Kabanata 23

2019 Words

Tatlong araw ng napapansin ni Eugene ang kakaibang pakikitungo sa kanya ni Laurene.Parang iniiwasan siya nito.Lagi na rin itong nasa silid niya kaya hindi malaman ni Eugene ang nasa isip nito. Hindi na rin naman kinukulit ni Eugene si Laurene dahil abala siya sa kanyang kompanya.At isa pa, minsan late na siyang umuuwi dahil mga trabahong kailangang tapusin. Isang umaga habang paalis na si Eugene ay nakasalubong niya si Laurene sa hagdanan.Nginitian siya nito pero nababasa niya sa mga mata nito ang kalungkutan.Agad niya itong niyakap at gumanti rin ito ng yakap sa kanya. “Kumusta naman ang gising ng aking kaibigan?” tanong ni Eugene habang hinahawi nito ang buhok ni Laurene.Hinayaan lang siya nitong ayusin ang buhok nito. “Ayos lang.Teka lang, papasok ka na ba?" tanong naman ni Laurene

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD