XV

1061 Words
Maaga ako nagising kinabukasan, ako na ang nag-alok na mag-hain ng almusal tuwing umaga dahil hirap sa pagbubuntis si mama. Malapit na rin naman ang graduation namin kaya wala na rin namang masyadong gagawin sa school. Naglalapag na ako ng plato sa mesa nang may kumatok sa pinto. Tumingala ako sa orasan. 6:00 a.m. Napaka-aga naman mang-buwisit ni Ryan. Kadalasan bandang alas-siyete siya kumatok sa amin kung makikikain siya. " Kaw ba yan, Ry?" sigaw ko mula sa kusina. Pinakinggan ko kung sumagot siya pero wala. Kumatok lang ulit sa pinto. Nagkibit-balikat na muna ako. Bahala siya, alam naman niya kung saan nakalagay ang secret susi ng bahay namin bakit kailangan pa niyang kumatok.  "Jin." tawag sakin ng tao sa labas. Nagulat ako sa boses na narinig ko. NO!! It can't be.. Dali-dali akong pumunta sa pintuan para siguruhin na si Yoichi nga ang narinig ko at hindi guni-guni lang. Napadaan ako sa salamin sa sala at nakita ko ang itsura ko - walang kaayos-ayos ang itsura ko, walang suklay ang buhok at kamusta naman ang malaking print ng Hello Kitty! sa pajama na suot ko. Umiling nalang ako at tuluyang binuksan ang pinto. Hindi talaga ako makapaniwala nang tumambad sa harap ko si Yoichi na may dalang basket ng prutas sa isang kamay, isang bouquet ng bulaklak sa kabilang kamay at bag ng... PANDESAL?? "Good morning, sunshine." Yoichi gave me a dashing smile na lalong nagpatameme sa akin. Tumikhim ako. "Really? 6:00 a.m., Yoichi? Ang aga mo sisirain ang araw ko?" Aaminin ko, medyo masama ang loob ko kay Yoichi. Kung biro man ang lahat ng ito, hindi na nakakatuwa. I can't imagine na of all people, siya pa talaga ang mag-prank sakin ng ganito. For what? To save his friend? Ganoon ba talaga ako kasama sa paningin nila? Hindi natinag sa pag-ngiti si Yoichi kaya lalo akong nainis. "Ang aga mo namang nakasimangot. Smile, you look prettier when you smile." That's it. That's the last straw of my patience. "That's it. Get out, umalis ka nalang Yoichi. Sinisira mo umaga ko." Pinagdabugan ko sya ng pinto. He knows how much I hate being called pretty. I don't know but being called pretty means you're weak or kailangan mo nang magtatanggol or sasalo sayo every damn time. Well, I'm not a damsel-in-distress and I don't need anybody to save me. "Ang aga mo naman atang sungitan si Ryan?" narinig ko si Mommy na pababa ng hagdan kasunod ni Daddy na nakabuntot sa kanya. Nakamasid sa bawat hakbang ni Mommy si Dad, ingat na ingat. I felt a slight pang of envious. I hope someday ganyan rin ako, yung tipong takot na takot na masugatan or masaktan ako ng taong makakasama ko habang-buhay. Hinamig ko ang sarili ko. Ayoko ipahalata kay Mama na may dinaramdam ako, lalo ngayon na bawal sa kanya ang ma-stress. "Ang aga niyo naman po bumangon? Wala naman kayong pasok ngayon, Ma." bumalik na ako sa pag-aayos ng mesa. "Naamoy ko kasi bacon e. Nag-crave ako kaya ginising ko na rin daddy mo para sabay-sabay tayo kumain. Gusto ko makasanayan na natin yung ganito." saad ni mommy. "Don't worry kukuha ako ng makakasama niyo dito sa bahay para hindi mapagod ang mga prinsesa ko." hirit ni daddy. Muntikan kong maiikot ang mata ko sa titigan ng mga magulang ko. Parang ang bitter ko na talaga sa ganito. " O  bat nga pala di mo pinapasok dito si Ryan?" tanong ni Daddy. " Hindi naman po si Ryan yon. " balewalang sagot ko. " E, sino? " " Wala po, nag-aalok lang ng taho." sagot ko. " Taho? E, bandang alas-siyete pa dumadaan si Mang Berto dito sa atin. Ang aga naman niya ngayon. Teka baka nandyan pa siya." biglang tayo si mama, sa gulat ko ay pati ako napatayo. " Ma, wag na po. " awat ko kay mama. Ayoko makita niya si Yoichi sa labas. Kinabahan ako bigla. " Akala ko taho yung nasa labas? Gusto ko ng taho." dumiretso si mama sa pintuan. Kinakabahang sumunod nalang ako sa kanya, nakabuntot sa likod niya. " Bibilhan ko nalang kayo pagbalik ni Mang Berto, ma. Kainin niyo nalang yung bacon na niluto ko." pangungulit ko sa kanya. " Feeling ko hindi talaga taho itong nasa labas kaya ka ganyan, ano bang meron at-" natigil si mama nang pagbukas niya ng pinto ay nandun pa rin si Yoichi. Hawak-hawak ang mga bitbit na bulaklak, prutas at pandesal. " Good morning po, Tita." magalang na bati ni Yoichi kay mama. Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit di pa siya umaalis? Balak niya talaga panindigan yung prank niya? " O, nandito pala ang isa sa paborito kong kambal. Ang aga mo ata mapasyal dito?" takang tanong ni mama. Tsaka lang niya napansin ang bitbit ni Yoichi. "Dad..." tawag ni mama kay papa. "Yes, dear." sagot ni Dad kay mama mula sa kusina. "Magdagdag ka nga ng isa pang plato at may bisita tayo." sigaw ni mama. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Talaga ba? Iimbitahan niya mag-agahan si Yoichi dito sa bahay? No way! " Ah, hindi talaga dito ang pakay niya, Ma. Napadaan lang dito si Yoichi. Di ba?" pinanlakihan ko ng mata si Yoichi pero parang manhid na hindi makaintindi, lalo pa siyang ngumiti ng malapad. "Hindi ko po kayo tatanggihan si tita. Sa totoo lang po, para po sa inyo itong bulaklak at prutas na dala ko pati po itong mainit na pandesal. " abot ni Yoichi sa mga dala niya kay mama. Napanganga ako. Akala ko para sa akin yon? " Naku, napaka-sweet mo talagang bata. Para sa akin ba talaga ito?" tumingin sa akin si mama. "Opo tita. Mukha namang tatanggihan ako ni Jinry kaya hindi ko muna siya binilhan. " sagot ni Yoichi na hindi ko mawari kung natatawa na ewan. Sa inis ko ay nag-walkout nalang ako. Bumalik ako sa kusina at umupo sa pwesto ko. Kung paninindigan niya itong pangti-trip niya sakin, pwes hinding hindi ko siya uurungan! Narinig ko na silang papalapit ni mama kaya binilisan ko ang pagkain ko. "Hey, dahan dahan lang baka mabilaukan ka." puna ng damuho sakin. Hindi ko sya pinansin at tinuloy lang ang pagkain ko. Hindi ko talaga siya mapapatawad sa pagsira niya ng umaga ko. Nagmamadaling hinugasan ko ang plato ako at inayos ang baunan ko tsaka dire-diretsong umakyat ng kwarto ko. I don't have time for pranks like this lalo na sa umaga. I will make sure Yoichi will regret ever doing this to me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD