Wala na siyang magawa nang si Andrew na ang nag-set ng schedule nito para sa anak. Sinabi nitong pwede nitong dalawin ang anak anytime at hiramin para makasama din ng parents nito minsan. Ipapaasikaso na rin nito ang pagpapalit ng apelyido ng anak nila at ilalagay ang pangalan nito bilang ama. Halatang pinipigilan lang nito ang galit habang nagsasalita. Ni hindi na siya makaimik o makatutol man lang dahil alam nyang malaki ang kasalanan nya. Matapos siya nitong kausapin ay ibinuhos na nito ang oras nito sa anak nila. Ni hindi na siya nito tinatapunan ng tingin. Nararamdaman pa rin nya ang galit nito kaya pumasok na siya ng kwarto at hinayaan na lang ang mag-ama. Habang nasa kwarto ay hindi pa rin naman siya mapakali.Tumawag sa kanya si Daryl at tinanong kung okay na ang pakiramdam nya.

