Kabanata 1
“No! Hindi ako makakapayag sa gusto n'yo!” Pasigaw na saad ni Eugene sa kanyang mga magulang.Alam niyang hindi siya titigilan ng mga ito pero hindi siya makakapayag na ipapakasal sa kung sinumang babaeng nagugustuhan ng mga ito para sa kanya.
“Kahit umayaw ka pa ay wala ka ng magagawa pa, Eugene. Huwag na huwag mo kaming pagtataasan ng boses mo at baka nakakalimutan mo na kami ang mga magulang mo!" Wika ng kanyang ama.Titig na titig ito sa kanya kaya napayuko na lamang ng ulo si Eugene.
Ayaw niyang maging bastos sa harapan nito pero pakiramdam niya wala siyang karapatan na magdesisyon para sa sarili niya.Naging mabuti siyang anak pero heto pa ang mangyayari sa kanya.Tumayo siya at direktang nakakatitig sa mga mata ng kanyang mga magulang sabay iling tsaka niya ito tinalikuran.Naririnig niya pa ang pagtawag ng kanyang ina sa kanya pero hindi na niya ito nilingon pa.
Hindi na nito nirespeto kung ano man ang desisyon niya sa buhay.Napapailing na lamang si Eugene habang papunta sa nakaparada niyang big bike.Gusto niyang puntahan ang mga kapatid niya pero abala ito sa mga kani-kanilang buhay kaya naisipan niyang pumunta na lamang sa bar para mag-inom.
Habang binaybay niya ang daan at tahimik na nag-iisip kung paano niya matatakasan ang papalapit niyang kasal ay nahagip ng kanyang paningin , ang isang tibo sa gilid ng kalsada.Abala ito sa inaayos nitong nasirang sasakyan kaya inihinto niya ang kanyang big bike.
Hinagod ng kanyang tingin ang kabuuan ng tibo at napaawang ang kanyang labi dahil napakagwapo nitong tingnan at hindi mapagkakailang maganda ito kung tutuusin kahit pa lalaking-lalaki ito kung gumalaw.Napadako pa ang tingin niya sa dibdib nito kaya napapailing na lamang siya sa kanyang naisip dahil umandar na naman ang kanyang kapilyuhan.
Nang maiparada niya ang kanyang big bike nang maayos ay kaagad niyang nilapitan ito.Abala pa rin ito sa pag-aayos ng sasakyan nito kaya tumikhim na lamang siya para maagaw niya ang atensiyon nito.
Nilingon siya nito at kita niya ang mukha nitong pawisan.
"Kanina ka pa dito, pre? Ano'ng naging sira ng sasakyan mo at baka may maitulong ako sa 'yo?"
"Alternator, pre.Bigla na lamang tumirik ang sasakyan ko." Sagot nito pero lihim siyang napangiti dahil pilit nitong pinapalaki ang boses nito.Hindi na siya nagdalawang-isip pa na tulungan ito.
Matapos ang dalawang oras ay natapos na rin at naayos na rin ang sasakyan nito.Nagpasalamat ito sa kanya at akma na itong aalis pero bigla niya itong pinigilan.
"Baka gusto mong sumama sa akin mag-inom,treat ko?" Tanong niya kaya kahit nakitaan niya ito ng pag-alinlangan ay tinanggap naman nito ang paanyaya niya.Gusto niyang may makausap sa ngayon dahil parang mababaliw na yata siya sa kakaisip kung paano masulosyunan ang problemang kinakaharap niya ngayon.
Hindi nagtagal ay nakarating na nga sila sa bar gamit ang kani-kanilang sasakyan.Kaagad na rin silang pumasok sa loob at umukupa kaagad sila ng puwesto.
“Oo nga pala pre, ano nga ulit ‘yong pangalan mo?” sabay tungga ng kanyang iniinom na alak.
“Laurenz pre, ikaw?”
“Eugene pre, kinagagalak kitang makilala.” Sabay lahad ng kanyang palad dahil kanina lamang ay hindi sila nakapagpakilala sa isa’t isa.Tinanggap nito ang kanyang kamay pero nagulat siya nang may maramdaman siyang kakaiba kaya hindi niya alam kung ano magiging reaksyon niya kaya ngumiti na lamang siya.
Nagdaan pa ang ilang oras at nakakailang bote ng alak na rin sila at dito napansin ni Eugene na madaldal pala ito.At sa tuwing hinahawi nito ang buhok ay lumalabas ang angking kagandahan nito.
“Alam mo, kung hindi mo lang ako nakita at natulungan kanina ay baka aabutin na ako ng gabi roon.Mahigit limang oras na kaya ako roon.” Kwento nito habang namumungay na ang mga mata nito.Nagulat din siya nang biglang mapadako ang kanyang tingin sa nakaawang nitong labi.Yung tipong kay sarap halikan.Naipilig niya ang kanyang ulo dahil kung ano-ano na lamang ang pumapasok sa kanyang isipan.Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na siya isa siyang matinik pagdating sa mga babae hindi nga lang halata dahil masyado siyang pribado pagdating sa personal niyang buhay.
Siya si Eugene Wong,isang half korean at isang businessman.29 years old,mayroon siyang architectural firm,introvert,masungit at umaapaw ang taglay nitong kagwapuhan.Madiskarte sa buhay at responsableng anak.Maraming babae ang gusto siyang mapangasawa dahil bukod sa gwapo ito ay nagmula sa mayamang pamilya.Pero si Eugene ay hindi interesado sa mga ganoong bagay dahil wala pa ni isang babaeng nagpahook sa kanyang mailap na puso.
Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na nakahawak na ang kamay niya sa pisngi ng kanyang kainuman.
"Mabuti na lang at nadaanan kita kundi baka doon ka na matutulog,” biro ni Eugene at kaagad niyang binitawan ang pisngi nito.Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nawawala sa tamang huwisyo.
“Ginagawa mo, Eugene?” Tanong nito sa kanyang sarili.
Tumawa lang itong si Laurenz sa biro niya kasabay ang biglang pagyukyok ng ulo nito sa mesa.Tinapik niya ito pero hindi na ito nagising pa.Hinayaan na lamang niya itong matulog at ipinagpatuloy niya ang pag-inom habang ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa kanyang kainuman na ngayon ay mahimbig na itong natutulog.
“Eugene! Laurene!” Sigaw ng mga taong nasa labas ng unit ni Eugene.Biglang nagising si Eugene sa lakas ng katok sa pintuan ng kanyang silid.Babangon na lamang sana siya nang may naramdaman siyang hitang nakadagan sa kanyang tiyan.Pagbaling niya sa kaliwang bahagi ng higaan ay bumungad sa kanya ang isang mukha na napakaamo.Kumunot ang kanyang noo at bigla na lamang nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagsino ito.
Napabalikwas siya ng bangon at kaagad siyang nagsuot ng boxer at short.Hindi niya pinansin ang mga taong panay ang katok sa pintuan dahil nakatitig lamang siya sa taong mahimbing na natutulog sa kama niya.
"Ano'ng nangyari kagabi? Bakit kasama ko siya dito? May nangyari ba sa amin?” Sunod-sunod na mga katanungan ni Eugene sa kanyang sarili habang nakahawak siya sa kanyang labi.
“Buksan mo itong pinto,Eugene! Alam namin na kasama mo si Laurene!” Sigaw ng isang ginang sa labas ng pintuan.Lalong kumunot ang noo niya dahil sa pagsigaw nito.
“Sinong Laurene?” Tanong ulit niya sa kanyang sarili.Nagulat na lamang si Eugene nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang silid.Tumambad sa kanya ang kanyang mga magulang at ang dalawang taong medyo may edad na rin pero ngayon pa lamang niya nakita.
“Nasaan ang anak namin, Eugene? Nasaan si Laurene?” Nakatikwas ang isang kilay ng ginang.Nakakunot pa rin ang noo ni Eugene dahil sa hindi niya malaman kung ano ang mga nangyayari kagabi.
"Excuse me? Sino’ng Laurene ang pinagsasabi ninyo at isa pa, sino kayo?” Nakapamulsang tanong ni Eugene pero nagtinginan lamang ang kanyang mga magulang at ang dalawang taong kasama nito.
“Ako nga pala si Jenevel Viñal at itong asawa ko ay si Chelo Viñal.Kami ang soon to be mga biyenan mo at kaya kami nandito dahil hinahanap namin ang anak naming si Laurene.” Nakangiting wika nito kaya nanlaki ang mga mata ni Eugene.
“Wait–Mom! Talaga bang itutuloy n’yo na talaga ang plano?” Naguguluhang tanong ni Eugene.
“Oo anak,” Nakangiting sagot ng kanyang ina kaya napasabunot na lamang si Eugene sa buhok niya.
“Pero bakit nila hinahanap sa akin ang anak nila? Ni hindi ko pa nga siya nakikita?” Nakasimangot na wika ni Eugene.
Nanlaki bigla ang mga mata ng mga magulang niya pati na ang mga soon to be mga biyenan niya raw.Nagtaka naman si Eugene sa mga naging reaksyon ng mga ito dahil nakatalikod siya sa kama.
”Oh my God! Yung anak natin, Chelo!” Pasigaw nitong saad sabay turo nito ng kanyang daliri sa kama kaya parang biglang kinabahan si Eugene sa sinabi nito.
Dagli itong lumapit sa kama kaya sinundan ng tingin ni Eugene ang ginang.
“Siya si L-laurene?” Nakanganga niyang tanong dahil hindi siya makapaniwala.
“Oo anak,siya si Laurene.Siya ang fiancée mo,” sagot ng kanyang ina.
"What the–seryoso? Siya ang babaeng tinutukoy n'yo sa akin? Nagbibiro ba kayo, eh kita n’yo naman na tibo yan!”
“Kung makapagsalita ka diyan , Eugene ay parang walang nangyari sa inyo.Kita mo itong anak ko ,walang salawal.Mabuti na lang at nakabalot siya ng kumot.”
Natigilan naman si Eugene sa kanyang narinig.Ano ba kasing nangyari kagabi? Bakit wala akong maalala na may nangyari sa aming dalawa?
“Hindi ako papayag na hindi mo pananagutan ang anak namin.Sa ayaw at sa gusto mo, tuloy ang kasal.Balae, maaari bang lumabas muna kayo dahil bibihisan ko lang si Laurene.Masyadong pinagod yata ng magiging manugang ko ,ang anak namin kaya hanggang ngayon ay tulog pa rin.” Nakangiting wika nito kaya nauna ng lumabas si Eugene dahil sa inis.
Naiinis siya dahil pakiramdam niya naisahan siya ni Laurenz o Laurene.Sa pagkakaalam niya ay inuwi niya si Laurenz sa condo niya dahil hindi niya alam kung saan ito nakatira at lalong hindi siya napatol sa tibo.
Nagtatangis ang mga bagang ni Eugene dahil baka pinagkaisahan siya ng mga taong nakapalibot sa kanya.Pero bakit kailangang pumayag ni Laurenz sa gusto ng mga magulang nito kung ang puso nito ay isang pusong lalaki? Naguguluhan na si Eugene sa mga nangyayari at kahit gustuhin man niyang magwala ngayon ay nangingibabaw pa rin ang respeto niya sa kanyang mga magulang.Huwag lang talagang malalaman niya ang totoo na pinagkaisahan siya dahil iba siya kung magalit.