Pampitong Kabanata
"Rey! Gising!" Isang boses ang narinig ni Rey na nagpagising sa kanya mula sa pagtulog.pagmulat niya ay ang matandang si Martha ang nasa harapan niya.
"Tyang, anong problema?,"tanong ni Rey na nagpupunas pa ng mata bago tumayo.
"Naghahanap kasi ng tubero yung kapitbahay natin,eh ang sabi ko marunong ka kaya nirekomenda kita.huwag kang mag-alala babayaran ka naman nila eh"pagpapaliwanag ni Martha sa pamangkin niya kaya tumayo na si Rey para mahilamos.
"Sige po tyang ako na po bahala"pinunasan ni Rey ng tuwalya ang mukha niya at tsaka bumaba.
Pagpasok pa lang niya sa bahay ng nagpapaayos ng tubo isang malamig na hangin kaagad ang sumalubong sa kanya.ngunit ilang sandali lang ay may babaeng lumapit sa kanya.
"Ikaw ba yung pamangkin ni Martha?"tumango si Rey.
"Pasok ka"tinungo ni Rey ang mata niya sa buong bahay at isang litrato ang nakita niya,panlalaki ng mata niya sa nakita.hindi siya pwedeng magkamali sa nakita.ang babaeng nakaputi sa panaginip niya.
"Dito boy!"itinuro ng babae ang sirang tubo sa lababo,kaagad namang lumapit si Rey upang tingnan ang sira ng tubo.
"Ano po bang sira dito?,"tanong ni Rey habang pinipihit ang gripo.
"Walang tubig na lumalabas eh,"turan ng babae at pumasok naman sa ilalim si Rey para ayusin ang sira ng lababo. Kumuha siya ng liyabeng tubo at agad na binuksan ang loob.agad naman niya iyong naayos kaya laking pasasalamat ng babae.
"Naku, boy. Salamat ha!"
"Walang anuman po..."
"Ito yung bayad ko sa'yo"
"Naku! Huwag na kayong mag-abala pa."
"Hindi,tanggapin mo ito"iniabot ng babae ang sandaang piso kay Rey kaya wala na siyang nagawa dito dahil mapilit.
"Salamat po... sige po. Mauuna na ako,"pagpapaalam ni Rey at kinuha ang dala niyang gamit mula sa lababo.
"Sige! Hatid na kita,"tumango na lang si Rey at sumunod ang babae sa kanya. Ngunit hindi pa siya nakakaalis ay muli niyang napansin ang litrato sa lamesa.
"Sino po itong nasa litrato?"tanong ni Rey at kinuha ang frame para ipakita sa babae.at isang lungkot ang gumuhit sa mukha ng babae sa kanyang pagtatanong.
"Siya ang kapatid kong si Linda,matagal na siyang nawawala at hanggang ngayon hindi pa rin siya nahahanap"tumulo ang nagbabadyang luha sa mga mata ng babae ng sabihin niya ang mga salitang iyon.
"Ok lang ba kayo?"tanong ni Rey at hinaplos ang likod ng umiiyak na babae.at tsaka iniabot ang panyo sa kanyang bulsa.
"Ah,oo.okay lang ako"kinuha ng babae ang panyo ni Rey at tsaka ito ipinunas sa kanyang mga mata.
"ganun po ba?"
"Oo, hindi namin alam kung buhay o patay na siya...nakipagtanan kasi siya at di na muling bumalik pa..."lalong lumakas ang pag-iyak ng babae sa mga sinabi niya .
Ngayon ay alam na niya ang lahat nagulat man ay naguluhan pa rin siya sa nangyayari . May kung anong boses ang nagtatanong sa kanyang utak,bakit tila tinadhana ang mga nangyayari? Ang pagpapakita ng babae sa kanyang panaginip at ang nasaksihan niyang paghihiganti at ngayon ay ang nalaman niya tungkol sa babae na si Linda.