XII

793 Words
When the song ended, I felt like my heart went along with it. I felt so numb. I don't know what to do. Inalalayan ako ni Akiro hanggang makabalik kami sa table namin. Nandun na rin ang kambal pati si Carina. I noticed Yoichi staring at me. Umiling ako, hindi ko kaya mag-entertain ng mga tanong ngayon dahil natatakot ako na baka mag-breakdown ako bigla. Umupo lang ako sa tabi niya at tahimik na uminom ng tubig. Out of my peripheral view, nakita ko na kinuha ni Akiro ang cellphone niya at biglang nagliwanag ang mukha. "Guys... I'll be back." sabi ni Akiro at umalis papuntang entrance. "Jin.." untag ni Yoichi. "Don't." umiwas ako ng tingin. I tried to act normal. But how odd, it seemed like they all know I am not happy. "Hey..." masuyong hawak ni Carina sa likod ko. Kinuha ko ang kamay niya at pinisil yon, she felt like the sister I never had. Ilang beses ako kumurap para pigilan ang mga luha ko. Hinagod niya rin ang balikat ko para aluin ako and I know I don't need to explain to her. Tumulo ang luha ko. "Hoooooooy! Ano'ng drama yan ha?" biglang sulpot ni Ryan. Iniwas ko ang mukha ko dahil ayoko makita niya ako na ganito. "Napuwing yung mata ko kaya pinapahipan ko kay Carina." sabi ko na kunwari ay napuwing talaga ang mata ko. Umakto din naman si Carina na hinihipan ang mata ko. Tahimik lang ang dalawang kambal na parang nakikiramdam sa mangyayari. "Sus. May palagay-lagay ka pa kasi nang false eyelashes kala mo naman kinaganda mo yan. Bat ba kasi kayo ganyan mga babae? Puro kayo kolorete sa mukha, di ba kayo nangangati sa mga nilalagay niyo?" mahabang litanya ng pinsan ko. Inikot ko lang ang mga mata ko. "Ganyan yan." sabi ko nalang kay Carina. Maya-maya ay nakita ko na papalapit si Akiro, naka-akbay sa braso niya si Ayanna. Shit. They looked so good together. Parang sinadya na terno ang suot nila. Naramdaman ko na naman ang kirot sa puso ko. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Carina. "A-ouch." Nakataas na ang kilay sakin ni Carina, pagtingin ko sa kamay niya ay namumutla na ito sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko. "Oopsies." sabi ko sabay bitaw sa kamay niya. Nakalapit na sa amin si Akiro at Ayanna. "Guys..." tawag niya samin. Lahat sila ay lumingon sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago lumingon. Kumaway sakin si Ayanna na halata ang excitement at saya sa mukha. I waved back. "Guys, Jin... and...?" tinignan niya si Carina. "Carina." pagpapakilala ni Carina sa sarili niya. "Carina." patuloy ni Akiro.  And with a smile, he looked at Ayanna lovingly. "I want to tell you this una palang but today we wanted to make it official. I want you to meet my girl, Ayanna." Tahimik kaming lahat. Kahit maingay ang paligid, parang may kuliglig ako na narinig sa tainga ko. Hindi ko alam kung may lahi ba ng pagka-sadista si Akiro pero ang sakit sakit na ha. Si Ryan ang unang bumasag ng katahimikan namin. "Is that for real?" nakita ko na naging seryoso ang mukha ni Ryan. Iba ugali nito kapag galit, mahirap pigilan. Alam niya kung ano si Akiro sa akin kaya bago pa siya magwala ay lumapit na ako kay Ayanna. "Di ko alam kung magtatampo ako sayo o magagalit, but I'm happy for you." I said and embraced her. "Girl, I'm sorry I kept it from you. Gusto ko muna makasigurado." she said happily. Why do I feel like I'm congratulating a newly wed couple? Tangina? "You look so beautiful." I smiled but I don't think it reached my eyes. May pagka-martir nga talaga ako, hayp na yan. "Ladies and gentlemen, we will be having our last dance for tonight. You can still enjoy dancing but we are going to end the program after this song." announce ng emcee. "May we?" pabirong tanong ng kambal sakin. I looked at the two of them, parehong nakalahad ang kamay ng dalawa sakin. "Paano?" I asked them. "E di group dance?" sagot ni Sachi. Natawa ako. Kahit papano ay gumaan ang loob ko. "Kung group dance yan, sali ako." sabi ni Carina sabay tayo at umabrisyete sakin. I think they are all trying to comfort me at this moment. Hindi ko na namalayan kung nasaan at ano na ang ginawa nila Akiro at Ayanna but I think nag-sayaw din sila na parang sila lang ang tao sa mundo. Sumama sa "group dance" namin si Ryan and pinagmasdan lang ako. I tried, with all my might, to act normal and happy. I laughed and danced. But deep inside, my heart is numb. When Yoichi asked if I wanted to go home, di ako nagpatumpik-tumpik pa. I said yes. I wanted to go home, to my comfort zone, to the safest place where I can cry my heart out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD