Laurene Pov
Mag-iisang buwan na kaming mag-asawa ni Eugene at walang araw na hindi kami nagbabangayan.Sa totoo lang,ayoko naman ng ganito na lagi kaming nagtatalo dahil masiyado siyang pakialamero.Tumatakas pa rin ako at wala akong pakialam kung magagalit siya sa akin.Masusunod pa rin ang gusto ko.
Ngayong araw na ito ay balak kong maghanap ng trabaho dahil matumal ang mga costumer na nagpapapinta sa akin.Yung ibang mga ubra ko ay hindi pa kinukuha ng ibang mga costumer kaya Wala akong kita.Kailangan kong mag-ipon dahil gusto ko ng makawala dito sa mansiyon na ito at sa isang lalaking dinaig pa ang papa ko sa sobrang suplado.Hindi pa rin ako pumupunta sa amin dahil galit pa rin ako sa mga magulang ko.
Pababa ako ng hagdan nang maulinginan ko si Eugene na may mga taong kausap ito sa sala.Gusto ko mang pakinggan ang mga pinag-uusapan nila pero mas pinili kong makatakas ngayon.Tamang-tama ito dahil hindi niya ako mapapansin.Alam ko na rin kung paano ako makaalis dito sa mansiyon na hindi nalalaman ng mga bantay ni Eugene.
Hindi nagtagal ay nakalabas rin ako ng mansiyon at buti na lang ay may dumaang tricycle kaya nakasakay kaagad ako.Nagpahinto na lamang ako malapit sa istasyon ng bus kung saan sa kabilang tawiran ng highway ay mall .Sobrang init man pero hindi ito nakakabawas sa kapogian ko.Nagtanong kaagad ako sa isang guard kong may hiring ba ngayon at ang suwerte ko sa araw na ito dahil sakto lang ang daw ang dating ko kasi kasisimula pa lang ng interview at maraming position ang pwede kong pag-aapplyan.
Mabilis ang mga lakad ko papunta sa isang hallway kung saan doon sa bandang dulo ang opisana ng mag-i-interview ng mga aplikante.
Hindi nagtagal ay ako na ang susunod kaya pumasok na ako sa loob at laglag ang balikat ko dahil janitor na lang bakante pero tinanggap ko pa rin.Mas okay na rin ito pero hahanap pa rin ako ng sideline.Hindi naman ako mapili sa trabaho at kahit papaano ay makakaipon ako pero baka aabutin pa yata ng iilang taong bago ako makabayad ng 50 million.Ay! Ewan!
Pagkatapos ng interview ay kailangan ko ng magsimula sa susunod na araw kaya may panahon pa ako para kumpletuhin ang mga requirements ko.Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kumuha na ako ng mga requirements.Maghapon akong nag-asikaso at lantang gulay akong naupo sa may hagdanan ng mall.Kung hindi lang nangutang ang mga magulang ko ay malaya akong nambababae ngayon.Kumusta na kaya sila Ralph at Erwin?
Naisipan kong tawagan sila kaya lang ay hindi ko makita ang cellphone ko.Kahit anong hagilap ko sa belt bag ko ay hindi ko makita ang cellphone ko.Bwesit na araw na ito! Ang malas ko talaga!
Umuwi na lamang ako makaraan ang ilang oras na paghahanap.Pagod na pagod ako at gutom na gutom kaya pumasok na ako sa mismong gate ng mansiyon.Wala na akong pakialam kung bunganga ni Eugene ang sasalubong sa akin.At hindi nga ako nagkamali dahil nakaabang na siya sa malaking pintuan ng mansiyon.
Nakasalubong ang mga kilay nito pero hindi ko siya pinansin at akma na akong lagpasan siya ay mabilis niyang nahawakan ang palapulsuhan ko at ramdam ko ang mahigpit niyang paghawak sa akin.
“Ilang beses ko bang sabihin sa’yo na hindi ka aalis kapag hindi kita pinayagan? Bobo ka ba o matigas lang talaga ang ulo mo?” Napalingon ako sa sinabi niya pero wala akong ganang makipagsagutan sa kanya ngayon dahil pagod ako.
“Bitiwan mo ako. Wala akong panahong mag-explain sa’yo.” Hinila ko ang kamay ko pero mas hinigpitan niya pa ang paghawak niya sa akin.Kalma self!
“Pwede ba Eugene, hayaan mo muna akong makapagpahinga ako dahil pagod ako.Please lang.” Kalmado kong saad sa kanya dahil pagod na akong makipag-away sa kanya pero inakala kong papakinggan niya ako ay hindi niya pa rin ako binitiwan kaya sinipa ko siya.Napaigik ito sa sakit dahil nasipa ko ang itlog niyang bugok.
“Bagay ‘yan sa‘yo! Masyado kang pakialamero sa buhay ko! Pagod na pagod ako,makahanap lang ng trabaho para may maipon ako pambayad sa utang ng mga magulang ko at para makawala na sa buhay mo! Bwesit!” Sigaw ko at mabilis akong naglakad papalayo sa kanya.Mabugok sana ng tuluyan ‘yang itlog niya! Dumiretso na ako sa kusina para makakain na ako.
