Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Yoichi. Kasalukuyan ako nakaupo sa labas ng bahay namin at nakatanaw sa kawalan. May bagong pinagkakaabalahan si mama dahil recently lang namin nalaman na buntis pala siya at magkakaroon na ako ng kapatid. Masaya ako dahil matagal ko na gustong magkaroon ng kapatid. Naiinggit ako kay Ryan noon dahil may kapatid siya na kalaro sa tuwing hapon kaya ako naiiwan sa mga manika ko.
"HOY!"
"Ay kabayong bakla!" sigaw ko.
Tawang-tawa si Ryan na lumapit sa tabi ko.
"Ano ba yan, insan, kanina pa kita tinatawag di mo man lang ako naririnig. Ano ba iniisip mo ba't sobrang lalim ata?" tanong nito. Tsaka ko lang napansin na may dala pala itong pagkain.
"Ano iyan?" tanong ko.
"Picture. Tititigan lang natin." pamimilosopo nito.
Nilingon niya ako para tignan ang reaction ko. Tinitigan ko lang siya ng masama sabay irap. Kahit kailan di ko pa to nakausap ng matino. Nangalumbaba ako sa harap ng mga halaman ni mama. Gulong-gulo parin ang isip ko sa revelation ni Yoichi.
"Ano ba kasi yang iniisip mo at kailangan mo pang tumunganga sa harap ng mga halaman ni Tita? Mamaya mamatay yang mga yan dahil sa mga titig mo." pang-aasar ni Ryan habang nilalantakan ang pagkaing binili niya sa labas.
"Iniisip ko lang yung sinabi ni Yoichi sakin kanina." sagot ko. Humarap ako sa kanya para makita ang reaction niya.
"Ano naman kalokohan sinabi sayo ni Yoichi? Alam mo namang puro kalokohan yung kambal na yun nagpapaniwala ka naman agad." sabi nito na hindi man lang tumigil sa kakakain.
"Don't talk when your mouth is full." saway ko dito.
"Dent telk when yer meth is fell." pang-gagatong pa nito.
Inirapan ko nalang siya. "Manliligaw daw si Yoichi." sabi ko.
Halos mabulunan si Ryan nang marinig niya ang sinabi ko. Naibuga rin niya ang kinakain niya kaya napalingon ako sa kanya. Hinagod ko ng mahina ang likod niya, baka mamaya masisi pa ako kung may mangyari pa dito sa kumag na to.
"Dahan-dahan lang kasi sa kain, para ka namang patay gutom." saad ko
"Dahan-dahan ka din sa press release mo. Ano'ng manliligaw?" pinunasan ni Ryan ang bibig na may mga butil ng kanin dahil sa pagkakasamid niya kanina.
"Si Yoichi nga raw, manliligaw." sabi ko. Umiwas ako ng tingin dahil di ko kaya kapag nakumpirma ko na pinaglololoko na naman nila akong magkakaibigan.
"Seryoso?" tanong ni Ryan.
"Oo nga." sagot ko.
"Di nga?" tanong ulit nito.
"Isa pang tanong mo, upakan na kita. Oo nga, seryoso daw sya sabi niya."
"Kelan niya sinabi?"
"Kanina lang habang kumakain kami kina Ali—” nagulat ako nang biglang tumayo si Ryan at walang sabi-sabi na pumasok ng bahay nila.
“Parang tanga to.” Bulong ko nalang sa sarili ko.
Naiwan ako sa harap ng mini-garden ni mama. Bumalik ako sa pagtitig sa mga halaman at nag-isip. Siguro dapat ko nang kunin ang alok ni Tita Girlie na mag-aral sa Canada. Bumuntong-hininga ako at tumayo pero laking gulat ko nang pagharap ko ay si Yoichi ang Nakita ko sa harap ko.
“Ay butiki!” napaatras ako bigla sa gulat kaya muntikan na ako matumba. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes ni Yoichi kaya nasalo niya ako agad.
“Hey, konting ingat naman.” Sabi niya habang salo-salo ako sa likod.
Umayos agad ako ng tayo at lumayo sa kanya. Hindi ko rin siya kayang tignan sa mata agad dahil nahihiya pa ako. My gulay! First time na may umamin ng feelings sakin tapos aakyat agad ng ligaw. Hind ko alam paano mag-react.
“Ganon ba ako kapangit para magulat at mapaatras ka? Nakaka-sakit naman ng damdamin.” Biro nito na may hawak pa sa dibdib na kala mo talaga nasaktan.
"Bigla-bigla ka kasing sumusulpot, parang kabute na ewan."
Natigilan ako ng bigla siyang ngumiti. Yung ngiting worth a thousand ship. Anak ng teteng, kelan pa to ngumiti ng ganito?
"Oy kumag! Halika nga rito." sabay kaming napalingon ni Yoichi kay Ryan. Nakatayo siya sa tapat ng pintuan nila at nakapamaywang. Seryoso rin ang mukha. Paglingon ko kay Yoichi ay kakamot-kamot na ito ng ulo.
"Sige, Jin. Usap muna kami ni Ryan. Maya na ako aakyat ng ligaw."
"Ha?" yun lang ang tangi kong nasabi.
Lumapit na si Ryan at humarang sa pagitan namin.
"Pasok sa loob." pagtataboy niya sa akin.
"Anong problema mo?" asik ko. Ang weird lang.
"Basta pasok ka na sa loob, wag kang lalabas." seryosong sagot ni Ryan.
"Ay wow, Maria Clara lang ang peg ganern?" pilosopo kong sagot pero sumunod na rin sa utos niya.
Well, whatever. Bahala silang dalawa mag-usap kung anuman ang pag-uusapan nila. Pero curious ako sa inasta ni Ryan, hindi naman siya ganon kay Yoichi dati pero parang nag-iba pakikitungo niya?
Nagkibit-balikat ako at dumiretso na sa kusina. Maghahanda nalang ako ng hapunan dahil gabi na makakauwi sina mama dahil may checkup siya ngayon kasama si papa.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ganito pala ang feeling kapag may nagconfess sayo na gusto ka nya no? Parang kinikilig na ewan. Hindi naman kasi ako yung tipo ng babae na ligawin kaya bago sa akin itong mga nangyayari.
Tumanaw ako sa bintana namin. Ito na kaya ang sign na dapat mag-bigay ako ng chance sa iba?
Who knows.....