Si Laurene aka “Laurenz” Viñal ay isang acrylic painter.Isa siyang tomboy at feeling pogi sa kanyang sarili.Nag-iisang anak at palaban.Habang abala siya sa pagiging painter ay nagulat siya ng ipapakasal siya sa isang lalaking hindi niya kilala.Umalis siya ng bahay para takasan ang pangungulit ng kanyang mga magulang.Hanggang sa may tumulong sa kanya na isang lalaki na ang pangalan ay Eugene habang inaayos niya ang kanyang sasakyan.Hindi nagtagal ay niyaya siya nitong mag-inuman silang dalawa sa isang bar.Nalasing sila pareho at may nangyari sa kanilang dalawa.Kinabukasan ay nagising na lamang si Laurene na hindi makapaniwalang, ginalaw siya ng lalaking nakainuman niya.At isa pa, nagulat siya dahil ang lalaking gumalaw sa kanya at ang lalaking gustong ipapakasal sa kanya ay iisa.Tuluyan na kayang magbabago ang buhay ni Laurene mula sa pagiging tigasing tomboy to a soft girl dahil wala siyang choice kundi ang magpakasal dahil malaki pala ang pagkakautang ng kanyang mga magulang sa mga magulang ni Eugene kaya siya ang ginawang colateral?
Ano kaya ang magiging buhay ni Laurene sa piling ng kanyang asawang si Eugene Wong na ubod ng sungit,pakialamero pero umaapaw ang kakisigan at ubod ng gwapo?
Si Eugene Wong na kaya ang magpapalambot sa pusong tigasin ni Laurene?
Abangan. . .
"Salamat sa huwad mong pagmamahal Callous dahil kahit papaano naramdaman kong minahal mo ako ng totoo," maluha-luhang saad ni Earl sa akin.
"Pasensya kana rin pala sa lahat ng mga ginawa kong pagpapansin sayo at sa pagiging desperada ko para mahalin mo lang ako.I'm sorry at dito ko na tinatapos kung ano man ang meron sa ating dalawa.Paalam, mahal ko." naiiyak pero pilit pinapatatag ang sarili .
"Please naman Earl! Pakinggan mo naman ako," nagsusumamong saad ko dahil nasasaktan ako sa binibitiwan nitong salita.
"Alis! Umalis kana sabi.Ayoko ng makita kapa.Please lang!" humahagulhol na ito habang itinataboy niya ako.Walang akong magawa kundi ang umalis na lamang dahil sarado ang isipan niya ngayon at bukas na bukas din ay babalikan ko siya at hindi ako susuko kahit ako naman ang mangungulit sa kanya ngayon.
Si Earl Lovein Mercedez ay galing sa pamilyang kilala rin sa lipunan pero nagpapanggap siyang isang ordinaryong babae para sa mga taong gusto siyang patayin.Naninirahan siya sa kanyang matalik na kaibigan at nanatiling lihim ang kanyang tunay na pagkatao maliban sa mga ito.Simula nang makilala ni Earl si Callous ay ginawa niya ang lahat para mapansin nito kahit pa sigawan,iwasan at bantaan ang buhay niya ay sadyang palaban si Earl dahil mahal na mahal niya ang binata.
Si Callous Lheinton ay isang member ng mafia bilang isang hitman ng The Vicious Of Fire.Sinakyan ni Callous ang kabaliwan ni Earl para bigyan ito ng leksyon at sa huli ay uuwi itong luhaan.
Pero sa simula pa lamang ay minahal na ni Callous si Earl ngunit nagbulag-bulagan lamang siya sa kanyang nararamdaman kung kaya't sa huli parehas silang naging sawi sa pag-ibig.
Ano kayang gagawin ni Callous kapag nalaman niya na ang kanyang childhood crush na lihim niyang minamahal at matagal niya na ring pinaghahanap at si Earl ay iisa?
Sa muling pagkikita ng dalawa ay tuluyan ng mawawalan ng pag-asa si Callous kay Earl dahil may pamilya na pala ito at ang kahati lamang niya sa puso nito ay walang iba kundi ang boss niya.
Si Yllah Bloom ay nag-iisang anak. Mahirap lang ang buhay nila, at tanging ina na lamang niya ang nagtaguyod sa kaniya, dahil maagang nasawi ang kaniyang ama. Hanggang sa dumating ang araw na malaman niyang naging parausan ang kaniyang ina, na inakala niya’y nagtatrabaho lamang ito bilang isang katulong.
Sa edad na katorse, lubusang naging ulila si Yllah dahil namatay na rin ang kaniyang ina, na pinatay ng isang sindikato. Nang gabing lisanin niya ang lugar kung saan pinatay ang kaniyang ina, isang misteryosong lalaki ang tumulong sa kaniya.
Sa paglipas ng maraming taon, ipinagpatuloy ni Yllah ang kaniyang buhay, ngunit sa lugar kung saan puro hayok ng laman ang tangi niyang pinagkakakitaan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang landas nila ng matanda na pumatay sa kaniyang ina.
Muling naalala niya ang mapait na sinapit ng kaniyang ina sa kamay nito, kaya napagdesisyunan niyang akitin ito para tuluyang makapaghiganti. Ngunit paano kung ang taong kinamumuhian niya ay hindi pala iyon ang pumatay sa kaniyang ina? Paano kung ang taong tumulong sa kaniya noon ay ’yon pala ang pumaslang sa kaniyang ina?
Ano ang mararamdaman ng puso niya kung unti-unti ng nahuhulog ang loob niya kay Ferran? Kaya ba niyang paslangin ito alang-alang sa kaniyang pinakamamahal na ina, para makamtan ang hustisyang nararadapat dito?
Si Akheezsha Fuentez ay isang ulila. Hindi marunong sumulat at magbasa dahil hindi siya nakapag-aral. Nagkaroon siya ng asawa sa edad na labing-siyam. Naging maganda ang pag-iibigan nila ng kanyang asawang si Neldrick ngunit may hangganan pala ang lahat? Dahil hindi siya mabuntis-buntis ay dito na nagsimulang magbago ang pakikitungo ng kanyang asawa.Sa araw-araw na pagtitiis ay dumating rin ang araw na mapapagod din siya. Sa kanyang pagtakas ay isang estranghero ang dumating. Tinulungan siyang ilayo sa kanyang asawa sakay ng kotse nito at ibinaba sa lugar kung saan hindi niya alam.Lumipas ang tatlong taon ay muli silang nagkita ng estranghero. Siya si Zhion Hermedilla, ang may pangit na imahe sa lugar ng San Vicente, Pampanga.Isa ito sa bunsong anak ng mag-asawang Hermedilla na may malawak na lupain ng isang hacienda kung saan doon siya nagtatrabaho bilang isang katulong. Ano ang maging papel ni Zhion Hermedilla sa buhay ni Akheezsha? Tuluyan na kayang maranasan ni Akheezsha ang tunay na walang hanggang pagmamahal sa binatang amo niya kung ang bansag nito ay may pangit na imahe, salungat sa kanyang nakakalasong karisma?