Pang-apat na Kabanata
Isang kadiliman ang nababalot sa resort nang gabing iyon at tanging bumbilya ng isang cottage lamang ang nagsilbing liwanag.si Rey lang ang naiwan sa resort na pinagpatuloy ang paglilinis sa mga kalat ng mga bisita.habang pinupunasan niya ang lamesa isang malamig na hangin ang dumampi sa kanyang balat na nagpatayo ng kanyang balahibo kaya saglit siyang napatigil sa kanyang ginagawa at napatingin sa paligid.at nang ipinid niya ang kanyang tingin sa balon isang babaeng nakaputi ang kanyang nakita ngunit ito ay nakatalikod at tila titig na titig sa balon.
"Babae? Anong ginagawa niya dito?"pagtatakang sambit ni Rey na ang buong pag-aakala ay wala na kahit isang bisita ang naiwan sa resort na yun.
"Huhuhuhu..."rinig na rinig ni Rey ang iyak ng babae kaya sa labis na pag-aalala ay nilapitan niya ang babae.
"Miss may problema ba?"pag-aalalang tanong ni Rey.
"Papatayin ko sila!papatayin ko sila!"laking gulat ni Rey nang humarap sa kanya ang babaeng duguan na nanlilisik ang mga mata at tila may gustong kitilin ang buhay.
"Si-sino ka?a-anong ginagawa mo dito?"napahiga si Rey sa sobrang gulat at paatras na lumayo sa babaeng duguan na nakaputi.
"Papatayin ko silaaaa!"sigaw ng babae na akmang sasakalin si Rey ngunit ihinarang niya ang kanyang kamay.
"AHHHH!" Bumalik si Rey sa realidad na habol hiningang napatayo sa kanyang kinahihigaan at natauhan sa isang panaginip na halos maligo sa sariling pawis dahil sa mga nakita niya.
"Isang panaginip lang pala"sambit ni Rey at napaisip sa kung anong ibig sabihin ng kanyang panaginip.
Hirap man bumangon ay pinilit niyang tumayo sa kanyang kama upang uminom ng tubig sapagkat nakaramdam siya ng matinding uhaw nang gabing iyon.kaya bumaba siya at pumunta sa kusina para kumuha ng isang basong tubig naglagay siya ng pitsel sa lamesa tsaka kumuha ng baso at habang umiinum siya isang mabagal hakbang ng isang nilalang ang narinig niya mula sa kanyang likuran kaya dagli siyang napalingon.
"Sino yan?" Isang pinid ng pinto ang narinig niya na pakiwari niya'y may lumabas na tao kaya kahit madilim sa salas ay pilit siyang lumabas mula sa kusina para tingnan kung sino ang taong lumabang ngunit wala siyang nakita at laking pagtataka niya dahil nakasarado ang pinto ngunit wala naman siyang narinig na pagsasara mula rito. Kibit-balikat na lang ang reaksyon niya kaya umakyat na lang siya sa kwarto niya para matulog ngunit isang pangyayari ang lalong nagpalakas ng kabog ng dibdib niya nang humiga siya sa kama.
"Tulungan mo ako... tulungan mo ako..." Isang tinig ng babae ang narinig niya ngunit wala siyang nakikitang sinoman sa paligid niya. Nakapanghihilakbot ang mga tinig na naririnig niya dahil unti-unti itong lumalakas.
"Sino ka?! Magpakita ka?!" Takot man ay lakas-loob na sumigaw si Rey sa pag-aakalang lalabas ang isang nilalang na humihingi ng tulong sa kanya ngunit biglang nawala ang tinig na narinig niya at hirap man ay pinilit ni Rey na ibalik ang kanyang sarili sa pagtulog.
Kinaumagahan pagdating niya sa resort sinalubong siya ng mga nagkakasiyahang mga bisita at dahil umaga naman wala siyang aalalahanin kung sakaling may malasing man ngunit ang higit niyang inaalala ay ang mga nangyari noong isang gabi. Papunta na sana siya sa stock room para magbihis ngunit una niyang napansin ang balon at muli niyang naalala ang kanyang panaginip pero walang imik lang siyang naglakad patungo sa kanyang paroroonan.
"Nagpakita na siya sa panaginip mo."walang halong pagtatanong sa mga mata ni Andoy nang sinabi niya yun kay Rey habang nagbibihis siya.
"Anong ibig mong sabihin?"alam ni Rey ang iniisip ni Andoy tungkol sa babaeng duguan ngunit ayaw na niyang maalala pa ang panaginip na iyon.
"Hindi mo siya matatakasan at kahit pilitin mong iwaglit sa isip mo ang panaginip mo wala kang magagawa kung hindi sumunod sa mga kahilingan niya at kung wala kang gagawin para tulungan ang babaeng iyon isa-isang mamamatay ang sinuman sa mga bumibisita dito"tila may pagbabanta sa boses ni Andoy.
"Wala akong alam sa mga sinasabi mo pare, pero kung anuman yan wala na akong pakealam sa mga sasabihin mo kaya pakiusap lang tigilan mo na lang yan."Inisip na lang ni Rey na ugali ni Andoy iyon at hindi na lang pinansin ni Rey tsaka lumabas na lamang upang magbantay at magmasid sa mga bisita sa loob ng resort mag sampung kabataan ang nakikita niya at halos lahat ay mga menor-de-edad sa tingin niya.
Habang tumitingin siya sa paligid hindi niya napigilang tumingin sa balon at nakaramdam siya ng tila may kung anong nilalang sa tabi ng balon dahil isang puting telang gumagalaw ang nakita niya mula sa likuran nito kaya marahan niyang nilapitan ang likod ng balon .walang halong takot at nilapitan niya iyon.at bigla siyang nagulat sa mga nakita niya.
"Si-sino ka?"Nanlaki ang mga mata ni Rey sa nakita.