Pangsampung Kabanata
Isang Rey na bigo at mukhang matamlay ang kasalukuyang naglalakad patungo ng bahay ng matandang si Martha.sa pag-upo nito sa sofa ay gumuhit ang mukha na tulala at parang may malalim na iniisip kaya nakatingin sa kawalan.
"Kamusta? May nalaman ka ba?,"tanong ng matandang si Martha sa nanatili pa ring tulalang si Rey at sa pagtatanong nito ay napahawak ito sa ulo at napatungo na parang may panghihinayang.at mukhang alam na ng matandang si Martha ang nangyari kaya hinimas nito ang kanyang likuran at hinawakan ang balikat upang maibsan ang labis na pagkabigo na nararamdaman ni Rey. "Ayos lang yan, pasasaan ba't mahahanap mo rin ang kasagutan sa mga tanong mo,"turan ng matandang si Martha habang patuloy pa rin ang paghaplos sa likuran ni Rey at tila pati siya ay apektado sa mga nangyayari.
"Sana nga po tyang,sana nga po..."sagot ni Rey sa tiyahin at tsaka ito tumayo"magpapahingamuna po ako tyang"pagpapaalam ni Rey at kinuha ang mga gamit nitong dala mula sa bigong paglalakbay.
"Mabuti pa nga,magpahinga ka na muna at ipaghahanda na lamang kita ng hapunan"ani ng matandang si Martha kaya umakyat si Rey sa kanyang silid na may halong lungkot sa mukha na parang di maipinta ang nararamdan sa bawat hakbang nito sa hagdanan.
Sa paghiga niya sa kama muli niyang pinagnilaynilayan ang mga gumugulo sa kanya mula ng pagpaparamdam sa kanya ng kaluluwa ni Linda at sa kanyang pag-iisip ay di namalayan na nakatulog na pala ito mula sa pagkakahiga.
Isang babae na nakahawak sa kamay ng babae, magkasintahan na masayang nakaupo mula sa ilalim ng isang puno ng narra at walang sidlan ang ngit sa mga mukha ng isa't-isa habang masayang nag-iibigan ngunit malabo ang imahe at di makita ang mukha ng magkasintahan,mga ilang sandali ang lumipas ay nabalutan ang kalangitan ng dilim at pagkatakot na nagpabago sa napakagandang senaryo mula kanina.ngayon ay isang babae ang nakahiga,walang saplot na pambaba at duguan sa harapan ng lalaki habang hawak ang buong katawan nito na hinang-hina at animo'y unti-unting nalalagutan ng hininga ang babaeng duguan.ang lalaki ay umiiyak at nagmakakaawang huwag susuko ang babae ngunit huli na ang lahat,nawalan ng malay ang babae kaya unti-unti nitong pagpikit ng mga mata. Isang tinig ang umalingawngaw sa pagpanaw ng babae na tinatawag ng lalaki ang pangalan nito.umiiyak man ay wala na ring nagawa kaya itinapon nito ang bangkay ng duguang at wala ng buhay na babae sa balon.
"Rey! Rey!" Isang tinig ang narinig ni Rey mula sa kanyang pagkakatulog at sa pagmulat ng mata niya ay ang matandang Martha ang naaninag niya. "Rey,nanaginip ka ah? Ano bang nangyayari sa'yo at kanina ka pang umuungol habang tulog? May napanaginipan ka bang masama?,"usisa at nag-aalalang tanong ng matandang Martha sa pamangkin nitong si Rey.
"Wala po ito tyang,dala lang siguro ito ng pagod mula sa byahe"ani Rey.
"Sigurado ka?"tumango na lang si Rey upang hindi na mag-alala ang kanyang tiyahin at napag-isip isip di niyang hindi rin mauunawaan ng matandang Martha kung sakaling sabihin niya ang kanyang napagnaginipan.
Kinabukasan ay pumasok na si Rey sa pinpaasukan nitong resort at laking pagtataka niya ng makita niya si Andoy na nakatingin mula sa balon at tika may mabigat na dinaramdam mula sa pagkakahawak sa magkabilang dulo ng balon.
"Andoy?"bulong ni Rey sa sarili at nilapitan niya si Andoy upang malaman kung bakit ngayon lang niya nakitang nakaharap si Andoy sa balon.Ano nga kaya ang hiwaga sa katauhan ni Andoy at parang may misteryo sa pagkatao nito nang makilala niya si Andoy.
Sa paghakbang niya mula sa kinaroroonan ni Andoy ay napatigil siya ng makitang muli ang kaluluwa ni Linda sa balon at tila nakayakap ito kay Andoy at nakapulupot ang kamay ni Linda sa leeg ni Andoy.
"Bitawan mo siya! Bitawan mo siya!"sigaw ni Andoy ngunit sa isang iglap ay nawala ang kaluluwa ni Linda kaya nagkaroon na siya ng pagkakataon na lumapit kay Andoy na kasalukuyan pa ring nakayuko at nakahawak sa magkabilang dulo ng balon na tila nakatingin mula sa kailaliman nito.
"Ipaghihiganti kita,ipaghihiganti kita..."paulit-ulit na bulong ni Andoy na may galit sa mukha at mukhang desedido sa mga sinasabi nito kaya narinig ito ni Rey at muling napatigil sa paglapit nito kay Andoy.
Iniisip ni Rey kung ano ang koneksyon ni Andoy kay Linda kaya ganun na lamang ang kanyang pagkagustong tanungin si Andoy kung bakit yun ang paulit-ulit niyang sinasabi sa harap ng balon.anong mayroon kung bakit maging si Andoy ay tila nais maghiganti sa pagkamatay ni Linda.kung iisipin ay wala ni isang impormasyon si Rey mula sa pagkatao nito.si Andoy kaya ang makakasagot sa mga nangyari o isa siya sa taong maghihiganti sa pagkamatay ni Linda?
Ano nga kaya ang pagkatao ni Andoy at kahit si Rey ay nag-iisip mula sa kanyang pinagmulan?