V

1814 Words
3 days left. Nagvolunteer na akong kumanta. Ttuwang-tuwa ang buong klase. Nakapag-handa na pala sila ng kakantahin namin. Ang kaso di namin parehong kabisado yung kanta kaya nangangapa pa kaming dalawa ni Akiro 2 DAYS LEFT. Medyo ayos na yung kanta kailangan nalang naming i-polish para maganda ang result. Magaan din ang loob ko dahil sa tuwang kumakanta kami ay nararamdaman ko ang kakaibang saya. Nasisilayan ko rin ang mga ngiti niya na sa normal na araw ay nagiging mailap. The BIG DAY! THIS IS IT! ETO NA TALAGA TO... WALA NG ATRASAN!!!! Sumilip ako sa harap ng stage. Ang daming tao. Inimbitahan din lahat ng parents na pumunta at manood. Andun sina mama at papa. Bati narin kami ni Rye kaya kasama rin siya sa backstage para sumuporta. Hoooo.. Kinakabahan ako! Pumikit muna ako sabay huminga ng malalim. " Jinry .. " tawag sakin ni Ayanna. Huminga ako ulit ng malalim. " Jin .. " tawag niya sakin ulit. Nakapikit pa rin ako kasi kinakabahan ako. "Huy! Jinry! " hinawakan na niya ang kamay ko, hindi ko maamin pero may stage fright ako. " Oh? naririnig kita .. " sabi ko sa kanya na nakapikit pa rin. " Okay ka lang?? " untag niya. " Yeah, i'm fine ... kinakabahan lang ako .. " Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Napansin ko ang biglang pagtahimik ng mga tao sa paligid ko. Umalis ba sila? Binuksan ko ng konti yung kaliwang mata ko para silipin kung anong nangyayari.  "Ako ba hinahanap mo? " biglang sumulpot si Aki sa likod ko. Nagulat ako sa tanong niya. " ASANESS! bakit naman kita hahanapin?? " umirap ako para itago ang kaba na nararamdaman ko. Nagkibit-balikat nalang siya. Hindi na ko kinakabahan, nasa tabi ko na kasi siya.. Ang sarap kaya ng feeling, yung katabi mo yung taong mahal mo. Natigilan ako. Mahal mo? Did I just say the word "mahal"? Napasulyap ako sa kanya dahil dun. Itong taong to? Mahal ko na? Ngumiti siya sakin dahil nahuli niya akong tinitignan siya. Nag-iwas ako ng tingin dahil kumalabog ang puso ko. Naglakad din ako palayo ng kaunti, natakot ako baka marinig nya ang dagundong ng puso ko. "Alam kong gwapo ako, wag ka namang masyadong obvious sa pag-appreciate sa akin.. " panunukso niya sakin. Nilingon ko siya na nakataas ang kilay. "Grabe din... Ibang level ang confidence natin." Natawa siya sa sinabi ko. Ngumiti rin ako. His laughter is really music to my ears. Napakalma ako ng tawa niya. " Now let's all hear the representative of the fourth year class.. Mr. Akiro and Ms. Jinry of IV - Bonifacio, come up on stage please.. Everyone, let's give them a round of applause. " narinig kong sabi ng emcee. Bumuhos ang palakpakan sa labas. I froze. Uh-oh! Stage fright! Nanlalamig na ang kamay ko .... " Jin." paglingon ko, hinawakan ni Akiro ang kamay ko. "Tara na! Wag kang mag-alala. I'm here for you." Ang sweet! Holding Hands While Walking Up the Stage. Wala bang camera diyan para kunan tong precious moment na to? Anyways, I have to focus sa pagkanta namin... Bawal ang mag-tae! Pagtingin ko sa audience. Taragess yan! Ang daming tao! Huminga ako ulit ng malalim, hinihintay nalang namin yung minus one ng kanta. ..... tick ...... tock ..... tick ...... tock Ano'ng nangyayari? Ang tagal naman atang mag-play ng music. May mga naririnig na akong " BOOO! " galing sa audience. Lumapit si Akiro sa staff, mukhang may technical problem. Ang lupet! Samin pa nagkaproblema. Lumapit na rin ako. "Wala bang ibang magagawa diyan? " tanong ni Akiro."Wala eh.. " sagot ng tao sa likod ng sound system habang napakamot sa ulo. "Pano tayo niyan? " tumingin ako kay Akiro na may pag-aalala, lalong lumakas ang kaba ko. Tinignan ako ni Aki tapos ngumiti siya . "Alam ko na..." sabi niya na biglang nagningning ang mga mata. "Ang alin?" nagtatakang tanong ko at sinundan siya sa gitna ng stage. Sumenyas siya kay Ryan na nasa likod ng kurtina at maya-maya lumapit ito na may dalang gitara. " Alam mo naman siguro to di ba? narinig kitang kinakanta to sa bahay niyo.. " sabi niya sabay umayos ng porma at tumugtog na siya. Tsaka ko lang na-realize yung kanta nung kumanta na siya ... "Looking in your eyes I see a paradise. This world that I found is too good to be true. Standing here beside you, want so much to give you.This love in my heart that I'm feeling for you" masuyo niyang kanta habang naggi-gitara. Kahit na namamangha ay nagawa kong kantahin ang mga sumunod na lyrics. "Let 'em say we're crazy, don't care 'bout that.. put your hand in my hand baby, don't ever look back. Let the world around us just fall apart. Baby, we can make it if we're heart to heart." And we both sing our hearts out, " And we can build this dream together, standing strong forever. Nothing's gonna stop us now. And if this world runs out of lovers, we'll still have each other. Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us now. Woh woh oh.." Natapos namin ang kanta at nakahinga ako ng maluwag. Hinawakan niya agad ang kamay ko at masuyo itong pinisil na para bang tinatanong kung okay lang ba ako. Tipid akong ngumiti sa kanya. Bumaba na kami ng stage habang hawak niya parin ako at inalalayan ako pababa. Ito na ba yun? Sign na ba to na may chance kaming dalawa? Sinalubong kami ng mga classmates namin pagkababa namin ng stage. Ang galing daw namin. Nakangiti ako nagpapasalamat sa kanila. Pero ang pinakanagustuhan ko ay nang sabihin ng class president na bagay daw kaming dalawa ni Akiro! Nemen! Kinilig ako in fairness!! Lumapit sa amin si Ma'm Kris. Nakaka-touch nung niyakap niya kaming dalawa ni Akiro. Lalo nung sinabi niyang sobrang proud siya sa amin. Pwede na talagang maging ina si Ma'm. Asawa na lang ang kulang. " Good Job! "sabi ni Akiro at nakipag-high five. " Nah! Ikaw nga ang nakaisip kung pano tayo makakalusot .. Thank you! " sabi ko sa kanya. " Tama na yang titigan na yan.. malulusaw na kayo!! " sigaw ni Sachi. " Umay! " banat naman ni Van. Kung hindi ba naman talaga panira ng moment .... " Hey guys! " bati ko sa kanila. " Uyy Jinry.. may hidden talent ka pala! Di halata!! " kantyaw ni Yoichi. " Ha-ha.. Kung kayo lang din naman kasi ang magiging audience ko, mas mabuti ng itago nalang" pabiro kong sagot sa kanila. " Oo, ang mga ganyan dapat itinago mo nalang .. "  Nag-appear ang dalawang kulugo. Kala naman nila maaasar ako ng ganun-ganon lang. HUH! Witchibelikelss! Umalis ako sa backstage. Paglabas ko nakasalubong ko si Ayanna.. " Jinryyyyy!!! Ang galing mo friend!! Bilib na talaga ako sa'yo! " niyakap niya ako. " Sa ating dalawa, ikaw ang mapera Ayanna! " ganti ko sa kanya ng yakap sabay tawa. " Loka-loka! Di naman ako magpapa-libre nuh! " hinaplos niya ang buhok na parang proud na proud siya sa ginawa ko. " Kinabahan talaga ako dun kanina ... hayyy!! " hinawakan ko ang kamay niya para maramdaman niya ang lamig ng kamay ko sa sobrang kaba. " Ah Jin.. may sasabihin ako sa'yo .. Kasi --- " naputol ang sasabihin ni Ayanna nang biglang may tumakip sa mga mata ko. Hindi ko na kailangang hulaan at tanggalin pa para lang malaman kung sino yon. Isa lang naman ang mahilig gumawa non sa akin eh.. " Kuya Migs! You're late!! " bulalas ko nang humarap ako sa bagong dating. Tama ako ng hinala kasi biglang tumawa ang taong nasa likod ko. "Hindi ko alam na may talent ka pala sa pagkanta." bati niya sakin pagkatapos ko tanggalin ang kamay niya sa mata ko. Ngumuso ako. "Mauusog na ako sa mga comment niyo sa pagkanta ko! Ah nga pala kuya, eto si Ayanna.. bestfriend ko dito." Pinakilala ko ang mga mahahalagang tao sa buhay ko sa isa't isa. " Hello Ayanna! Nice meeting you! " inilahad ni Kuya Migs ang kamay niya kay Ayanna. " Hello din po! Hindi ko alam na may kuya ka pala Jinry! " tinitigan ako ng makahulugan ni Ayanna na nagets ko naman agad. Nagkatinginan kami ni Kuya Migs tapos sabay tawa. "Hindi naman kasi kami magkapatid ni Kuya Migs eh. " paliwanag ko habang tumatawa. Nakatanga parin sa amin si Ayanna kaya pinaliwanag ko na. Nakilala ko si Kuya Migs noong third year ako. Nagparticipate kasi ako sa org. nila nung pumunta sila sa school. Noong una, major crush ko siya dahil sa ganda ng ngiti niya at sa amo ng mukha niya. Pero noong tumagal-tagal, na-realize ko na pang-kuya lang ang pagtingin ko sa kanya. Masyado lang talaga akong naive noong mga oras na yon kaya akala ko, in love ako sa kanya. I had to confess my feelings for him at that time. At dahil sa mas matanda siya sakin, naintindihan niya at ipinaliwanag sa akin. Ang sarap kapag may taong nakakaintindi sa'yo. So ayon nga, siyempre nagka-aminan na ng feelings. Hindi naman nagtapos doon ang friendships namin, naging brothers-and-sisters ang turingan naming dalawa dahil narin siguro sa kakulitan ko at sa pagka-maintindihin niya. Ayon na ang kwento. Walang labis. Walang kulang.                                                      Pagkatapos ng performance namin, naging instant hot issue kami sa school. Naging popular lang kami sa school dahil sa kanta namin. Marami ang kinilig. Marami ang nabaduyan. Marami sa mga classmates ko ang nagli-link sa aming dalawa. Kahit sinasabi ko na malabong mangyari, at hindi pa talaga nangyayari. Kumalat ang balita na " Nililigawan " ako ni Akiro. Nagkaroon na kami ng Fans Club!  Kaya sa Christmas Celebration ng school, magkakaroon ulit kami ng isa pang performance. Due to insistent public demand. Nakakadismaya lang kasi parang wala lang para kay Akiro ang lahat. Di ba dapat kapag ibinubuyo ang isang lalaki sa isang babae, unti-unting maiinlab yung lalaki? Unti-unting nafo-fall? Eh bakit parang kabaligtaran naman ata? Ako ang lalong nafo-fall.. At si Akiro, parang lumalayo. Ano na ba to?????                                                                          *                         *                            * Three months nalang ang natitira para sa aming mga fourth year students. Last three months na sobrang nakakalungkot... Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang feelings ko. Pero di ba... ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS ???? Siguro naman di siya manhid para di makita sa mga ngiti ko sa kanya na may gusto ako sa kanya. Ganito pala kahirap maging babae no? Hindi mo pwedeng sabihin kung ano ang nararamdaman mo talaga. Pero paano kung... paano kung sabihin ko nalang sa kanya? Nabuo ang desisyon ko. Magco-confess na ako sa kanya sa JS Prom. Para magka-alamanan na ng tunay na nararamdaman.. Go! FIGHT!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD