After that night, palagi na kasama ng grupo si Ayanna. I felt out of place all of a sudden. Parang di na ako belong. I felt like they don't needed me anymore. I felt so left out kaya I chose to stay away, ilang buwan nalang naman at graduation na namin.
Naglalakad ako palabas ng school nang biglang may umakbay sakin. Paglingon ko, si Yoichi pala.
"Hi Miss. Pwede ba makuha number mo?" biro nito.
Siniko ko sya sa tagiliran para lumayo ng kaunti. Sobrang lapit kasi nito sakin kaya nailang ako bigla.
"Hi mo mukha mo."
Kumalas siya sa pagkaka-akbay sakin habang tumatawa.
"Grabe ang sungit mo na. Hindi mo man lang ba kami namiss?" tanong nito.
"JINRYYYYYYYY" sigaw naman ng kambal nito na si Sachi.
Hindi ako nakapalag kaagad ng bigla ako nitong yakapin nang sobrang higpit.
Anong nangyayari sa kambal na 'to? Bigla-biglang sumusulpot.
"Teka. Teka. Teka." pagpumiglas ko sa yakap ni Sachi pero parang ahas na sobrang higpit ng pagkakalingkis sakin.
"Pag di mo pa ko pinakawalan sasapakin na kita" banta ko kay Sachi kaya bigla itong lumayo at nagtago sa likod ni Yoichi.
"Ikaw naman, Jin. Miss na miss lang kita kaya di ko napigilan na yumakap." sabay peace sign nito.
Pinanlakihan ko nalang sila ng mata at nagsimula ulit maglakad. Bigla naman silang bumuntot sa gilid ko na animo mga bodyguard.
"Jin, bat bigla ka nalang di sumasama samin? Di mo na ba kami mahal?" may pag-pout pa ng lips itong si Sachi.
"Ikaw naman Jin, di ka na mabiro. Pero seryoso, namiss ka namin."
Nagsimula na ako ulit maglakad papalabas ng school pero parang bodyguard na sumabay sa paglalakad ko ang kambal.
"Hindi ko kayo namiss kaya utang na labas. Tantanan niyo na ako."
Sa totoo lang, namiss ko ang sumama sa grupo nila pero simula nang gabi na iyon parang di ko na kayang makisalamuha muna sa kanila.
"Jin.." nilingon ko ang tumawag sakin, si Van.
Tumakbo papalapit samin si Van at umakbay din sakin.
"Huy, ano ba? Ang bigat ng braso mo." angal ko.
Sa halip na alisin ang braso niya, ginulo pa ni Van ang buhok ko lalo.
"Akala mo ganun ganun nalang yun ha. Bigla-bigla ka nalang hindi magpapakita samin."
Hindi ko alam kung maiiyak o matatawa sa nakuhang reaction nila. Selfish bang isipin ang sarili? Ayoko naman mag-mukhang plastic at magmukhang martir sa pagsama sa grupo nila. Hindi na uso ang martir sa panahon ngayon.
"Tigilan niyo nga ako sa kalokohan niyo." inayos ko ang buhok ko na ginulo ni Van. Tinalikuran ko sila at naglakad ulit palabas ng school.
"Tara libre ka namin isaw." sigaw ni Van.
Nilingon ko sila, nakapamulsa si Van samantalang nakatingin ang kambal dito. Oo nga pala, masyadong health conscious ang magulang ng kambal kaya hindi parin sila nakakakain ng street food. Ngumiti ako.
"Deal."
_______
Nakaupo kaming apat sa carinderia ni Aling Tonyang sa kanto ng bahay namin. Madalas ako umorder ng barbecue dito kapag gagabihin ng uwi sina mama o kaya kapag tinatamad silang magluto ng hapunan.
"Bakit ka umiiwas samin, Jin?" tanong ni Van.
"Dahil ba ka---" naputol ang sasabihin ni Sachi ng itaas ko ang kamay ko sa harap niya.
"Please, enough with the questions." iwas ko sa tanong nila.
"Naiilang ka ba na kasama sila kaya iniiwasan mo kami?" diretsahang tanong ni Yoichi.
Tinignan ko siya nang masama. Alam naman nila bakit nagtatanong pa sila?
"Alam niyo na di ako plastik." sagot ko. " And besides, masaya naman kayo e. Di niyo nga napansin na ilang linggo na ang lumipas." may himig ng tampo na wika ko. Totoo naman, ilang linggo din ang nakalipas matapos ang prom namin. Malapit na nga ang graduation namin, and honestly, I can't wait na maka-graduate at makalayo. Isang linggo ko rin iniyakan ang nangyari nung prom night. Ganon pala ang heartbreak, pigang piga ang puso mo.
Naputol ang katahimikan naming 4 nang dumating si Aling Tonyang.
"Aba Jinre, ang dami mo atang kasamang gwapo. Lahat ba yan ay manliligaw mo?" tanong ni Aling Tonyang na hinatid ang order naming isaw ng baboy, isaw ng manok at ulo ng manok at isang litro ng coke.
"Hindi ho Aling Tonyang, mga kaibigan ko lang ho sila." tanggi ko.
"Ako ho. Balak manligaw." Walang kalatoy-latoy na saad ni Yoichi.
Napatigil ako sa pagkain ng isaw at napatitig kay Yoichi. Ganon din ang reaction ng kambal nito na si Sachi at si Van.
"Hey bro, are you kidding?" tanong ni Sachi.
"Nilalagnat ka ata?" sinalat ni Van ang noo ni Yoichi.
Napanganga nalang ako sa sinabi ni Yoichi.
"If this is one your sick joke, please stop. Hindi ka nakakatuwa." sa gigil ko ay sinawsaw ko sa nang madiin ang isaw sa suka sa harapan ko.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Aling Tonyang sa mga lalaki sa harap ko.
"Aba'y kung manliligaw ka dito sa dalaga namin e ayus-ayusin mo, iho. Mabait na bata itong si Jinre at kapag ito'y umiyak ay malalagot ka sa akin." nakapamulsang saad ni Aling Tonyang.
"Hindi po ako nagbibiro, seryoso po ako." seryoso nga ang anyo ni Yoichi.
Napabuga si Sachi na umiinom ng coke sa sinabi ng kambal nito.
Tumitig lang ako kay Yoichi. Sinapian ba ito?
PInaglalaruan ba ako ng tadhana?