Sa loob ng isang linggo ay hindi nya halos nakikita si Andrew sa office pati na rin si Daryl dahil magkasama nilang kinakausap ang mga existing clients ni Daryl para hindi mag-back out since umabot na rin sa kaalaman ng mga ito ang nangyari sa kumpanya. Wala pa rin silang balita tungkol kay Lester. Si Andrew ang pumilit kay Daryl na i-report sa police para matunton nila ito dahil parang walang plano si Daryl na gawin iyon. Hiningan siya lahat ng financial reports ni Andrew sa lahat ng mga projects nila. Halos hindi rin siya magkandaugaga sa mga reports na ginagawa. Mas madalas ay nag-oovertime na rin siya. Parehong maagang dumating si Andrew at Daryl at nag-usap nang masinsinan sa opisina nito pagkatapos ng isang linggong kabi-kabilang meetings sa mga kliyente. Umalis agad si Daryl pag

