KABANATA 42

1418 Words

Araw-araw na siyang sinasabay ni Andrew pauwi dahil araw-araw nitong dinadalaw ang anak nila. Kulang na lang ay magpagawa ito ng sariling kwarto doon. Minsan ay ito ang nagluluto ng dinner. Umuuwi lang ito kapag napatulog na nito si Andie. Masaya sana dahil para silang isang totoong pamilya pero kapag sila lang dalawa ay malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Kapag kaharap naman ang anak nila ay saka lang siya nito pinapansin. Nagpaalam si Andrew na ipapakilala nito sa Andie sa parents nito. Sinabi na daw nito ang tungkol kay Andie at nagmamadaling nagpa-book ng flight pauwi ng Pilipinas ang mga magulang ni Andrew. " Pinapasabi ni Mommy na sumama ka sa Linggo," sabi nito na hindi naman tumitingin sa kanya kaya pakiramdam nya ay hindi bukal sa loob nito ang paanyaya. " Hindi na,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD