Tumayo ito nang malapit nang mag-alas dose. Minamasahe nito ang leeg nito at nagsti-stretch ng mga braso. Kanina pa kasi ito subsob sa trabaho. Pasimple lang nya itong tinatapunan ng tingin kanina pa. " You can take your lunch now. Mamaya mo na tapusin iyan," sabi nito. " Tatapusin ko lang itong isa," tiningnan lang nya ito sandali. " Still the hard-headed, Ashley," napapailing na sabi nito. " I insist, Miss Garcia. Take your lunch now," utos nito. Napabuntung-hininga siya sa inis. Agad na inayos nya muna ang mga folders sa mesa saka tumayo. " I'll take my lunch now, Sir," paalam nya dito. Tumango lang ito habang minamasahe pa rin ang leeg. Dumiretso na siya ng labas. Pumunta siya sa pantry ng office. Kadalasan kasi ay sa opisina ni Daryl siya nagla-lunch. Kapag wala ito ay saka lan

