I woke up and stared at the ceiling. Damn, ang bigat na naman ng puso ko. I sighed. Pagtayo ko ay bigla ko naramdaman ang sakit sa binti at paa ko, parang tinutusok ng libo-libong maliliit na karayom. Napaupo ako sa gilid ng kama at idinantay ang binti ko sa gilid. Inabot ko ang paa ko para mastretch ang binti ko. I am slowly counting when I heard a soft knock on the door.
"Pasok."
On my peripheral view, I saw the door slightly opened. Bahagya ko nilingon ito habang hawak ko parin ang naka-stretch na paa. Napatda ako ng makita na nakadukwang ang ulo ni Akiro.
"Dinner's ready." sabi nito na nakadungaw sa pinto.
Hindi ako agad nakapag-react. Si Akiro ang pinakahuling tao na naimagine ko na kakatok sa pinto ng kwarto ko. I must be day dreaming. Nagulat ako ng bigla siyang lumapit at hawakan ang paa ko.
"Masakit pa ba?" masuyong tanong niya.
"Oo. Sobrang sakit." wala sa sariling sagot ko sa kanya. Nakatitig ako sa mukha niya na nakayuko sa binti at paa ko kaya nang mag-tama ang mga mata namin kay kumabog bigla ang dibdib ko. Napatayo ako sa nangyari at dahil don, muntikan pa ako matumba.
"Hey, careful." agap na salo sakin ni Akiro. Nakahawak ang kamay niya sa baywang ko. Mas lalo ko natitigan ang mukha niya. Napaka-amo ng mga mata nito sa malapitan. Paano ako makaka-move on nito? Nasa ganoong sitwasyon kami ng maabutan kami ni Ryan.
"Huy, anong ginagawa niyo?" nakapamaywang na tanong nito.
Mabilis akong kumalas sa pagkakahawak ni Akiro at bahagyang lumayo. "Na-out of balance kasi ako, buti nasalo ako ni Akiro." Nilingon ko siya. "Thank you nga pala."
"No problem." bahagya itong ngumiti kaya lumabas ang mga biloy nito sa pisngi. Shet! Ayan na naman tayo sa pa-dimples! Nagwala na naman ang puso ko.
"Ayun naman pala, may saluhang nagaganap dito e." Tawa nang tawa si Ryan na nakahawak sa tiyan.
Hinagis ko ang throw pillow dito pero nakaiwas ito. "Sige na, susunod na ako sa inyo. Magbibihis lang ako." Pagtataboy ko sa kanila. Mahinang tulak lang ang ginawa ko kay Akiro samantalang may kasamang kurot ang kay Ryan. Pagkasara nang pinto ay padausdos akong umupo sa likod ng pintuan. How can I move on? Mas lalong nadagdagan ang good memories ko sa kanya. Bumuntong-hininga ako ulit at nagpalit na ng damit.
Pagbaba ko ay rinig na rinig ko ang ingay mula sa kusina. Mukhang nagkakasiyahan sila. Paglapit ko ay rinig ko ang malakas na tawa ni Ryan. Hindi ko sya masisisi kung mas pinipili niya na dito tumambay sa bahay. Palagi kasing walang tao sa kanila, simula nang mamatay ang parents niya ay puro trabaho ang inatupag ng mga kapatid nito. Kung hindi take-out ang uwi ay kakatok sila samin para magtanong kung anong pagkain. Laging ganito ang set-up namin, si mama nalang kasi ang natitira nilang kamag-anak dahil hindi in-good terms sa kanila ang iba nilang mga tiyahin sa side ng ama.
Pumasok ako nakangiti. Marami ngang niluto si mama at mukhang may plano pa siyang bigyan ng takeout ang mga kolokoy. Hinila ko ang upuan sa harap ko pero agad namang umupo dito si Sachi.
"Dun ka. Upuan ko to." nguso nito sa kabilang upuan na bakante, sa tabi ni Akiro! Sumubo ito ng pagkain at taas baba ang kilay na nakatingin sakin. Gusto ko siyang batukan pero nakaharap si mama. Umikot ako sa kabilang side ng lamesa at umupo sa bakanteng upuan.
May nag-abot sakin ng plato ng kanin, paglingon ko ay si Akiro. Tahimik ko itong inabot at sumandok ako ng kanin. Sunod naman niyang inabot ang plato ng ulam, tahimik ko ulit itong inabot. Nakamasid lang ito sakin habang nagsasandok ng ulam. Na-conscious ako bigla.
"Ganyan talaga kakonti ang kakainin mo?" tanong nito.
Napahinto ako sa pagsubo sana ng pagkain ko. Napatingin ako sa plato ko. Ganito naman talaga ako kumain noon pa. Half rice at puro ulam.
"Wag ka magpalinlang diyan, pre. Kunwari dalagang pilipina kain niyan pero amazona yan." sabi ni Ryan na sumasandok ng kanin. Halos gabundok na ang laman ng plato nito.
"Excuuuuuuse me. Gabi na kasi kaya konti lang ako kumain. Ayoko tumaba katulad mo." inis na sabi ko.
"Tigilan niyo na yan, nasa harap kayo ng pagkain." saway ni mama. "Ganyan talaga yan, iho. Buti nga at kumain siya ngayon, ilang gabi din na di yan kumakain." sabi ni mama na nakatingin ng makahulugan sakin.
Hindi ako sumagot, bagkus ay nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi rin masamang idea na dito sila kumain paminsan-minsan. Sasamantalahin ko na sa ganitong pagkakataon ay naaasikaso ako ni Akiro. Lihim akong nalungkot dahil parang bina-backstab ko ang kaibigan ko. Nilapag ko ang mga kubyertos ko sa plato. Bigla ako nawalan ng ganang kumain ng maisip ko si Ayanna.
"Done already? Hindi mo pa nababawasan ang pagkain mo." puna ni Yoichi. Nakamasid pala ito sakin dahil katapat ko ito sa mesa. Seryoso itong nakatingin sakin. He's really getting in my nerves the past days.
"Oo nga. Hindi mo pa nababawasan ang pagkain mo, masama ba pakiramdam mo?" hinawakan ni Akiro ang noo ko. Nagulat na naman ako sa ginawa niya kaya di ako nakaiwas. I like the feel of his touch, it brings me warmth and joy.
Bahagya ko tinapik palayo ang kamay ni Akiro. "I'm fine. I'll finish eating." Tinuloy ko nalang ang pagkain, buti at di ganon karami ang sinandok ko.
"Nga pala, malapit na ang Prom niyo di ba. Kamusta ang preparation? Wala ako naririnig kay Jinry about sa prom niyo, dati excited siya don." basag ni mama sa awkwardness namin pero mas lalo ako nakaramdam ng tensyon. Napapikit ako at nanalangin na sana hindi nila narinig si mama.
"Sa makalawa na po iyon, tita ah. Wala nabanggit sayo si Jin?" gulat na tanong ni Ryan.
"Wala naman kasi akong balak na umattend." patay malisyang sagot ko. Binilisan ko na ang pagkain ko dahil ayoko na ako ang pag-usapan nila.
"Why? If you're thinking about having no escort for the prom, nandito naman kami." offer ni Yoichi.
"Oo nga, insan. Hindi ka na lugi kapag kami ang kasama mo." hinaplos pa ni Ryan ang baba nito para maemphasize ang sinabi nito.
I rolled my eyes at them at uminom ng tubig. Tumayo ako at kinuha ang plato. " Pag-iisipan ko muna, guys. Isa pa, wala pa ako susuotin para sa prom." nagtungo ako sa lababo at nilapag ang pinagkainan ko.
" Hindi na kami mag-aasawa sa ginawa mo, Jin." dun lang nagsalita si Van. Nilingon ko ito. Sandaling katahimikan ang namayapa nang biglang magtawanan ang lahat. Napailing nalang din ako habang nakangiti.
" Wag ka mag-alala, Van. Ikaw may chance ka pa mag-asawa pero itong pinsan ko, good luck nalang sa mapapangasawa niya." duro ko kay Ryan na nasa harap ko. Naglakad na ako papalabas ng kusina para maiwasan na si Akiro, baka di pa ko matunawan ng kinain kapag nagtagal ako sa kusina.
"Hey, pag-isipan mo alok ng mga to sayo anak. Ako na bahala sa gown mo." rinig ko sigaw ni mama habang paakyat ako ng hagdan.
" Bahala na si Batman, Ma." yun lang at umakyat na ako. Tumuloy ako sa kwarto ko at nag-lock ng pinto. Nilabas ko ang brochure ng gown na gusto ko sanang suotin sa prom pero nagdadalawang isip pa rin talaga ako kung a-attend ako. Bahala na, sabi ko sa isip ko. Binuksan ko ang computer ko at tinuloy ang project na tinatapos ko.