Kinagabihan ay pumunta nga si Daryl sa condo nya. Maaga nyang pinapatulog sa yaya nito si Andie. Nang buksan nya ang pinto ay bumungad ang haggard na haggard na mukha ni Daryl. " I can't reach him until now," agad na sabi nito na dumiretso na sa loob at umupo sa sofa nya. " Kumain ka na ba?" nakuha pa nyang itanong. " Yah, yah. Nag-aalala ako kay Lester baka kung ano na ang nangyari sa kanya kaya't di ko siya makontak," parang wala sa sariling sabi nito. Malungkot na umupo siya sa tabi nito. Parang pilit nitong dini-deny sa sarili na niloko at pinerahan lang ito ni Lester kaya hindi na ito makontak. " Daryl, I think...." " No, he can't do this to me, Ashley. Mahal nya ako at may mga plano na kaming dalawa," agad na putol nito sa sasabihin nya sana. " Imagine three years na kami. Sa

