IV

2874 Words
Napatingala ako. Ang ganda ng langit. Nagpatuloy ako sa mabagal na paglalakad ng nakatingala hanggang sa may nabangga ako.... " Ay anak ng maraming stars. Sorry po.. Sorry!! " Tinulungan kong magpulot ng libro yung nabangga ko. Napansin ko ang haba ng buhok ng babaeng nabangga ko, mas mahaba sa'kin, parang commercial model tsaka ang ganda ng kutis. Anak mayaman ata. Sabay kaming napatayo. " Miss pasensiya ka na ha.. " hinging paumanhin niya sakin. " Okay lang yon.. Bago ka lang dito?? " tanong niya sakin habang ini-abot ang libro na pinulot ko. " Ah oo.. " mahiyaing sagot ko. Tinitigan ko siya ng mabuti. Maganda siya, maputi, parang di makabasag-pinggan. Nahiya naman ang kutis ko sakanya. PERO WAIT... siyempre mas maganda ako huh!!  Lamang lang siya ng ilang paligo at ilang hilod pero kung naging lalaki siguro ako, niligawan ko to... " Kaya pala ngayon lang kita nakita... Ako nga pala si Ayanna. " sabay lahad ng kamay niya. " Ako naman si Jinry .. " inabot ko ang kamay niya. Nagshake hands kami tapos biglang nagtawanan. Hindi ko alam na makakahanap ako ng kaibigan sa ganoong sitwasyon. Naging best of friends kami ni Ayanna, natuwa ako sa company niya dahil hindi siya katulad ng akala ko noong una ko siyang makita. Mas kalog pa pala sa'kin tong loka-lokang to. Dahil sa katuwaan ko sa bago kong kaibigan, nakalimutan ko saglit ang kahibangan ko kay Akiro. Pero saglit lang yon. Bumalik nung minsang tanungin ako ni Ayanna kung may boyfriend na ako. " Jinry, may boyfriend ka na ba? " tanong niya minsan habang nasa canteen kami para sa recess. " Ako?? Hmm.. Wala pa... " sagot ko habang tinitingnan kung ano ang mabibili ko. " Wala pa ?? " kulit niya sakin na nakitingin din sa mga pagkain. " Wala pa.... pero malapit na " sagot ko na may kasamang ngiti. " Wala pa. pero malapit na?? Anong ibig sabihin non?? May sasagutin ka na sa mga manliligaw mo? " hinarap niya ako at pinanlakihan ng mata. " Hindi.. Mali... Malapit ko ng ligawan si pag-ibig! " sagot ko sabay tawa. Bumili na ako ng isang baked macaroni at coke. Kumuha ako ng table habang nagbabayad si Ayanna ng pagkain niya.  " Baliw ka talaga Jin! Hindi nga?? " tanong niya sakin pagka-upo na pagka-upo nito. " Mukha ba akong nagbibiro? Anyway, since natanong mo na rin yan.. kaw ba may boyfriend na? " balik tanong ko sa kanya habang kumakain ng baked mac. Ito ang paborito ko na pagkain sa school. " hmmm.... " ngumiti lang ito. Parang baliw tong si Aya, Nakangiti lang tapos parang may nakikitang di ko nakikita .... " hoy!! mahipan ka diyan ng masamang hangin!! " saway ko at iwinagayway ang kamay sa harap ng mukha nito. " papakilala ko siya sayo, one of these days.." makahulugang sabi nito sabay ngiti. Natigilan ako sa sinabi niya. "Siya?" Wala naman ako nakikitang lalaki na umaali-aligid dito mula nang magkakilala kami so sino ang sinasabi nito? " oo. " nakayuko ngunit nakangit na wika nito. Naghiwalay na kami ni Ayanna pagkatapos ng recess. Kala niyo classmates kami no? Sorry, hindi. So ayun nga, napaisip ako sa sinabi ko sa kanya na liligawan ko si pag-ibig... And speaking of pag-ibig.... Hayuuuuuuuun! Nakatayo si My-Labs sa may corridor.. as usual kasama ang mga anak ng tiyanak. Huminga muna ako ng malalim tapos naglakad papunta sa loob.. Bago pumasok, sumulyap muna ako sa kanya. Ang kaso... " Awwww!! "  Ang