Mabuti na lang at hindi ako sinundan ni Eugene dahil babatuhin ko talaga siya ng mamahalin niyang pinggan.Matapos kong kumain ay tumungo na ako sa silid ko at pinadlock ko ang pintuan ng aking silid.Hinubad ko ang aking mga kasuotan at tumungo na ako sa cr para makaligo na.Gusto ko sanang magbabad kaso parang nakaramdam ako ng pananakit ng aking lalamunan.Para akong lalagnatin kaya mabilis na akong naligo at nagbihis.Uminom kaagad ako ng gamot at ilang minuto lamang ay nakatulog na ako.
Nagising ako at magmadaling araw pa lamang at sobrang sama pa rin ng pakiramdam ko.Iinom na sana ako ng tubig kaso ubos na pala yung laman ng thumbler ko kaya no choice ako dahil kailangan kong kumuha ng tubig.
Mabilis ang kilos ko kahit nanginginig ako sa lamig dahil sa sama ng pakiramdam ko.Binuhay ko kaagad ang ilaw sa kusina at kumuha ng tubig pero napatalon ako sa gulat dahil may nagsalita sa likuran ko.
“Bakit ganyan ang suot mo?” Napalingon ako sa taong nagsalita at nakita ko si Eugene na nakatitig sa akin.Hinagod ko ang kabuuan ko sa salamin ng kusina at nakita ko ang sarili kong walang suot na compression bra at nakashort lang ako.Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil sa totoo lang hindi ko na naisip na magsuot pa ng ganoon dahil akala ko talaga ay tulog na ang mga alien na mga kasama ko dito sa mansiyon.
Hindi ko na lamang siya pinansin at mabilis na akong naglakad paakyat sa hagdan.Wala akong pakialam sa iniisip niya.Kung nakita man niya ang pwede niyang makita ay maglaway siya.
Eugene Pov
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa nakita ko.Kahit na tomboy ito ay may ibubuga.Malapad pa ang balakang nito kaya malaking sayang dahil tomboy siya.Hindi ko siya papatulan.Saglit akong natigilan dahil kanina ko pa siya naiisip.Alas-sais na ng umaga at himala dahil hindi pa bumaba si Laurenz.
Hinayaan ko na lamang at nagsimula na akong kumain dahil kailangan kong maging maaga ngayon.Maraming kliyente ang nais magpagawa ng mga design at ayokong mapapahiya sa mga ito.Katulad ng dati ay binilinan ko ulit si Mang Rustom na bantayan ng maagi si Laurenz dahil alam kong tatakas na naman ito mamaya.
Makalipas ang mahigit siyam na oras na pagtatrabaho ay dumiretso na ako ng uwi.Ganito lang ang buhay ko,trabaho ,bahay,bahay,trabaho.Masaya akong umuwi dahil maraming kliyente ang natuwa sa mga design na inoffer ko at walang pag-alinlangan na tinanggap nila ang offer ko.Wala pa akong napapahindi na mga kliyente kaya sobrang saya ko.Pagkarating ko sa mansiyon ay naulinginan ko si Aling Rita na balisa ito sa labas ng pintuan ng silid ni Laurenz kaya agad kong nilapitan ito.
“Ano’ng ginagawa n'yo rito sa tapat ng pintuan ng silid ni Laurene?” Tanong ko dito.
“Kasi po si Ma'am Laurene ay hindi pa po lumalabas ng kanyang silid simula pa po kaninang umaga.Hindi pa rin po siya kumakain, Sir.Eh, ayaw ko naman pong buksan ang pintuan ng kanyang silid baka po kasi papagalitan lang ako.” Sagot nito kaya napapailing na lamang ako dahil malamang sa malamang ay tumakas na naman 'yon.Hiningi ko sa kanya ang duplicate keys at kaagad naman niyang inabot sa akin.Binuksan ko kaagad ang silid ni Laurenz at nakita ko na may nakatalukbong ng kumot kaya mabilis ang mga hakbang ko dahil nagagawa niya pang gumawa ng kalokohan para hindi halatang tumakas siya at akma ko na sanang hihilahin ang kumot pero nagulat akong makitang may tao pala at si Laurenz pala ito habang natutulog at inaapoy ito ng lagnat.Sinalat ko ang noo nito at para akong mapapaso sa sobrang init niya.Inutusan ko kaagad si Aling Rita na kumuha ng maliit na palanggana na may laman na malamig na tubig at bimpo.
“Nilagnat na ang pasaway,” tanging na sambit ko.Pagkarating ni Aling Rita ay napagpasyahan kong si Aling Rita na lamang ang magpupunas kay Laurenz dahil naalala ko na naman `yung gabing may nangyari sa amin.Tumungo na lamang ako sa silid ko pero bago 'yun ay nagpaluto ako sa isang katulong ko ng sopas at para makakain na ang asawa kong pasaway.Wait! Bakit ko ba siya tinawag na asawa? Hindi bagay!