I busied myself with school work. I tried to bury my feelings by occupying my mind with something else. Sinubukan ko na rin ang pag-tutor sa mga bata after school. Hindi ko na rin masyadong nakakasama sina Ryan at ang barkada dahil sa iniiwasan ko makasalamuha si Akiro. I am dreading the day of our JS Prom. Madalang ko nalang din makasama si Ayanna and God knows kung sino ang kasama niya.
I am sitting in our school canteen when I noticed one girl across me. She has pixie-cut hair and a very angelic small face. She was staring outside the window while munching on her sandwich. Nakatulala ako kaya hindi ko naramdaman ang paglipat niya sa lamesa ko.
" Mukhang malalim ang iniisip natin. " wika niya habang hinila niya ang upuan sa tabi ko.
Gulat akong napalingon sa kanya. Parang napaka-casual lang ng pagkakasabi nito na kala mo ay matagal na kaming magkaibigan.
"Sorry, I know it's rude to stare." hinging paumanhin ko. Napansin niya ata na napatitig ako sa kanya. Baka akala naman niya lesbi ako?
"It's okay, no worries. Wala naman ako na-vibes na kakaiba sa tingin mo." natatawang saad nito.
Natawa rin ako. "Nagandahan lang ako sa'yo kaya napatitig ako. To be honest, inggit ako sa buhok mo. Matagal ko na rin gustong magpagupit ng ganyan kaso baka magtampo ang buhok ko."
Napahawak ito sa buhok nito. "Oh. This? Actually I just cut my hair a few weeks ago. I got bored e. Anyway, thanks for the compliment. " ngumiti ito. " I'm Carina, by the way." inilahad nito ang kamay niya.
" Jinry. " I said and shook her hand. We were silent for a while. Ito ang unang bumasag sa katahimikan.
"I noticed you look sad. Ayoko naman mang-intriga since kakakilala lang natin."
Ngumiti ako ng tipid. "Masyado bang obvious?"
"Medyo." nangalumbaba ito at tumanaw sa labas. "I guess it's a love bug then. Ganyan ang itsura ng mga problema ang pag-ibig e."
Napatitig ako sa kanya at natawa. There's something in her na parang ang tagal ko na siyang kakilala. I chose to open up to her.
"Yes, love bug nga."
" LQ kayo ng jowa mo? " she asked.
" Sana nga naging jowa ko. " bumuntong hininga ako. How do I even start with my story?
Doon nag-ring ang bell para sa next class. Tumayo na ito at inayos ang palda.
"I don't mean to pry but if you need a friend, I'm just one room away." she said with a smile.
Tumayo na rin ako. "Friends?" I asked.
"Friends." yun lang at nagtungo na kami sa aming mga silid.
* * *
Naglalakad ako palabas ng gate ng school nang biglang may umakbay sakin. Napapiksi ako.
"Bakit di ka na sumasabay samin, Jin?" tanong ni Yoichi.
Tsaka naman biglang sumulpot ang kambal nitong si Sachi sa kabilang gilid ko at umabrisyete sakin."Oo nga, Jin. Nakaka-hurt, di mo man lang kami naaalalang bisitahin. "
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang ugok na kasabay kong maglakad. Malapit lang ang bahay namin. Isang tambling ko lang at nandyan na ang bahay namin. Sinubukan kong umalis sa pagkakalingkis nila sakin pero hindi ako nagtagumpay. Bumuntong-hininga ako at tumigil sa paglalakad, tanaw ko na ang gate ng bahay namin.
"Pwede ba, lumayo-layo kayo sakin bago kayo matamaan." sabi ko na kunwaring naiinis.
"Tamaan ng kidlat?" tumingala si Yoichi.
"Is it a bird?" tanong ni Sachi.
"No." sagot ng kambal nito.
"Is it a plane?"
"No."
Bumilang ako hanggang tatlo at inapakan ang paa ng kambal. Bigla silang lumayo sakin at hinawakan ang mga paa. Grabe maka-arte akala mo napakalakas ng tapak ko.
"Grabe talaga, Jin. Hindi halata na miss mo kami." hawak pa rin ni Sachi ang paa.
Hindi ko sila sinagot at naglakad na pauwi. Hinila ni Yoichi ang braso ko at nakangunot-noong nakatitig sakin.
"Is there a problem?" he asked.
Minsan nahihiwagaan din ako sa kambal na to. Sumusulpot sa tuwing nagkakaroon ako ng problema. Parang psychic na nase-sense kapag feeling ko sawi ako.
"Ano'ng problema naman?" tinitigan ko siya. Hindi nila dapat mahalata na may dinaramdam ako at baka makarating pa sa magaling nilang kaibigan.