sakit non! Nilingon ko kung sinong gumawa non. Wala akong nakita pero pagharap ko.. BOOM! May sumalubong sa'kin na ewan. Basta sakto sa mukha ko at napuno ako ng powder sa mukha. Nagtawanan ang lahat. Naiiyak na ako. Nakita kong isa sa mga bully ng school ang may kagagawan. Kaaway din siya ni pinsan, nabugbog dahil sobrang yabang. Lumapit sakin si impakto the pangit.. "Sabihin mo sa pinsan mo, wag siyang maangas kung ayaw niyang ikaw ang mapagbalingan.. " dinuro-duro niya pa ako habang sinasabi yon. Nakuyom ko yung mga kamay ko, ready na akong bigyan to ng upper cut... " FYI. Impakto the bully! Kung akala mo papalagpasin kita ng basta-basta.. nagkakamali ka! Ako si Jinry Lee! At hindi ako pinalaki ng magulang ko para magpa-bully sa isang katulad mong saksakan ng pangit at yabaaaaaaaaaaaaaaaannngggggggggggg! " PAKBUGSH! Bumwelo ako para bigyan siya ng sipa sa mukha... Akala ng hampas lupang to di ko siya papatulan? Trained yata ako ng Martial Arts. Pero wala sa kondisyon ang katawan ko ngayon kaya nasaktan ako. Nasubsob sa sahig si Fredo..  O diba? Pati pangalan ang pangit. Inalalayan siya ng mga katropa niya. Kinabahan ako. Mag-isa lang ako eh, wala pang mga teachers, nakalimutan kong may meeting nga pala sila...  " ang sakit non ah... " sapo nito ang pisngi na tinamaan ng paa ko. " malamang, sinipa kita eh .. " nakaporma na ako na pang-defense. Dumura siya ng dugo. Ew! " kadiri! wala ka talagang manners! disgusting!! " Hindi ko itinago ang pangdidiri sa mukha ko.  " pareho talaga kayo ng  pinsan mo! mayabang! pasalamat ka't di ako pumapatol sa babae pero di ibig sabihin hahayaan na lang kita.. tuturuan kita ng leksyon! " Nakaready na ako para sipain ulit siya. Masakit man ang paa ko pero wala na akong pakialam, di ako tinuruan na maging duwag.. " OY!! " Napalingon kami sa sumigaw, tapos biglang may sapatos na lumipad, nasapol si kingkong impakto sa mukha. Nilingon ko kung sino ang may kagagawan niyon. Ang notorious na sina Yoichi at Sachi pala and nanlaki ang mga mata ko... My Knight-in-shining-armour ----- Akiro! Seryoso ang mukha ni Akiro. First time ko siya makita na parang galit. Actually, mukha talaga siyang galit. " Akiro... " bulong ko na medyo nagpababa sa defense porma ko. " Jin, tumabi ka muna ... " sabi ni Sachi. Hinawi ako ni Sachi sa gilid at hinarap ang impaktong si Fredo. Lumapit sakin si Akiro, tapos pinunasan niya ng kamay ang mukha ko. " Mga duwag talaga kayo!! " sabi ni Akiro. " Sachi, kunin niyo si Jin. Ako na ang bahala dito. " pinunasan niya muna ang pisngi ko bago ako inabot kay Sachi. " Sabi mo eh, tara Jinry! " Hinila ni Sachi ang braso ko papalayo kay Akiro. " Dalhin niyo siya sa clinic. Hahabol na lang ako pag tapos na ako rito. " tinalikuran kami ni Akiro at hinarap si impakto. " Copy! " " Roger! " sabay na sagot ng kambal na pumwesto sa magkabilang gilid ko na parang bodyguard. " teka. teka! ini-etsepwera niyo naman ako dito eh.. Akiro, seryoso ka ba? Iiwan mo ko sa mga to?" Nilingon ko si Akiro na nakatalikod na sa akin. Hindi naman ako nagpumiglas ng hawakan ako ng kambal sa magkabilang braso.  " wag na munang matigas ang ulo Jinry, sumama ka na muna sa kanila.. susunod na lang ako! " walang lingon na sagot ni Akiro. Inakay na ako ng kambal papunta sa clinic. Nilingon ko si Akiro, mukha namang walang masamang mangyayari kasi nag-uusap lang ata sila. " wag mo ng alalahanin si Aki, malaki na yon.. " si Yoichi. " ang isipin mo, ano ang sasabihin natin nito sa nurse? " si Sachi. " sabihin niyo nalang nadulas ako sa kitchen ng Culinary room. " sagot ko na tumingin na sa Clinic. " Haha. Oo tama! Baka sabihin pa nila kami ni Sachi na naman ang may kagagawan niyan sa iyo. " sambit ni Yoichi na nakahawak pa rin sa braso ko. " Asan ba si Rye? bakit parang missing in action siya ngayon? " Lingon ko dito na nakakunot-noo " darating din yon maya-maya, may inasikaso lang siya saglit.. " sagot ni Yoichi sakin nang tumigil kami sa tapat ng clinic. Pumasok na kami sa loob. Naniwala naman yung nurse sa sinabi namin kahit medyo hindi kapani-paniwala yung story na ginawa ng kambal. Nabigla lang daw ako dahil matagal din akong hindi nakapag-train. " Sachi, tawagan mo nga si Ryan. sabihin mo gusto ko siyang makausap. " sabi ko kay Sachi habang nilalagyan ng benda ang paa ko, na-sprain ko ito dahil binigla ko kanina. " wag na, aabalahin mo pa yung tao eh, andito naman kami. " sagot ni Yoichi na nakatingin rin sa paa ko. " May tina-tago ba kayo sakin? " tinaasan ko sila ng kilay. Unusual na tahimik ang kambal na ito kaya alam ko may tinatago sila. " Wala, ano namang itatago namin sayo? " Naghihinala na talaga ako sa dalawang to.. " relax ka lang diyan Jin. baka mapano ka pa diyan.. kasalanan pa namin.. " nakanguso si Yoichi habang sinasabi iyon. " Ang OA mo Yoichi. Hindi ako maa-ano rito no! Ano ba kasing problema niyo? Oy Sachi, san ka pupunta? " tanong ko sa kambal niya na papalabas ng clinic. " Bakit bawal ba magbanyo sandali? " inis na baling nito na kinagulat ko. May sumpong ba to ngayon? Nagulat ako ng pumasok si Ayanna sa clinic. Lumapit ito kaagad sa akin. " Jinry, okay ka lang ba? " tanong niya. " Oh sino ka naman? " awat ni Yoichi kay Ayanna at hinarang sa pagitan namin ni Ayanna. " Sino ka rin? Excuse me nga, nakaharang ka sa daraanan ko." hinawi ni Ayanna ang nakaharang na katawan ni Yoichi at lumapit sa akin. For the first time, nakita kong nagsungit si Yoichi at si Ayanna.. Naisip ko na bagay silang dalawa. Parehong may saltik sa utak. " Anong ginagawa mo dito Aya? Okay lang naman ako eh. " tanong ka sa kanya paglapit nito sakin. " Nagkaroon kasi ng suntukan sa harap ng room niyo eh, narinig ko yung pangalan mo. Tinanong ko yung classmates mo na umaawat sa iba, sabi dinala ka nga daw dito sa clinic dahil pinag-tripan ka nung pangit na yon. " casual na wika nito at hinaplos ang buhok ko. Nagulat ako sa sinabi niya. Suntukan? " Pinapunta ba sa guidance yung mga nagsuntukan? " worried na tanong ko kay Aya. Lord, sana mali ang hinala ko. " Oo, lahat ng sangkot.. Paparusahan daw sa ginawa nilang gulo. Bakit parang worried ka? " tanong niya sakin. Napatingin ako kay Yoichi, nagkakamot ito ng ulo, halatang guilty. " Aya, tara labas na tayo. Okay naman na ako eh. " yaya ko kay Aya sabay tayo. Medyo kumirot ang paa ko sa pagtapak ko pero okay lang, kaya ko naman. " Are you sure? " nag-aalalang tanong niya sakin at tumingin sa paa ko. " Oo. Tara! " hinila ko ang kamay niya palabas ng clinic. " Uy teka Jinry! Ang bilin samin ni Akiro dito ka lang. " hinabol kami ni Yoichi sa labas pero di ako nagpapigil. " Wag mong harangan ang dadaanan ko kung ayaw mong balian kita ng buto! Tabee! " pinanlakihan ko siya ng mata. Pagdating sa room, nakita ko si Akiro sa labas. Naka-squat. Tapos nakaspread ang kamay sa side. Obvious na naparusahan siya ng adviser namin. Nilapitan ko siya. " Akiro.... " masuyong tawag ko sa pangalan niya " Oh Jin.. okay ka na ba? " gulat na tanong nito na naka-squat pa rin. " Aki.. I'm sorry! " Nemen... naiiyak daw ako pero pinigilan ko. " Jinry.. " bumuntong hininga ito. " Akiro I'm sorry! " Nakayuko ako na humingi ng paumanhin sa kanya. Hindi ko sya magawang tignan ng diretso sa mata. " Hey, don't feel sorry about it. Okay lang yon! Pasok ka na sa room, gusto kang makita ni Ma'm. " wika nito na nakangiti sakin.  Hindi ko matignan si Akiro kasi naluluha ako, nakayuko tuloy akong pumasok sa room.  " Jin, wag kang yumuko! Baka mabangga ka sa  pinto! " Napangiti lang ako sa sinabi niya, lalo tuloy akong na-fall sa kanya. Pagpasok ko sa room, nakita ko agad si Ma'm Kris. Seryoso ang mukha ni Ma'm. Kinabahan ako. " Excuse me Ma'm.... " Nagtinginan silang lahat sa akin, napaatras ako sa pagpasok. Tinignan ako ni Ma'm tapos nagsalita: " Answer page 17 class, we'll check it later "  Lumapit sakin si Ma'm, nakayuko lang ako.. " Jinry, ah-- " " Ma'm I'm sorry! " hindi ko na muna pinatapos si Ma'm sa sasabihin niya, importanteng makapagsorry muna ako para hindi na niya parusahan si Akiro.  " Jinry, it's okay.. I just wanted to know the truth. Ano ang nangyari? Kilala ko kayo ni Akiro, hindi kayo masasangkot sa ganitong gulo.. " Napakamot ako sa ulo.. Paano ko ba ipapaliwanag kay Ma'm?? " Eh kasi Ma'm, ano eh... " kandautal-utal na sabi ko. Humalukipkip si Ma'm sa harap ko.. Nakakatakot siya kapag nakaganyan. Ibig sabihin malapit na siyang mainip at seryoso na siyang nakikipag-usap.. " Kasi Ma'm, yung mga kulugo na yun -- este yung grupo ng mga pangit na yun... pinagtrip-an ako. Gusto daw po kasi nilang bumawi sa pinsan ko.. Sinubukan ko pong gumanti, tapos yun Ma'm.. Pinagtanggol lang po ako ni Akiro. " Napabuntong-hininga nalang si Miss Kris. " Ang pinsan mo talaga, hindi ko alam kung basagulero o sadyang lapitin ng gulo. " " Eh Miss, pareho lang naman yung ibig sabihin nun diba? " sambit ko na naka-nguso. Di ko napigilan ang pagsagot. Natawa si Ma'm. Tinapik-tapik niya ako sa ulo. "Aminin mo nga sakin Jinry. May gusto ka ba kay Akiro?" masuyo niyang tanong sa akin. Namula ako sa sinabi ni Ma'm. Masyado bang obvious???? " Miss Kris, grabe naman po.. Hindi ah! " halos pulang pula na ata ang pisngi ko dahil ramdam ko ang init nito. " Eh bakit ka namumula? " tukso nito sakin. " Ma'm naman eh.. " pagmamaktol ko, para akong bata. Ngumiti ito. " Kayong dalawa ni Akiro ang paborito kong estudyante.. nagbibiro lang ako pero parang totoo nga." Tinawag ni Ma'm si Aki. " Akiro, halika dito. Tapos na ang parusa mo. " Lumapit si Aki, kinabahan ako.. Pano kung sabihin din ni Ma'm sa kanya yun?? Di yun pwede! Dyahe to! " Ah Ma'm.. " bulong ko sa kanya .. " wag kang mag-alala Jin, wala akong sasabihin kay Aki. " sabay kindat niya sa akin. Paglapit ni Akiro, napatingin siya sakin. Hindi ko alam kung anong nakita niya sa mukha ko pero kumunot ang noo niya. " Jin, may sakit ka ba? Ba't parang namumula yang pisngi mo? " tanong nito na nag-aalala. Patay! Kaya mahirap maging babae minsan eh, madaling maipakita ang nararamdaman!  " Hindi wala.. nahihiya lang ako sayo. " mahinang saad ko na totoo naman. Nahihiya ako dahil nasangkot ito sa gulo nang dahil sakin. " Ah Ma'm, wala pong kasalanan dito si Jinry. Ako nalang po parusahan niyo." sabi ni Akiro kay Ms. Kris, hindi ko maiwasan na hindi kiligin. " Ang sweet niyo talagang tignan no? " pinagsalikop ni Ms. Kris ang kamay na parang kinikilig. Nagkatinginan kaming dalawa ni Akiro. " Gusto kong magkatuluyan kayong dalawa balang-araw tapos dadalawin niyo ako dito sa school.." pang-aasar ni Ma'm. Namula ako sa sinabi niya. Di ako nakatiis ... " Si Ma'm talaga puro biro no? " sabi ko para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko. Hindi kumi-kibo si Akiro.. Nakakailang na moment to .. " Tara, magsi-pasok na tayo sa loob. Baka makita pa tayo dito ni principal.. Lagot ako nito. " yaya ni Ms. Kris sa aming dalawa. Lumipas ang buong araw na natahimik lang ako. Sobrang nakakailang talaga ang nangyari. Uwian na nung nagkita ulit kami ni Ayanna.. " So anong nangyari? " untag nito sakin. " Wala naman.. " malungkot na sagot ko. " Wala naman? Ganoon lang yon?? " " Next time nalang natin pag-usapan. I'm depressed. " " Bakit? " Nahagip ng paningin ko si Rye, kasama sina Yoichi at Sachi. Nilapitan ko siya at hinampas ng bag! " Arayy. Arayy! Ano na naman ba problema mo Jinry?? " angal nito. " Problema ko?? Ikaw! Ikaw ang problema ko! " di parin ako tumitigil sa paghampas sa kanya ng bag ko. " Arayy!!! Jinry di ka na nakakatuwa ah.. " hinawakan na ako ni pinsan sa may pulsuhan. " Bakit di mo itanong kung natutuwa pa ako sayo? " nanggigigil sa inis na sabi ko sa kanya. " Mamaya tayo mag-usap. Pupuntahan kita sa bahay niyo.. " saad nito. Binawi ko ang kamay ko. " Wag na wag kang tatapak sa loob ng bahay namin kung ayaw mong magliparan ang mga gamit don! " Walk out ...... Nilapitan ko si Ayanna .. " Jinry, are you okay?? " worried na tanong nya sakin. " I'm not ... " tinakpan ko ang mukha ko at umiyak ako kay Ayanna. Di ko alam kung bakit naiyak ako ng oras na yun pero sobrang frustrated talaga ako at wala akong magawa kundi umiyak ... " Don't cry Jinry.. Everything will be alright! "  pang-aalo nito. Ang sarap pala ng may kaibigan na nakakaintindi talaga sa nararamdaman mo. Pagkatapos ng araw na yon, nagfocus muna ako sa pag-aaral. Malapit na kasi ang college exams at gusto ko rin namang makapasok sa magandang university. So... isinantabi ko muna ang pagsuyo sa aking iniirog. Lumipas ang ilang buwan. Ang bilis tumakbo ng oras at panahon lalo kapag abala ka sa maraming bagay.. These past few months, sooooobrang busy ako sa school!! college entrance exams....review ... And yung program ngayong december na ang klase namin ang napiling magparticipate. Napiling kumanta si Akiro pero wala pa siyang ka-duet. Nakaka-stressssssssssssssssss! Magbo-volunteer kaya ako? Kaso nahihiya ako eh, tinutukso nila akong mag-volunteer..Ako kasi ang *ehemm* MUSE at siyempre si Aki ang ESCORT kaya natural lang daw na kaming dalawa dapat ang magpartner sa program kasoooooo..... di pa ako kumanta sa harap ng maraming tao! DEYM!!!!! Sabi pa ni Ma'm " Jin, gusto mo ba magtayo pa ako ng fans club para sa performance niyo ni Akiro? Jin-Aki loveteam of the year ... Gagawin ko talaga yon para lang magperform ka! Take it or  take it. " pamimilit nito sakin. 4days left ... Oo na! Sige na! Kakanta na ako!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD