Pang-anim na Kabanata
Nagkaroon ulit ng mga bisita sa resort sa mga sumunod na araw pero di katulad ng dati,isang modelo ang naging panauhin sa resort.
"Hi guys ,I'm Gino!"bungad ng lalaking nagpakilala pagkatanggal ng kanyang shades at pagbaba ng kotse na ikinagulat ng lahat,ngunit sina Rey at Andoy ay walang emosyon nang makita si Gino.marahil ay hindi nila ganun kakilala ang bisitang dumating.
"Andoy,Rey!come here!"tawag ng may-ari ng resort sa dalawa kaya agad na sumunod sina Rey at Andoy sa kanilang amo"sila ang nakiusap sa'kin na gamitin ang resort for their photoshoot,at gusto kong kayo ang mag-asikaso sa kanila"tumango lang ang dalawa at pagkatapos noo'y tumulong sila sa pag-aayos sa equipment na gagamitin sa photoshoot mamayang gabi.
Habang hinihila ni Rey ang kurdon ay may kung anong hangin ang dumampi sa kanyang balat na nakapagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam.at halos ikatayo ng kanyang balahibo.
"Nakita na niya"turan ni Andoy mula sa likuran ni Rey na pinagtakhan niya kung ano ang ibig nitong sabihin.
"Anong nakita na niya?nakita nino?"tanong ni Rey at kitang-kita mula sa mga mata ni Andoy ang seryoso nitong pagtitig.
"Ang lalaking paghigantihan niya"ikinagulat ni Andoy ang mga sumunod na sinabi ni Rey.
"Nasaan?sino?"ulirat ni Rey sa sarili at palingon-lingon ito sa kung saan para hanapin ang lalaking tinutukoy ni Andoy.ngunit walang ano pa mang nangyayari mula sa kanyang paligid at ng ibaling na niya ang kayang tingin kay Andoy ay bumalik na ito sa kanyang ginagawa.
Kinagabihan ay sinimulan na ang photoshoot sa resort at mula sa gitna na pool ay nakapwesto si Gino sa tagiliran naman niya ay nakatayo ang isang ilaw na magsisilbing liwanag habang siya ay kinukunan.
"Ok Gino! Take your best shots!"sigaw ng isang photographer at nagsimula na itong pindutin ang camera niya. Walang kamalay-malay ang mga tao na unti-unting nalalagot ang pundasyon ng ilaw mula sa tagiliran ni Gino at bumagsak mula sa pool kaya laking gulat ng lahat at ito'y nakuryente dahil sa lakas ng boltaheng inilabas ng ilaw nang ito'y bumagsak.
"Tulungan 'nyo siya! Tulungan 'nyo siya!"paulit-ulit na sigaw ng may-ari ng resort ngunit walang sino man ang naglakas loob na tumalon para tulungan ang nanganganib ang buhay na si Gino dahil baka pati sila ay mapahamak sa kuryenteng dumadaloy mula sa tubig ng pool.mangisay-ngisay si Gino sa kalagitnaan ng pool at di alam na nakapaligid sa kanya ay isang babaeng duguan at nanlilisik ang mga mata ang nakaharap sa kanya at di siya maaaring magkamali sa nakikita niya.ang babaeng pinagsamantalahan niya ang unti-unting pumapatay sa kanya ngunit di niya magawang tumakbo dahil sa lakas ng boltaheng dumadaloy sa kanyang katawan. Bigla na lang lumubog mula sa ilalim ng pool ang babae at hinila si Gino pailalim na ikinagulat ng mga tao sa paligid at tsaka ito pinagsasakal.
"Papatayin kita!papatayil kitaaa!"rinig na rinig ni Gino ang sigaw ng babae mula sa isipan niya at tila galit na galit itong pinipilipit ang kanyang leeg sa sakal hanggang sa mawalan ito ng malay at mawalan ng buhay.at isang lalaki ang naglakas ng loob ang bumunot ng saksak sa ilaw kaya tumigil ang kuryenteng dumadaloy sa tubig ng pool ngunit huli na ang lahat. Lumutang ang bangkay ni Gino na dilat na dilat ang mata na ani mo'y may nakitang nakakatakot na bagay at agad namang iniahon ang bangkay ng lalaking modelo mula sa pool.
Maya-maya lamang ay dumating ang sasakyan ng ambulansya at pulis at isinakay ang bangkay ni Gino at dinala ito sa morgue.gulat at tulala pa rin ang lahat sa nangyari at walang sino man ang makapagsabi sa mga tanong mula sa pulis dahil maging ang mga taong nakakita sa pangyayari ay hindi makapaniwala sa mga naganap.sa simula pa lang kasi ay sinigurado na nilang maayos at ligtas ang lahat ng gagamitin nila ngunit sa isang iglap ay isang buhay ang nawala.
"Nakaganti na siya"bulong ni Andoy sa tabi ni Rey at may ngiting di maunawaan sa mga labi nito.
"Hindi niya dapat ginawa yun!"alam ni Rey na ang babaeng nasa panaginip niya ang kumitil sa buhay ng lalaki ngunit gusto niyang hadlangan ang mga balak nito.
"Wala ka nang magagawa"tipid na sambit ni Andoy at pumasok ito sa stock room.
Naiwan si Rey na nakatulala pa rin at di makapaniwala sa mga nangyayari at dahil doon ay nagdesisyo na lamang siyang mag-impake ng gamit at umuwi na lamang ngunit kapansin-pansin pa rin ang katahimikan sa balon sa gitna ng kaguluhan. Walang nakapansin sa babaeng nakaputi na tila masayang-masaya sa ngiti nito sa mga labi ngunit nanlilisik pa rin ang mga mata at paglabas ni Rey mula sa resort ay ramdam na ramdam niya ang hanging dumampi sa kanyang balat mula kanina.
Hindi ako pwedeng manatiling duwag sa mga nangyayari,kung talagang ako ang napili niya para tulungan siya ay papayag ako ngunit hindi sa ganitong paraan. ANG PUMATAY 'yun ang mga salitang tumatak sa isipan ni Rey nang malaman niya ang nais ng babaeng duguan at nakaputi sa kanyang panaginip.