"Guys, ginugulo niyo na naman si Jinry." tinig yon ni Akiro.
Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko magawang lingunin at baka bumuhos ang luha ko. Naramdaman ko na nangilid na ang luha sa mga mata ko. Umakbay sakin si Yoichi kaya bahagyang natago ang mukha ko.
"Nah, guni-guni mo lang yun brother. Di namin ginugulo si Jin, di ba Jin?" bahagyang kumibot ang braso ni Yoichi na parang nagsasabing sakyan ko nalang ang sinabi niya.
"Nangungulit lang sila. Nothing I can't handle." tinignan ko ng masama si Yoichi, naka-akbay parin kasi siya sakin. Tumitig lang din ito.
"Uy tama na nga yan baka mamaya mahipan kayo ng hangin at kayo pa magkatuluyan, kawawa naman ang pinsan ko." biglang sabat ni Ryan at inalis ang braso ni Yoichi sakin. Kinuha naman nito ang bag ko at giniya na ako patungo sa bahay.
"Tara na guys baka may masarap na luto si tita, kina Jinry na tayo maki-kain. Wala pang tao sa bahay e." announce ni Ryan sa barkada.
Nanlaki ang mga mata ko. Napa-hoy ako ng malakas dito. "Ano'ng sa bahay kayo kakain? Sino nagsabi?" tanong ko dito.
"Ako, nagsabi ako kay tita kung pwede sa inyo makikain kasi walang pagkain sa bahay. Okay lang naman daw sabi niya."
Umakbay siya sakin at nagsimula nang maglakad. Binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin habang naglalakad pero wala, di talaga ito tinatalaban. Bumuntong-hininga nalang ako at tumingin sa nilalakaran namin. Ilang dipa nalang ang bahay kaya inalis ko pagkaka-akbay niya.
"Ang bigat ng braso mo, mag-diet ka na nga puro ka kasi kain e." kinuha ko ang susi sa bag ko at binuksan ang gate namin. Hindi na ko nag-abala na lingunin ang mga tao sa likod namin, alam ko naman na medyo at-home na sila dito sa amin.
"Grabe, insan. Napakasakit."
Hindi ko parin nilingon ito, alam ko naman nagda-drama lang ang magaling kong pinsan. Dumiretso ako papasok ng bahay namin.
"Oist, maghintay ka nga parang wala kang kasama ah." sigaw nito na nakasunod sa akin.
Humarang ako sa pintuan ng bahay namin at namaywang. "Sino ba kasi nagsabi na sumunod ka sakin?" Kinuha ko ang bag ko sa kanya. " Wag na wag kayong papasok dito sa bahay namin, dun kayo sa bahay mo."
Noon ko napansin na nakapasok na sina Yoichi, Sachi, Van at Akiro. Nakaupo na ang mga ito sa common area ng compound namin, at nakatunghay sa aming mag-pinsan.
"Nagpaalam nga ko kay Tita na dito kami kakain sa bahay nyo e." nakapamaywang na rin ito sa harap ko. Naglabanan kami ng tingin. Noon biglang sumulpot si mama.
"O Jin, Rye, nandyan na pala kayo. Bakit di pa kayo pumapasok?"
"Eh kasi tita itong si Jinry may sumpong na naman ata e. Parang bata, ayaw kami papasukin." sumbong niya sakin kay Mama.
Tinignan ko siya ng masama bago umalis sa pintuan, hinayaan ko na sya makapasok sa loob ng bahay namin. Hindi nakaligtas kay mama ang tingin ko kay Ryan.
"Isa pang ganyan mo, Jinry. Dudukutin ko yang mga mata mo. Bat ba ang sungit mo sa pinsan mo? Nag-away na naman ba kayo?" tanong niya sakin.
"Ewan ko dyan, tita. Bigla nalang naging ganyan yan." sumbong nito habang nag-mano kay mama. Kasunod niya ang kambal.
"Mano po, tita." sabay na wika ng kambal at kinuha ang parehong kamay ni mama para magmano.
"Aysus, nandito pala ang paborito kong kambal." natatawang sambit ni mama.
Ngumuso ako, at inirapan din ang kambal. Paakyat na ako ng hagdan nang marinig ko na nagmano si Akiro kay mama.
"Mano po, tita." wika nito.
Hindi sumagot si mama. Hindi ko na nilingon kung ano naging reaksyon ni mama. I can't stand being with Akiro in one place, ano pa ngayon na nandito sya sa bahay namin? This is just too much. Hindi ko alam kung nananadya si Ryan pero hindi nakakatuwa. Wala ako sa mood na magpanggap na okay ako. Sumalampak ako sa bean bag chair at pumikit. Hoping that this pain will just go away in one click.