Laurene POV Nandito kami ni Eugene sa tabing-dagat, naglalakad at magkahawak-kamay.Malapit nang magtakip-silim, pero patuloy pa rin kaming naglalakad.Nakita ko ang ilang kabataan na nagbabolos ng mga maliliit na alimango.Kaya naisipan kong yayain si Eugene na sumali.Naalala ko tuloy noong ako'y anim na taong gulang pa lamang,ganito ako dati sa tuwing naliligo kami nila mama at papa tuwing summer. Tumakbo ako habang hinahabol ko ang isang alimango. “Laurene!” tawag sa akin ni Eugene pero hindi ko siya nilingon sa halip ay nagpatuloy ako sa paghabol sa alimango. “Para kang bata! Tigilan mo na ’yan, Laurene!” muli niyang sigaw pero hindi ko pa rin siya nilingon.Nagulat na lamang ako nang may humawak sa kamay ko. Paglingon ko ay si Eugene pala habang nakasimangot ang mukha nito. “O, bakit?

