February 14.
Valentine's Day
and the much-await JS Prom Day.
"This is it, pancit." sabi ko habang nakatingin sa full-body mirror ni Mama Rou sa boutique nito. Dito na nila ako pinaayusan ni mama. Para lang sa prom ay nagsara muna si Mama Rou ng shop niya para daw makafocus sa pagpapaganda sakin.
"Oh my, mi bella. Ang ganda mo anak." nasa likod ko si Mama Rou at nakatingin sa akin. Naka-angkla sa braso niya si mama at nakamasid din. Pareho silang may ngiti sa mga labi, parang may nire-reminisce na di ko mawari. Para matigil sila sa pag-day dream ay hinawakan ko ang palda ng gown ko at umikot, sumabay ang buhok ko sa paggalaw ko. I feel like a princess waiting for his knight-in-shining-shimmering-splendid-armor.
There was a knock. Sabay-sabay kaming lumingon sa kumatok. It was Yoichi, dashing in a black tuxedo. Mukhang tinotoo nga nito na hindi sya nito bibiguin sa porma nito. He asked her the other day kung pwedeng sila ang maging partner sa prom night. Hind siya tumanggi, hindi na rin naman iba sa kanya ang kambal na Yoichi at Sachi. She was thankful nang tanungin siya nito na maging partner niya, she's scared na baka ang ending ay ang pinsan niya ang maging partner niya.
"Good evening po." bati ni Yoichi at lumapit sa amin. Nagmano siya kina mama at mama rou.
"Hijo, you look handsome in that suit of yours. Bagay kayo mag-partner nitong inaanak ko." wika ni Mama Rou.
Hinarap ako ni mama at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko. "You enjoy the party, anak. Don't be a wallflower, okay?" yun lang at hinatid na nila kami sa labas.
"Nasan si Sachi?" tanong ko kay Yoichi habang nasa byahe kami.
"Nauna na siya sa hall. Alam mo naman yun, maligalig." he said in a serious voice.
"Naninibago ako sayo, ang seryoso mo ngayon."
"Nandito na pala tayo, let me help you out." saad nito at nauna nang lumabas ng kotse. Kahit may kalokohan ay gentleman at may pagka-misteryoso ito minsan.
Naglakad sila papasok ng main hall. Marami nang tao pagdating nila at lahat ay posturang-postura. Nakaangkla siya sa braso ni Yoichi para hindi siya mawala. Sobrang kinabahan siya sa dami ng tao, hindi niya akalain na ganon pala karami ang batch nila. Napahigpit ang kapit niya sa braso ni Yoichi.
"You okay?" tanong nito.
"Not really, ang daming tao. Nakakaloka." halos pabulong na sagot ko sa kanya.
We found a table by the end of the hallway, far from the speaker. Nakakatrigger kasi ng migraine ko ang sobrang ingay. Hindi nagtagal ay nakita na rin kami nila Sachi, Van, Ryan and of course Akiro.
" Wow na wow na wow." exaggerated na sabi ni Ryan. I rolled my eyes in frustration. Kahit kailan talaga, napaka-OA ng pinsan kong ito.
"Haynaku, whatever Ryan." sabi ko na kunwari ay naiinis.
"aba, por que ang ganda ganda mo ngayon insan ganyan ka na ha." sinundot-sundot pa nito tagiliran ko para asarin ako.
"Ano ba? Can you please stop kahit tonight lang!" pinanlakihan ko sya ng mata dahil ayoko mawala ang poise ko lalo pa't ang ganda ko ngayon. Hindi naman sa pagmamalaki pero ang ganda ng pagkakaayos sakin. Ang mahaba ko na buhok ay alon-alon ang ayos na parang natural lang ang pagkaka-wave non, light lang din ang make-up na pinalagay ni Mama Rou para daw pa-tweetums ang effect. Nasa 3 inches lang din ang heels ko para hindi ako matapilok sa paglalakad.
"Hey dude. Stop. " saway ni Akiro dito. Pinagmasdan ko siya, he looks so handsome sa gray suit nito. Parang ang relaxed masyado ng aura nito ngayong gabi. Nasan si Aya? Bakit di sila magkasama? Is something wrong?
Hinawakan ako ni Yoichi sa siko at hinila paupo, "The program is about to start." he said. Nagpatianod nalang ako sa kanya, sumunod na rin ang mga kulugo samin. Pag-upo ko ay nahagip ng paningin ko si Carina. She's sitting alone kaya kinawayan ko siya, niyaya ko siya na lumipat sa table namin pero umiling siya. Nahihiya siguro? Siniko ko si Sachi.
"Sach, favor naman. Yung friend ko mag-isa dun, yayayain mo naman lumipat dito."
"May iba ka palang kaibigan bukod samin?" tanong nito, kunwari gulat.
Inambahan ko sya ng suntok. So unlady-like pero di ko mapigilan.
"Chill, joke lang. Sige sunduin ko na ang magandang binibini." tumayo ito at lumapit sa table ni Carina. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Carina sa paglapit ni Sachi. Tumingin siya sakin, ngumiti lang ako at nag-thumbs up. Di ko alam kung nagets niya. Maya-maya ay tumayo si Carina at kinuha ang nakalahad na kamay ni Sachi ngunit imbes na sa table namin sila dumiretso ay pumunta sila sa dance floor at sumayaw. Napanga-nga ako sa gulat. Hindi ko namalayan na ito na pala ang oras para sa pagsasayaw. Luminga ako, paparami na rin ang mga pumupunta sa dance floor para mag-sayaw. Ang bilis naman? May lumapit samin at hinarap si Yoichi. Kilala ko siya, siya yung palaging nakatingin kay Yoichi at nagpapadala ng pagkain. Masarap siyang mag-bake ng cookies. Pano ko nalaman? Sakin kasi nila binibigay ang ginagawa nitong pagkain, baka daw kasi may gayuma.
"Hi Yoichi." nahihiyang bati nito.
"Hello." walang siglang bati ni Yoichi. Kinuha nito ang baso sa table at uminom ng tubig. Mukhang kinabahan ata.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Feeling ko gustong makipag-sayaw ng babae kay Yoichi pero di niya ito matanong ng diretso. Deym! This girl needs some support.
Biglang lumapit sakin si Ryan, nakahalata din ang mokong. "Wag ka na choosy, ah. Buena mano na ako first dance mo." nakatayo ito sa gilid ko.
"Pano ba yan, pre. Hiramin ko muna date mo ha? Si ate muna isayaw mo." buyo ni Ryan kay Yoichi.
Tumayo na rin ako sa gilid ni Ryan. "Oo nga, okay lang naman sakin Yoichi. Sayaw muna kayo." segunda ko. Wala rin nagawa si Yoichi kaya tumayo na rin ito at inilahad ang kamay sa babae sa harap nito.
"Shall we?" he asked.
Kita sa mata ni ate ang saya ng tanggapin niya ang kamay ni Yoichi. Napatingin ako sa kamay nila, sana ako din..
Nakailang sayaw din kami ni Ryan bago kami bumalik sa upuan, ang kulit kasi nito. Hindi ko idedeny na gwapo ang pinsan ko at maraming babae ang nagkakagusto dito, kaya pala ako inaya sumayaw dahil nakita niya na may papalapit sa kanya. Ang bully talaga!
Sunod ako isinayaw nila Van, Sachi at Yoichi. Hanggang sa naging group dance ang nangyari dahil kinukulit ako ng mga kulugo. Hindi ko namalayan na hindi namin kasama si Akiro. Nang makapagpahinga saglit ay inunat ko ang mga paa ko, indeed this is one of the nights I will remember.
Nakayuko ako ng may dalawang pares ng sapatos na tumapat sa akin. Tumingala ako para alamin kung sino. Sandaling tumigil ang mundo ko dahil si Akiro nasa harap ko.
"Can I have this dance?" tanong niya, he gave me a shy smile. Pumailanlang ang pamilyar na kanta sa buong hall, tinanggap ko ang kamay niya at giniya niya ako sa may gilid ng dance floor. Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya, para akong nasa cloud 9 grabe. Hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang kaba at hiya.
"It's undeniable
That we should be together
It's unbelievable
How I used to say
That I'd fall never"
"Mukhang dadami ang magiging manliligaw mo after tonight ah." sabi niya, halos magkadikit na kaming nagsasayaw ngayon.
"Hindi siguro. Bukas babalik na naman ako sa pagka-ugly duckling" sagot ko.
"The basis is need to know
If you don't know
Just how I feel
Then let me show you now
That I'm for real
If all things in time
Time will reveal.. yeah..."
Natawa siya kaya napatingin ako sa kanya. Anak ng pating, labas na naman ang dimples niya.
"One...You're like a dream come true
Two... Just want to be with you
Three... Girl, it's plain to see
That you're the only one for me
And four... Repeat steps one through three
Five.... Make you fall in love with me
If ever I believe my work is done
Then I'll start back at one..."
Napatulala lang ako sa mukha niya. Kung pwede lang huminto ang oras ngayon, gusto ko ifreeze ang moment na to at titigan siya.
"It's so incredible
The way things work themselves out
And all emotional
Once you know what it's all about, hey
And undesirable
For us to be apart
I never would have made it very far
'Cause you know you've got the keys to my heart..."
We just danced in silence. Hindi sinasadya na nabangga ako ng pareha sa likod ko kaya napalapit ako lalo sa kanya, halos parang nakayakap na. Lumayo lang ako ng kaunti dahil nakakaasiwa na parang yakap yakap ko na sya.
"One...You're like a dream come true
Two... Just want to be with you
Three... Girl, it's plain to see
That you're the only one for me
And four... Repeat steps one through three
Five.... Make you fall in love with me
If ever I believe my work is done
Then I'll start back at one..."
Binasag niya ang katahimikan namagitan samin. "Jin, I need your help."
"Help?" napatingin ako sa kanya.
"Yes, it's about your friend... Ayanna."
"Say farewell to the dark of night, I see the coming of the sun
I feel like a little child whose life has just begun
You came and breathed new life into this lonely heart of mine
You threw out the life-line just in the nick of time.."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I think I know what will happen next.
"Sure, what about?" ngumiti ako para itago ang sakit na nararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko.
"I want her to meet the rest of the gang and to let them know that she's my girl. But she's running a bit late. Gusto niyang dito nalang kami magkita instead na sunduin ko siya. You see, I want to surprise her.
"One...You're like a dream come true
Two... Just want to be with you
Three... Girl, it's plain to see
That you're the only one for me
And four... Repeat steps one through three
Five.... Make you fall in love with me
If ever I believe my work is done
Then I'll start back at one..."
"Sure, I'll help you."
Deep inside my heart died.