Pagkatapos kung sabihin kay Laurene ang totoo ay para akong nakaramdam ng hiya.Hindi ko kasi alam kung tama ba ang ginawa ko pero dahil nangyari na ay hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt sa aking sarili. Ngayon ay anniversary na ng kasal namin at gagawa ako ng isang bagay na babaunin ko habang buhay.Ipaparamdam ko sa kanya kung ganoo ko siya kamahal. Pagkatapos na may nangyari sa amin kagabi ay inuwi ko si Laurene sa mansiyon.Nagpasundo ako sa aking driver at muling nagising si Laurene ng makauwi na kami.Dala ng antok ay muli itong natulog.Masiyado ko siyang napagod at kahit nalilito ako kung bakit hinahayaan niya akong paulit-ulit siyang inaangkin ay pinagsawalang bahala ko na lang.Mahal ko siya at papatunayan ko sa kanya kung paano magmahal ang isang Eugene Wong kahit pa hindi niya

