Pangsiyam na Kabanata
Nanatiling palaisipan kay Rey ang lahat.mula sa pagkamatay ni Linda hanggang sa kasabay na pagkawala nag kasintahan nito. Sino nga ba ang kasintahan ni Linda? May kinalaman nga kaya siya sa pagkamatay nito kaya kahit ang kaluluwa ni Linda ay di matahimik.walang pagdadalawang-isip na inalam ni Rey ang lahat kaya pilit niya inusisa ang mga kapamilya ni Linda para malaman ang puno't dulo ng lahat at nalaman niyang taga-Bataan ang kasintahan ni Linda. Alam niyang malaking kahibangan ang ginagawa niya ngunit tulad ng sinabi ni Linda tanging siya lamang ang makakatulong sa kaluluwa nito kaya di na siya nag-atubiling hanapin kung saan naroon ang kasintahan ni Linda.
Sa paghahanap niya ay nakarating siya sa isang bayan ng Bataan kung saan nakalagay ang adress na ibinigay ng isa sa mga kamag-anak ni Linda. Isang bahay na bungalow ang narating niya at sa bahay na iyon ay maiguguhit ang katahimikan na hindi mo maunawaan kung kalungkutan o kapayapaan ang nanaig.
Pumasok siya sa bakuran ng bahay at isang matandang babae ang nakita niyang kasalukuyang nagwawalis ng mga nahulog na dahon mula sa isang malaking manggang nakatanim sa loob ng bakuran.may halong kaba at pagtataka ang mga hakbang ni Rey habang papalapit sa matandang nagwawalis.
"Manang, may kilala po ba kayong Andy Santiago?,"pagtatanong ni Rey dahil sa pagkakaalam niya ay Andy Santiago ang pangalan na ibinigay sa kanya ng tiyahin ni Linda na kasintahan raw nito. Tumunghay ang babae at may lungkot sa mga mata nito nang marinig niya ang malagom na boses ni Rey. Tila may kung anong pagkaawa sa damdamin ni Rey nung makita niya ang mukha ng matanda.
"Anak ko siya,ngunit wala siya dito"ganun na lamang ang panghihinayang ni Rey sa mga isinagot ng matanda.ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit may mga lungkot sa mga mata ng matanda sa mga binanggit nito.
"Ganun po ba? Pasensya na po pero alam ninyo po ba kung nasaan siya?"sa pagtatanong ni Rey ay may luhang pumatak sa mga mata ng matanda kaya nawala sa isip ni Rey ang pagtatanong at napalitan ng pag-aalala. "Manang,ayos lang ba kayo? May nasabi po ba akong masama?" nabitawan ng matanda ang walis kung kaya't hinawakan ni Rey ang matanda upang alalayan ito.nakakita siya ng isang bangko(mahabang upuan) sa tabi ng puno ng mangga at doon ito ay kanyang iniupo.
Nagkwento ang matanda sa mga nakaraan kaya ganun na lamang ang pakikinig ni Rey sa mga sinasabi nito."matagal nang panahon ng huli ko silang makitang magkasama ni Linda,pilit kong pinaghihiwalay silang dalawa ngunit wala akong nagawa.at ngayon ay hindi ko alam kung nasaan na ngayon si ang anak ko,kung kasama ba siya ni Linda o kung buhay pa ba siya"nananatili ang mga matang lumuluha sa matanda sa mga salaysay nito.unti-unting nanlumo si Rey na sa isip niya ay parang walang nangyari sa pag-iimbestiga niya sa pagkamatay ni Linda.
"Wala po ba kayong contact sa anak ninyong si Andy?patay na po kasi si Linda at kaya po ako naparito ay para alamin kung may kinalaman po ba ang anak ninyo sa mga nangyari?"nanlaki ang mata ng matanda at tila walang alam sa mga nangyari.hindi lubos maisip ni Rey kung tama bang sinabi niya iyon sa harap ng matanda.
"Patay na si Linda?papaanong nangyari iyon?tsaka pinagbibitangan mo ba ang anak ko?kung namatay man si Linda ay walang kinalaman ang anak ko sa mga nangyari!"may mga gumugulo sa isip ni Rey.bakit parang walang alam ito sa mga nangyari?
"Wala po akong pinagbibintangan,nais ko lang po malaman kung may alam ba ang anak ninyo sa mga nangyari.wala po akong masamang intensyon ang gusto ko lang po ay makatulong"pagpapaliwanag ni Rey sa matanda ngunit di pa rin naalis sa mga mata nito ang galit.
"Pasensya na pero wala akong maitutulong sa'yo kaya kung maaari lamang ay umalis ka na"pinagtulakan ng matanda si Rey papalabas ng bakuran niya at walang nagawa si Rey sa ginawa ng matanda na pagtataboy sa kanya.
Umalis na lang si Rey at walang nagawa...
Sumakay siya sa isang bus at doon ay nakatulog siya habang nasa biyahe.
Sampung kalalakihan,isang babae ngunit malabo ang imahe ng mukha nito ang pinagsasamantalahan. nakikiusap ang babae ngunit tila bingi ang mga lalaki na pinagpapatuloy ang pagsasamantala sa babaeng nakahiga at nanghihina.hiyawan at sigawan ang maririnig mula sa paligid habang ginagawa ang pagsasamantala.nagising si Rey mula sa mahimbing na pagkakatulog sa bus at parang binangungot pagkagising nito.
"Isang panaginip lang pala..."bulong ni Rey sa sarili dahil sa mga nakita niya sa kanyang panaginip.isang babaeng pinagsasamantalahan ng sampung kalalakihan.anong ibig ipahiwatig ng panaginip na iyon kay Rey at anong kinalaman nito sa paghahanap niya ng katarungan sa pagkamatay ni Linda?isa ba ito sa mga paraan para makita niya ang katotohanan. malikot ang isipan ni Rey sa panaginip niya at inisip niya kung isa ba ito sa mga sagot na gumugulo sa kanya?
Hindi namalayan ni Rey na nakarating na pala ang bus sa paroroonan nito kaya bumaba na siya na tulala at may iniisip.