Sa opisina siya nagpahatid. Nagsinungaling na lang siya na may usapan sila ni Daryl at doon sila magkikita. Alam nyang hindi ito kumbinsido sa sinabi nya pero hindi na rin ito kumibo. Pagkauwi ay sumalubong agad ang anak nya sa kanya. " Mommy, I missed you," sabi nitong yumakap agad sa hita nya. Agad na binuhat nya ito at niyakap nang mahigpit. " Mommy, are you crying?" nagtatakang tanong ng anak nya. Nagulat din siya nang maramdaman ang basang pisngi. Hindi nya namalayan na umiiyak na pala siya. " Yah, it's because I missed you too," sabi na lang nya dito nang nakangiti kahit ayaw pa ring tumigil ng mga luha nya. Pinahid iyon ng anak nya. " Don't cry na, Mommy. I'm here na, oh," inosenteng sabi nito saka siya niyakap. Mas lalo siyang naiyak sa ginawi nito. Paano ba nya makakalim

