Panglimang Kabanata

788 Words
Panglimang Kabanata           Isang babae ang nakahiga sa isang puting tuwalya at tila nagbibilad sa likod ng balon.             "Si-sino ka?"nang makita ni Rey ang babaeng nagbibilad sa arawan ay agad itong tumayo.             "Naku sir,I'm so sorry."             "Bawal ka dito...dun ka!"galit na pagkakasabi ni Rey sa babae.             "Opo sir, sorry po." Umalis agad ang babae at naiwan si Rey sa harap ng balon.             Nakatitig pa rin si Rey sa balon at maging ang kadiliman nito ay natinag ng kanyang mga mata at di natiis tingnan.             "Tulungan mo ako... tulungan mo ako..."rinig na rinig ni Rey na may kung anong boses mula sa balon.ngunit inisip na lang niya na guni-guni niya.             Kinahapunan ay nagsialisan na ang mga bisita ng resort.mga ala-singko ng hapon ay nagsimula nang magligpit ng kalat sina Rey at Andoy ngunit di pa rin maiwasan ni Rey na mapasulyap mula sa balon. Parang may kung anong pakiramdam sa utak niya na gusto niyang lapitan ang balon.             "Sino ka? Bakit mo ako ginugulo?,"paulit-ulit na tanong ni Rey sa kanyang sarili. Kaya nang lapitan niya ang balon halos manlaki ang mata niya sa nakita. Babaeng nakalutang at nakaputi.             "Tulungan mo ako... tulungan mo ako..."paulit-ulit na hagulhol ng babae.tumakbo si Rey papalayo at hinanap si Andoy ngunit wala siya sa paligid.             "Gising Rey,gising!"             "Aah!"Napabalikwas si Rey sa kinahihigaan at nagising mula sa isang panaginip.             "Rey! Nanaginip ka!,"pagpapatuloy ni Andoy pagkagising ni Rey.             "U-uuwi na ako"pagpapaalam ni Rey kay Andoy.             "Sige, mabuti pa nga."             Pagkauwi ni Rey hindi niya lubos maisip ang mga nangyayari sa kanya. Sino ang babaeng yun?bakit ba niya ako ginugulo? Muling napaisip si Rey at ginunita ang mga nangyayari sa kanya.paulit-ulit ang panaginip niya sa babaeng nakaputi at duguan.             "Rey,ayos ka lang ba?"tanong ng matandang tiyahin ni Rey na si Martha habang naghahapunan.             "Opo tyang,ayos lang ako"             "Pero bakit kanina ka pa tulala,may sakit ka ba?"idinampi ng matandang si Martha ang kamay niya sa leeg at noo ni Rey sa pag-aakalang may sakit ito.             "Wala tyang,matutulog na ako"tugon ni Rey at dumiretso sa banyo upang magsipilyo.             Habang nagsisipilyo si Rey ay nakatingin siya sa salamin at lababo.at nang yumuko siya para iluwa ang laman ng bibig niya ay laking gulat na lamang niya ng maaninag niya sa salamin ang isang babaeng nakaputi at nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kanya pagtunghay niya.             "Sino ka?"agad lumingon si Rey ngunit biglang nawala ang babaeng nakaputi at agad siyang pumanhik sa kwarto para matulog at di na lang pinansin ang nangyari.tila walang pakealam si Rey sa mga nangyayari at ganun na lamang ang pagsasawalang bahala niya sa pagpapakita ng babaeng nakaputi sa kanya.             Matutulog na sana siya ngunit pagkahigang-pagkahiga pa lang niya sa kama muling nagpakita sa kanya ang babaeng nakaputi at duguan na nakalutang mula sa nakabukas at napakalaking bintana ng kwarto ni Rey.             "Hindi mo ako matatakasan!kailangan mo akong tulungan!"galit na galit at nanlilisik ang mga mata ng babae at unti-unti itong lumalapit sa puwesto ni Rey.             "Sino ka ba?anong kailangan mo?lumayo ka!lumayo ka!"nahulog mula sa kama niya si Rey at napasandal na lang itong nakaupo mula sa pader ng sulok ng kwarto niya.humangin ng pagkalakas-lakas sa kwarto ni Rey at nang magtatangka nang lumapit ang babae kay Rey ay agad niyang ihinarang ang braso niya at yumuko para protektahan ang sarili mula sa nakapanghihilakbot na tingin ng babae.ngunit maya-maya lamang ay nawala ang malakas na hangin at nanatili lamang si Rey na nakayuko sa sulok ng kwarto niya.             "Rey. Anong nangyari!"pag-aalalang tanong ni Martha ng pumasok siya sa kwarto ni Rey dahil rinig na rinig niya ang sigaw ni Rey mula sa tinutulugan niyang kwarto.             "Wala 'to tyang.matulog na kayo"             "Sigurado ka?"tumango na lang si Rey na nagsilbing tugon sa pag-aalala ni Martha.             Buong tapang na tumayo si Rey at muling humiga sa kanyang kama at pinagpatuloy na lamang ang pagtulog niya.ngunit hanggang sa panaginip niya'y yun pa rin ang boses na naririnig niya.boses ng babaeng humihingi ng tulong.             "Tulungan mo ako... parang awa mo na..."umiiyak na sambit ng babae sa panaginip ni Rey at napamulagat na lang siya nang maramdaman niya ang isang liwanag at napansin niyang umaga na pala kaya agad siyang bumangon para pumasok sa trabaho.             "Hindi ka makakatakas.ikaw ang napili niya,ikaw lang Rey.ikaw lang"salubong ni Andoy kay Rey pagpasok nito sa stock room.at alam ni Rey ang pinapahiwatig ng mga salita ni Andoy.             "Bakit ako? Tsaka sino ba siya? Bakit niya ako ginugulo?"             "Dahil ikaw lang ang may lakas ng loob para harapin siya,ikaw lang"             "Bakit hindi na lang ikaw Andoy?"pagtatanong ni Rey.             "Hindi ako karapat-dapat dahil wala akong lakas ng loob para harapin siya"             Alam ni Rey na kailangan niyang tanggapin ang nakatadhana sa kanya kaya ganun na lang ang kanyang pag-iisip niya kung tama bang tulungan niya ang babaeng duguan?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD