Umuwi akong luhaan dahil sa nakita ko. Hindi ko akalain na sila na pala ng bestfriend ko. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Bakit ba ako umiiyak? Wala naman kaming relasyon ni Akiro. Wala akong karapatan na masaktan! Pero bakit?
Nakasalubong ko pauwi si Ryan. Nagulat siya ng makitang umiiyak ako, gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito.
" Pinsan.... "
" Okay lang ako.. okay lang ako ... " tinabig ko yung mga kamay niya sa harap ko. Alam ko gusto niya kong aluin pero sa ngayon gusto ko lang talagang mapag-isa..
" Jinry -- "
" Please. Gusto ko munang mapag-isa ... "
Tumakbo ako papasok ng bahay. Buti nalang wala pa sina mama at papa. Pwede pa akong umiyak ng walang mang-iistorbo. Dumiretso ako sa loob ng kwarto at dumapa sa kama, sinubsob ko ang mukha ko sa unan ko at umiyak. Inilabas ko lahat ng sama ng loob ko.
Ang hirap naman pala ng ganito, ngayon palang ako nagmahal tapos eto pa mapapala ko. Parang tinutusok-tusok ng karayom ang puso ko. Seriously, naramdaman ko talaga na para akong sinasaksak ng paunti-unti at ang sakit-sakit ng dibdib ko.. I don't know anything about love and about getting hurt. First time ko tong maramdaman at ang gusto ko lang ay umiyak ng umiyak...
Nakita ko yung letter ko sana para kay Akiro. I stared at it for a long time. I decided not to give it to him anymore. What's the use? I felt so helpless. Inisip ko ang mga nakita ko kanina. Para akong baliw na tumatawa habang umiiyak..
There was a soft knock on the door.
" Sino Yan? " I asked.
" Pinsan... Rye to. " He said with a low voice.
" Di ba sabi ko gusto ko muna mapag-isa?? " nanginginig ang boses na sagot ko.
" Alam ko. May ibibigay lang ako sa'yo, tignan mo nalang. "
Sinilip ko yung pinto, may nakita akong nilusot niya sa ilalim ng pinto. Curious ako kaya tumayo ako at nilapitan ko. It was a CD. And written on top was, Copy of WESTLIFE FULL CONCERT. Napaiyak ako lalo. Matagal ko na tong inuungot sa kanya. Kailangan ko lang palang magmukhang kawawa at mag-iiyak sa labas bago niya ibigay to.
Habang tinititigan ko yung cover. Ayun naman yung maliliit na punyal na tumutusok sa puso ko. Anak ng teteng! Di na ata titigil sa pagluha ang mga mata ko. Halos isang gallon na ata ng tubig ang nawala sa katawan ko eh. Pinahid ko ang mga luha ko tsaka lumapit sa dvd player ko. Sinalang ko ang CD at hinanap ko agad isa sa mga paborito kong kanta, What Makes A Man. Naiyak na naman ako.
Akala ko dati, kapag nagmahal ka at pinakita mo na ikaw ang the best para sa kanya, mapapansin ka na niya.. hindi pala enough lang ang pagiging the best. Dapat ikaw ang maging perfect! Dahil kahit anong gawin mo para maging the best, laging may perfect sa paningin niya.
Narinig kong dumating na sina mama at papa. Nilakasan ko yung volume at humiga sa kama. Wala ako sa mood kumain at wala rin ako sa mood makihalubilo kahit sa mga magulang ko.
Ayokong makaramdam ng kahit ano. Gusto kong maging manhid kahit ngayon lang. Dahil bukas, hindi ko na alam kung paano pa humarap sa kanila. Hindi ko alam paano magkunwari na hindi ko alam. Napaisip ako kung alam na ba ng barkada at nilihim lang nila to sakin? O sadyang hindi pa nila alam?
I cried my heart out. If they knew it already, then nagmukha pala akong tanga. Ang sakit naman.
I heard my mom call for me downstairs. Pinapababa na niya ako para kumain. Hinamig ko ang sarili ko at tumikhim, wala akong gana kumain kaya sumigaw nalang ako mula sa kwarto ko na busog pa ako. Napatingin ako sa salamin, magang maga ang mata ko at ang gulo gulo ng buhok ko. Inayos ko ang buhok ko at tinitigan ang sarili ko. Bumalik ako sa higaan at pinatay ang dvd at ilaw, itutulog ko nalang itong sakit ng puso ko.
* * *
Paggising ko, ang sakit ng ulo ko at ang bigat ng dibdib ko. Nakatulog akong umiiyak. Buti nalang at naka-lock ang pinto kaya di nakapasok si mama sa loob. Tumayo na ako at pumunta sa banyo. Pagharap ko sa salamin, napasimangot ako.
Paano ba naman gaganda ang umaga ko? Kung ang makikita ko ay ganito? Ang mga mata, namamaga.. Ang buhok, parang bruha sa pagkakasabog! Napabuntong-hininga nalang ako. Binuksan ko ang gripo at naghilamos. Pano nga ba ako magugustuhan ni Akiro? Daig ko pa ang baliw sa ayos ko ngayon..
Lumabas na ako ng kwarto ko at nagtungo sa kusina. Nangalumbaba ako sa mesa dahil sa lungkot. Nakipagtitigan ako sa pritong tilapia na nakahain sa mesa..
" Bakit kaya ganoon? Kung sino pa ang mahal mo... Awww!! " nasapo ko ang ulo ko sa sakit. Paglingon ko, si mama pala. May hawak na sandok, yun yung ginamit niya pangkotong sakin.
" Arayy Ma! Ang sakit naman non! " hinimas ko ang ulo ko na tinamaan ng sandok. Baka mamaya magkabukol pa ako.
" Diyan nasaktan ka, pero yung sakit sa pagpapalipas ng gutom di mo naramdaman!! Sabihin mo, ikaw yung umiiyak na parang hiniwalayan ng asawa kagabi ano? " nakapamaywang na tanong sakin ni mama.
" Hala Ma! O.A, hindi ah!! " umiwas ako ng tingin. Narinig nila ako na umiiyak?
" O.A ka diyan.. o anong ine-emote-emote mo kagabi ha? Akala mo ba di namin narinig ng tatay mo yon? " humalukipkip si mama pero kita ko parin na hawak niya ang makapangyarihang sandok sa balat ng lupa. Kahit si Ryan ay kinatatakutan ang sandok na yun.
" Ma. di ako umiiyak kagabi no.. guni-guni niyo lang yon ni papa! "
" Ah.. kaya pala pabalik-balik dito ang pinsan mo, tinatanong kung kamusta ka na? " Linsyak! Pahamak talaga yang si Rye kahit kailan!!!
" O ano nga? Basted ka? " tanong ulit ni mama.
" Mama naman.... " atungal ko. Ayoko ipakita sa kanila na nasaktan ako kasi alam ko mas doble ang sakit non sa kanila.
" Mama naman " panggagaya sa'kin ni Mama. Nangalumbaba nalang ako sa mesa. Wala na akong magagawa, narinig na nila eh. Ano pang gagawin ko?
" Kumain ka na diyan, hindi ka naman non mamahalin kahit magpakamatay ka pa sa gutom diyan. Hala, ubusin mo lahat ng pagkain diyan. Wala kong pakialam, wag mo lang gutumin yang sarili mo. " Tinanggal ni mama ang takip ng mga pagkain, ang dami puro lahat paborito ko.
" Hindi pa ako gutom Ma. " walang-ganang nakatingin lang ako sa mga pagkain.
" Bahala ka diyan. O siya, pupunta muna ako sa palengke. Pagbalik ko gusto kong makitang ubos na lahat ng pagkain dito sa bahay. " kinuha niya ang bayong sa loob ng kitchen cabinet.
" Ano ako Ma? Patay-gutom?? Haller... Excuse me Ma, pang-model type tong anak nyo no. " kinumpas kumpas ko ang kamay ko.
" Pang-model type pala. Broken-hearted naman. " tudyo ni mama.
" Eee.. parang di ka dumaan sa pagkaganito ah. " biro ko.
" Excuse me... aalis na nga ako. "
Natawa ako kay Mama. Iwas-pusoy kahit kailan! Pero natutuwa ako kasi kahit ganoon, kahit alam nilang broken hearted ako. Pinakita pa rin nila ang suporta nila sa akin.