Pangwalong Kabanata
Matapos ang ilang araw tila wala sa sarili si Rey sa nalaman niya, laking pagtataka ng amo niya na parang wala ito sa sarili kapag inuutusan niya ito...
"Rey!!!"tawag nh amo niya ngunit para siyang walang pakealam na nakatulala lamang mula sa kawalan..."Rey!!!"nilapitan niya ito ang tinapik sa balikat at nagulat na lamang si Rey sa ginawa ng amo niya...
"Sir...kayo pala,"sa wakas ay natauhan si Rey sa ginawa ng amo niya.
"May problema ka ba?"pagtatanong ng amo niya na kumunot ang noo sa pagtataka.
"Wala naman po..."tugon ni Rey.
"Bakit naman kanina ka pa tulala?"tanong ng amo niya.
"Ano naman yung iniisip mo?"muling pagtatanong ng amo niya.
"Sir, may itatanong lang sana ako kung di ninyo mamasamain,"lakas loob na pagkakasabi ni Rey.
"Sige, basta kaya kong sagutin eh...ano ba yun?"
"May kilala ba kayong Linda?"walang dalawang isip na pagtatanong ni Rey dahil sa gusto niyang masagot ang mga katanungang gumugulo sa kanyang isipan..
"Linda??"tila gustong alalahanin ng amo ni Rey ang lahat"ah!!oo, kilala ko na.siya yung dating service crew ko dito, mahirap ipaliwanag ang pagkawala niya dahil noong gabing bumaik ako dito para kamustahin siya ay inakala kong nakauwi na siya at maging ang pamilya niya ay nagtatanong din sa pagkawala niya..."ikiniwento ng amo ni Rey ang lahat
ANG NAKARAAN...
Bumalik ang amo ni Linda sa resort para kamustahin ang mga nangyari sa resort.ngunit aking pagtataka niya dahil kahit isang tao sa resort ay wala na siyang nakita
"Linda!!!"pagtawag ng matandang lalaki ngunit walang Linda na sumasagot sa kanya."Linda??!!!"inikot niya ang buong resort ngunit kahit anong sigaw niya ay walang sumasagot sa kanya.
"Nakauwi na ata si Linda..."sabi ng matandang lalaki na may-ari ng resort at nakita niya ang mga pinagkalatan ng mga lalaking bisita kaya siya na lamang ang naglinis nito."tutal naman bayad na naman ang mga bista,tama lang na umuwi na si Linda"turan ng matandang lalaki at sarili at tsaka ito umalis ng resort matapos ang mga ginawa niya at hindi napansin ang nakalutang na bangkay ni Linda sa balon...
KASALUKUYAN...
"Wala po bang nakakaalam kung saan siya nagpunta nung gabing iyon?"Parang pulis na nag-iimbestiga si Rey sa kanyang pagtatanong...
"Bakit parang interesado ka kay Linda at paano mo siya nakilala?"ani ng amo ni Rey.
"Wala naman sir, kapitbahay kasi namin yung pamilya kaya ko nalaman"sabi ni Rey na mahinahon dala na rin sa hiyang naramdaman niya sa pag-uungkat na ginagawa niya...
"Ah ganun ba?... sa pagkakaalam ko ay may kasintahan si Linda at sa pagkakaalam ko ay ikakasal na sana sila ngunit maging ang kanyang kasintahan ay nawawala rin"sagot ng amo ni Rey ngunit ang utak niya ay gulung-gulo pa rin sa nangyayari.
"Salamat sir sa mga sinabi mo..."tumango na lang ang matandang lalaki.
"Oh? Kumain ka na ba? Tanghalian na oh."tinuro ng matandang lalaki ang relo sa kamay nito.
"Ah!Oo nga pala, di pa nga sir eh..."sinabayan ng paghimas ni Rey sa kanyang tiyan para ipahiwatig na gutom na siya.
"Tamang-tama... may binili akong pagkain sabayan na ninyo ako ni Andoy,"pag-anyaya ng matandang lalaki sa kanyang mga trahador...
Gulung-gulo pa rin ang utak ni Rey sa mga nalaman at maging sa pagkain nilang tatlo ay yun pa rin ang iniisip niya, bakit nga ba siya ginugulo ni Linda? Anong tulong ang maaari niyang gawin para matahimik na ang kaluluwa ni Linda?