XVII

1078 Words
I was over the moon with Yoichi's gestures kaya hindi ko na ininda sa tuwing makikita ko sina Akiro at Ayanna.  I still love Akiro pero as days go by, natutuon ang pansin ko kay Yoichi. Tinanggap ko na rin ang panliligaw niya nang pormal sa bahay. Ilang araw nalang din at graduation na namin, I can't wait for a new place for a new start. Isang mahinang katok ang nagpatigil sa pag-daydream ko. "Jinry...." tawag ni mama. "Yes, ma." sagot ko. Umayos na rin ako ng upo sa kama. Lumapit si mama sakin at marahang hinaplos ang pisngi ko. I know she wants to say something dahil nakikita ko sa mga mata niya. Sa kanya ko ata namana ang pagiging transparent ng mukha. Hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko. "I know you're worried, Ma." A few weeks after our graduation, sasama na ako kay Mama Rou sa Canada. I made up my mind after that day when my heart got broken into pieces. "I just want you to know na you can still change your mind, love." ginagap ni mama ang mga kamay ko. Ngayon lang ako mawawalay ng matagal sa kanya kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya. There are days na I also feel like backing out dahil mamimiss ko sila pero I know that I have to do this. "Ma, uuwi naman ako from time to time. Hindi mo mapapansin nakabalik na rin ako dito after my studies." pagbibigay ko ng assurance sa kanya. She smiled weakly. "You've matured so fast." Bago pa mauwi sa iyakan ang drama namin ni mama ay tumayo na ako. "Tara na, Ma. Baka nagugutom na ang kapatid ko, gusto ko ng chicken nuggets." Natawa si mama dahil iyon ang pagkain na pinaglilihian niya. "Naku, ikaw ata ang naglilihi para sakin. Nananaba ka na, anak." tudyo ni mama.  Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa salamin. No way!! "Joke lang anak. Hindi naman masama kung mag-gain ka ng weight. Maganda ka parin sa paningin ni Yoichi. " "MAAAAAA!" Napalingon ako kay mama na kumindat lang sakin. Pareho kaming natawa at bumaba na ng kusina. *** GRADUATION DAY "A pleasant afternoon ladies and gentlemen. Let us welcome the graduating class of School Year 2010 at Juan Sumulong High School together with their teachers, principals, Division Superintendent and Guests.  To start our program, please stand at attention for the Philippine National Anthem." This is it. Finally, our graduation day. Luminga-linga ako para hanapin si Carina dahil up until now ay wala pa rin siya. I don't want to miss this day na wala ang best friend ko (yes, Carina replaced Ayanna as my bff pero Ayanna and I are still friends). Sa paglingon ko ay nakita ko si Yoichi na matiim na nakatingin sa akin, I rolled my eyes and that made him chuckle. " Finally, I made it." bulong ni Carina sa tabi ko na hinahabol ang paghinga. " Saan ka galing?" tanong ko. " Long story, will chika later." umupo na kami at nagpatuloy na ang program. One by one we went up the stage to get our diplomas. I looked around the campus and suddenly, all memories came rushing through. Akala ko hindi ako iiyak sa pagkanta ng Farewell song pero this time, I really felt so nostalgic na hindi ko rin napigilan ang pagpatak ng luha ko. Niyakap ko si Carina and thankful na siya ang katabi ko ngayon. She patted my back. " Akala ko ba walang iiyak sa Farewell song? " nangingislap din ang mga mata niya dahil sa pagpigil ng iyak.  Karamihan na sa mga kasama namin ay umiiyak at hindi rin napigilan ng mga ushers nang magkumpulan na ang mga estudyante. I think our batch was the most emotional batch the teachers ever had. Lumapit sakin sina Ryan at di ko mapigilan ang maiyak ng una ako yakapin ni Ryan.  He knows about my plans of going to Canada, nabanggit ko sa kanya kahapon.  I hugged him back and hugged everyone back. Huli ko niyakap si Yoichi and it pains me so much dahil up until now di ko pa nasasabi sa kanya ang balak ko. " Hush, don't cry too much okay? Masisira ang make-up mo." bulong niya at hinagkan ako sa noo. Bumalik na rin kami sa mga pwesto namin para sa huling bahagi ng program. " In behalf of the School’s Administrative staff and faculty, we joyfully congratulate the graduates, their parents and advisers. We sincerely thank all the donors of the medals and awards, those who helped and supported us and all our guests who attended this momentous event. THANK YOU VERY MUCH AND MABUHAY!" Nagpalakpakan ang lahat at sabay sabay na hinagis ang mga graduation caps. Naglapitan na rin ang mga magulang namin. I noticed only Carina's brother is present. He patted her head and looked so proud. I smiled at him at kay Carina. I guess this is not the right time to ask her. " I'm so proud of you, my baby." agad na yumakap si Mama Rou sa akin paglapit niya. Kasama niya sina mom and dad, parehong nakangiti sa amin. Hawak ni mama ang baby bump niya. Sunod na yumakap si Dad. " I am so proud of you, my princess." bulong niya. Inabot niya rin ang bouquet na tinatago pala niya sa likod ni mama. " Ry, come here." pagtawag ni mama kay Ryan na kasama ang kambal na kapatid. Lumapit sila sa amin. Niyakap ni mama si Ryan at sigurado ako na binulong niya na proud ang mga magulang niya sa kanya. Nakita ko ang pagkislap ng luha sa mga mata niya. " I think it's time na no para sa family picture? Enough na tayo sa drama." pagbasag ni Mama Rou sa drama ng pamilya namin. We all posed for the picture taking. " Iho, congratulations." Bati ni dad kay Yoichi nang lumapit ito sa amin. May dala din siya na bouquet na inabot niya sa akin. " Salamat po, tito." magalang niyang sagot kay dad. I really admired how he respects my parents kahit pilyo ang pagkakakilala ko sa kanya. " May kaunting salo-salo sa bahay baka gusto mo pumunta?" alok ni mama sa kanya. " Sige po, di po ako tatanggi lalo kayo ang nag-imbita." sagot niya. " Yun o, talaga lang ha." mapang-asar na sabi ni Ryan. Pabirong hinampas lang siya ni Yoichi. I knew sooner or later dapat sabihin ko na sa kanya ang plano ko. I know it will hurt him but I have to do this for myself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD