VI

1106 Words
I sighed. Hindi kami masyadong nagkikibuan ngayon ni Akiro. Magkakasama kami ng barkada nila pero kaming dalawa lang ang tanging di nagkikibuan. Ang dahilan ko, masyadong nakakatense ang plano kong pagtatapat ng damdamin ko sa kanya. Kasi naman, hindi naman ganoon ka-normal na ang mga babae ang nanliligaw sa lalaki eh. Anong alam ko diba? Wala....  Sinulyapan ko siya. Busy ang lolo mo sa cellphone. Ako, alam ko ang dahilan kung bakit di ko siya naki-kibo. Pero bakit siya? Di naman siya ganun dati ah? Ang friendly naman niya sa akin dati, pero bakit ngayon? Daig pa niya ang babaeng may menopause. Siniko ako ni Sachi kaya napalingon ako sa kanya. "Ano'ng problema mo?" angil ko sa kanya. "Sungit naman nito. May dalaw ka?" Hinampas ko ang braso nito kaya napangiwi ito.  Kahit kailan wala talaga ako napala na matino kapag ito ang kausap ko. Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. "Uwi ka na?" sa wakas ay tanong ni Akiro. "Yes, may gagawin pa ko sa bahay." walang lingon na sagot ko sa kanya. Pagkatapos ay umalis na ako. Hindi ko na nilingon ang grupo dahil biglang naging awkward ang pakiramdam ko sa kanila.                                  *                                 *                                   * Ilang araw nalang valentine's na. Siyempre, lahat nag-aabang doon, mga babaeng naghihintay ng lalaing magyaya ng date. May mga lalaking di mawari kung anong dapat gawin para sa araw na yon. Pero ako, wala petiks lang. Wala naman akong date at isa pa, wala akong ka-date. Sad life. " Jin!" hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino ang tumatawag sakin. " BAKEEETT??? " sagot ko habang binabasa ang librong hawak ko. Tumabi sa akin si Aya, parang praning... ngiting-ngiti ang loka. " Oh bakit ganyan ka makangiti? " tanong ko na nakataas kilay pa. " Malapit na ang Valentines .... " nakangiti parin. " Oh tapos?" patay malisyang sagot ko. As if naman may paki ako di ba. " Ehhhh. di ka man lang ba na-excite? " tanong nito. " Eh bat naman ako mae-excite? " " Jinry naman... May papakilala pa naman sana ako sayo. " ngumuso ito. Tinitigan ko si Ayanna. Aba't ang loka, blooming. Pagtingin ko sa kamay niya, nanlaki ang mga mata ko. Hala siya. MAY COUPLE RING!!!! Hinablot ko yung kamay niya. " Arayyyy naman. dahan-dahan lang naman Jin. " kunwari ay nasaktang reklamo nito. " Malandi ka. Ano to??? " hawak ko ang kamay niya at inangat sa mukha niya. " Singsing malamang ... " " Alam ko baliw!! Kanino galing to? Ba't parang wala akong nalalaman? " gusto ko nang tuktukan si Ayanna. Ngumiti lang siya sakin. " Hoy babaeng lukaret. Wag mo kong ngitian diyan. Kanino nga galing to??? " " Yiii.. Surprise ko nalang sa'yo sa Prom naten. " kinikilig na sambit nito at tinignan ang singsing sa daliri. Oo nga pala. May Prom pa nga pala kami. Parang may bumbilyang umilaw sa utak ko. May naisip ako! Kanina lang nalaman ko na na-move ang Prom sa 14! As in February 14!! Nagpaalam ako kay Ayanna na uuwi ng maaga. Kahit na nagtataka, um-oo nalang siya. Para akong ewan dahil hindi ako mapakali sa classroom. Panay ang tingin ko sa orasan ko. Natetense talaga ako... 4:59 isang minuto nalang uwian na.... 5:00 Kasing bilis ni Flash na tumayo ako at hinintay na idismiss kami ng teacher. Dali-dali akong lumabas at pumara ng tricycle. Nagpahatid ako sa Alimall at dumiretso ako sa National Bookstore. Pumili ako nang card na pang love letter tapos dumukot narin ako ng isang cookbook para naman maitago ko yung card pag-uwi ko. Nagbrowse ako ng recipe para sa lulutuin ko pagkatapos bayaran ang card at cookbook, dumiretso naman ako sa Supermarket para bumili ng ingredients... Bahala na! Gagawa na lang siguro ako ng alibi para sa lulutuin ko...                                                                      *                   *                * Dahil maaga akong nakauwi, naisipan ko nang magsulat. Wala pang tao sa bahay kaya napakapayapa ng paligid. Tinitigan ko yung papel. Takte.... Pano ko ba to uumpisahan? Di naman ako marunong sa mga ganitong sulat-sulat eh. Oo, magaling ako sa essay-writings pero yung ganitong tipo... tsk. Di ko talaga alam.  Bahala na.... Sulat ko nalang kung ano talaga ang nararamdaman ko .... Akiro, Oo. Alam ko. Shock ka simula ng i-abot ko sa'yo to. Alam ko na wala ka ring clue kung ano at para saan to. Gusto ko lang malaman mo na ... I love you. I love every little thing about you. I love your cute smile, your magical eyes, and the sound of your voice. I love your gentle touch, and I love the warmth I feel when I’m by your side. I can't stop thinking about you when we are apart. I never thought that I would ever meet someone as special as you. I love each and every moment I share with you. Tinitigan ko ang sinulat ko at binasa sa isip ko. Parang ampanget naman ng mga naisip ko? Tinago ko ang card sa ilalim ng kama ko at pinusod ko ang buhok ko. Makapagluto na nga lang muna.. Kailangan perfect ang cake na ibibigay ko kay Akiro kasama ng letter para di nakakahiya.. Pinasya kong  puntahan nalang si Ayanna sa bahay nila para sana magpatulong at ng maipagtapat ko na rin sa kanya ang nararamdaman ko para kay Akiro. Nangangalahati palang ako papunta sa kanila ng may makita akong dalawang taong sabay na naglalakad. Medyo pamilyar ang figures nila sa akin.. Kinusot ko ang mga mata ko para makita lalo kung sino yung makakasalubong ko.. Tatakbo sana ako palapit para mas lalo kong makita kung si Ayanna nga ang babaeng nakikita ko.. Pero narinig ko siyang tumawa kaya napilitan akong magtago sa isang poste malapit sa akin.. Alam kong pangit tignan na kailangan ko pang magtago pero I have this feeling na hindi nila ako dapat makita. Kaya nanatili akong nakatayo sa likod ng poste at nagdasal na huwag ako makita ni Ayanna. Sinilip ko kung sino ang kasama niya... para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Si Akiro-my-labs at si Ayanna magkaholding hands. Bitbit  pa ni Akiro yung bag ni Ayanna .... Mabilis na tumalikod ako at napahawak sa dibdib. Parang sinasaksak ng napakaraming karayom ang puso ko. Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan. Napaluha ako sa sobrang sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD