"Babala: May mga seksuwal na nilalaman sa akdang ito na hindi angkop para sa mga menor de edad at maaari mong e skip kung hindi ka komportable sa mga nilalaman na ito.Salamat.” Laurenz Pov Nang magising ako kinabukasan ay yakap-yakap pa rin ako ni Eugene.Nakaharap na siya sa 'kin at amoy na amoy ko ang mabaho niyang hininga.Charrizz! Hindi ganoon! `Yung hininga niya ay maihahambing sa isang candy mint. Hindi ko mapigilang hawakan ang kanyang mukha na hindi niya mararamdaman dahil baka bigla itong magising.Nakatitig na rin ako sa nakaawang niyang labi at ilang dangkal lamang ang pagitan sa 'ming dalawa kaya 'yung puso ko ay parang sasabog sa lakas ng pagtibok nito. Biglang itong gumalaw at mas niyakap niya pa ako ng mahigpit kaya napasubsob ng hindi sinasadya ang mga labi ko sa mga labi

