X

1005 Words
 I can't help but smile as I stare at myself in the mirror. Sinukat ko ang gown na ginawa ni Mama Rou, ang kapitbahay naming bading na fashion designer at may ari ng boutique sa kanto. Simula palang ata nang binyagan ako at mag-kinder ako ay dito na rin nagpapatahi si mama ng damit ko. I twirled around and looked back at the mirror. I really love this dress na ginawa ni Mama Rou. I fell in love with it nang ilabas niya ito sa rack, sabi niya ay para daw ito talaga sakin. It's a burgundy cocktail dress with sweetheart neckline and detailed with nifty off shoulder, fluffy skirt and delicate sequins appliques. Since inaanak niya ako ay gusto daw niya na ako ang pinaka-maganda sa prom night namin. Tinupad niya talaga ang pagiging fairy godmother. Hinarap ko sila ni mama, parehong malapad ang ngiti sa mukha nila. "So? What do you think, mi bella?" tanong ni Mama Rou. "I love it so much, Mami. Super love it! Thank you." lumapit ako rito at niyakap ko ito. Sobrang thankful dahil meron akong ninong na katulad nito. "Anything for you, mi bella. Ikaw lang ang inaanak ko sa mundong ito noh. Dapat lang na ibigay ko ang best sayo. Aba't para saan pa ang pagiging prettiest fairy godmother ko kung hindi ko maibibigay ang pinakamagandang gown para sayo." maarte nitong saad na nakatikwas pa ang kanang kamay. "Haynaku, Rou. Parang nung isang araw lang ay ayaw niyan umattend ng prom night nila pero tignan mo ngayon parang ayaw na hubarin ang gown niya." natatawang sabi ni mama. "Hindi pa rin ako papayag na hindi siya a-attend ng prom nila. Aba, pinaghirapan ko ata gawin yan para sa unica hija ko." ani Mama Rou. I twirled around again. Oo, wala talaga akong balak na um-attend ng prom night namin dahil alam ko kung ano ang aabutin ko don. Hindi ako sadista para saktan ang sarili ko lalo pa't sakit sa puso ang makukuha ko. Pagkauwi namin ni mama ay dumiretso ako agad sa kwarto at tinignan kung anong shoes ang bagay sa gown ko. Hindi ako kikay na babae pero masasabi ko na may sapat ako na kaalaman pagdating sa fashion, syempre all thanks to Mama Rou na siyang naggagabay sa akin pagdating sa pananamit. Kumatok si mama at binuksan ang pinto, nilingon ko sya. Nakangit siya na pumasok sa kwarto ko. "Excited ang dalaga ko?" nakangiting tanong nito. Ngumuso ako. " Hindi, ma. Inaayos ko lang mga gamit ko." sagot ko na kunwari inaayos nga ang mga sapatos ko. "Asus. Nag-deny pa. Here, look." inabot nito ang kahon na nasa likod nito. Nahiwagaan na inabot ko at binuksan. Tumambad sakin ang silver stilletos na sa tingin ko ay kapareha ng gown na ginawa ni Mama Rou. Namilog ang mga mata ko. "Siyempre, last prom mo na to kaya dapat bongga. Matagal na namin napag-isipan ng Mama Rou mo ang susuotin mo pati ayos mo sa prom night. We want you it to be the night you will always remember and cherish" Gusto ko mapaluha sa sinabi ni mama. Part of it is true, it will be one of the night that I think I will never forget. The night that will truly break my heart. Gusto ko ikwento kay mama ang nalaman ko. She is, after all, the only best friend I have. Nangilid ang luha ko. "Aww, my baby girl. Naiiyak ka ba sa tuwa? Don't worry, hanggang kasal mo paghahandaan namin ni Mama Rou mo ang susuotin mo." sabi ni mama sabay yakap sakin. Parang magic na nang niyakap ako ni mama ay biglang bumuhos ang luha ko. Lahat ng inipon ko na sama ng loob ng mga nakaraang araw ay biglang umalpas. Humiwalay sakin si mama at tumitig sa mukha ko. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko. "Tell me what's wrong, anak? Bakit ang ganyan ang iyak mo?" nangingilid na rin ang mga mata ni mama. Alam ko na weakness niya kapag umiiyak ako kaya nga noong bata ako, kapag umiyak ako ay binibigay agad ni mama ang gusto ko. Umiiyak ito kapag nasaktan ako. Labis na saya kapag masaya ako. Hindi ko masabi kay mama. Tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng luha ko. Puro iling lang ang nagawa ko. NIyakap lang ako ni mama at hinagod ang likod ko. Maya-maya ay narinig ko rin ang pagsinghot niya. Umiiyak na rin si mama, lalo tuloy ako naiyak. Naabutan kami ni papa sa ganong drama kaya agad naman niya kaming nilapitan. "Hon, what's wrong? Bakit nag-iiyakan kayo ng prinsesa ko?" hinaplos din niya ang likod ni mama. "Hindi ko alam bakit umiiyak ang anak mo. Naiyak nalang din ako kasi hindi siya nagsasalita." sumbong ni mama kay papa. Nang mga oras na yon ay nakita ko kung pano tignan ni papa si mama. Ayaw ni papa na umiiyak si mama kaya niyakap niya kami pareho. "Hush now my babies. Kayo talagang mag-ina, pareho kayong madrama." pang-aalo ni papa. "Wag na kayong umiyak, tell me what you want baby I'll get it for you." sabi ni papa. Umiling lang ako at kumalas sa yakap nila. Pinunasan ko ang mukha ko at huminga ng malalim. Tinignan ko ang parents ko. Hawak ni papa ang kamay ni mama habang nakaakbay naman sa balikat ang isang kamay niya. Their love story is one of the best stories I've ever heard. Paboritong kwento ni mama kung pano naghirap si papa bago niya ito pinakasalan. Naikwento rin ni papa kung paano binago ni mama ang buhay niya. Habulin ng chicks daw noon si papa pero hindi tinablan si mama ng charms nito kaya naman nahulog ang loob ni papa dito. Hindi rin naniwala si mama kay papa noong una na seryoso ito sa kanya, paano ay napaka-playboy daw ni papa kaya todo iwas si mama sa kanya. Ika nga ni papa, sa hinaba-haba ng prusisyon ay sa simbahan din ang kanilang tuloy. Pero sigurista si papa, sinigurado niya talaga na dala na ako ni mama nung kinasal silang dalawa. Ngumiti ako. True love do exist.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD