay niya sakin.
“DANA!”
Boses ni Daryl yun ah. Kumalas na din sakin si Anton. Inayos ko ang damit ko at humarap kay Daryl
Kasama niya si Kyle. Dali dali silang tumakbo at pinagsusuntok si Anton.
Napahagulhol ako sa iyak hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Nawala ang pagkalasing ko sa nangyare.
“Hindi pa tayo tapos Dana!” Pagkasigaw ni Anton yun tsaka siya tumakbo.
“Are you alright?” Sambit ni Kyle sakin pero hindi ko siya sinagot at humarap kay Daryl
“D-don’t tell this to Howard please” pagmamakaawa ko sakanya.
“Inulit niya nanaman g*go yun” naikuyom niya ang kamay niya sa galit.
Alam ni Daryl ang nangyare samin dahil siya lang ang napagsasabihan ko. Siya din ang nagligtas sakin kasi hidni ko magawang matawagan ang parents ko.
“What do you mean bro?” Nagtatakang tanong ni Kyle kay Daryl samantalang ako hindi matigil ang agos ng luha ko.
“Ginawa na yan ni Anton sakanya same place, at may mga kasama siya last time. Buti nalang at sinundan ko si Dana kung hindi narape na siya” Pagpapaliwanag niya at nanlaki ang mata ni Kyle
Niyakap ko si Daryl. Pinatahan niya naman ako “calm down okay? May kasama kana”
Pinunasan ko ang mukha ko at humarap sakanya “paano mo alam na nasa panganib nanaman ako?” Pagtataka ko dahil pangalawang beses na to na sumasakto siya sa nangyayare.
“Habang nagiinuman kami, tumawag sakin yung head ng security kaya dali dali kong sinagot sabi niya nasa panganib ka binilin ko kasi sakanila na kapag nasa panganib ka tawagan ako agad at mismo ang pupunta kaya hindi na ako nakapagpaalam kila Howard pero sinundan pala ako ni Kyle”
Nagtataka ako bakit naman siya tatawagan ng head at binilin pa talaga ako
“He’s the owner of this bar” pagpapaliwanag ni Kyle.
Kaya pala lagi siyang on time. “Hush now Dana” kaya tumahan na ako laking pasasalamat ko sakanya dahil lagi niya akong nililigtas.
“Thank you Daryl so much” pagpapasalamat ko sakanya at hinarap si Kyle “Sorry about earlier, tipsy na ako and inaasar ko si Howard and thank you for saving me”
Niyakap ko silang dalawa at ngumiti lang sila.
“Hatid kana namin?” Kaya tumango nalang ako sobra sobra na ang tulong na binibigay ni Daryl sakin.
——————————-
Pagkagising ko sobrang sakit ng ulo ko.
Hinanap ko agad phone ko at nakitang nagmessage sakin si Anton kaya agad agad kong binuksan yun.
Ang lakas naman ng loob niya pinapakita niya nga at pinagmamalaki niya na niloko niya ako at si Sheena ang girlfriend. Ang kapal ng mukha niyang bumalik balik sakin tapos gusto niya akong pilitin sa ayaw ko.
“F*ck you b*tch ang lakas ng loob mong ipabogbog ako sa mga lalaki mo! Hindi kita titigilan t*ngina mo ikaw ang dahilan kung bakit nalubog kami sa utang! I will make you suffer!”
Napatulala ako sa nabasa ko. Pero hindi dapat ako kabahan sa mga sinasabi niya.
Napansin ko yung text ni Howard
“We are destined to get married so better aggree with the contract or else i will make you suffer”
Wtf! Ang saya naman ng buhay ko nakakatawa naman sila.
Make me suffer?! I’m Dana Alvarez the new Dana Alvarez! I can do whatever i want.
Wala silang karapatan na sabihan ako ng ganyan masyado nila akong iniipit sa sitwasyon
Nagvibrate ang phone ko kaya chineck ko napakunot ang noo ko unknown number?
“Hello? Who’s this?”
“It’s me Kyle, i got your number from Daryl, is everything alright? Are you okay?”
Siya ang kaunaunahang lalaki na nagtanong kung okay lang ba ako.
“Of course i’m fine. By the way thank you for checking me up”
Nawala ang bad vibes ko sakanya. Matagal din kaming nagkuwentuhan ang gaan ng loob ko sakanya and you can’t blame me niligtas niya ako eh that’s why.
Hindi parin ako magtitiwala sakanya at magkukuwento about my past. Pero sobrang bait niya sakin dahil siguro nalaman niya ang trauma ko or he feel pity.
“Can we go out for lunch?”
“Of course, pambawi na din, text me where okay? Magready lang ako”
Binaba ko na yung phone ko at nagready na. Pagkatapos ko maligo at magbihis bumaba na ako, ang tahimik ng bahay wala siguro sila Mom and Dad kaya dumiretcho na akong parking lot.
Napatingin ako sa phone ko
“Meet you at KFC down the street see you later”
Ang simple niya naman and i like that. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi mahilig sa fine restaurant.
Pagkarating ko sa kfc nakita ko na agad siya naka white shirt and brown shorts lang siya. Napakasimple niyang tao.
Nilapitan ko siya at pinaupo niya ako sa tabi niya napakagentleman niya at talagang inaasikaso niya ako. Nagorder na pala siya and it’s my favorite.
“I hope gusto mo dito ayaw ko kasi sa fine restaurant naiilang kasi ako” nakangiti niyang sambit
“Don’t bother namiss ko din ang kfc noh” natatawa kong sambit at nagumpisa ng kumain.
And i have to say i have a great day talking to him napakacomportable niyang kausap.