Labas-masok na si Crystal sa office nila. Minsan nag-uusap ang mga ito about business pero kadalasan ay bumibisita lang talaga ito. Hindi niya naman magawang mainis dito dahil masyadong mabait ang babae. Nasasaktan lang talaga siyang makitang laging magkasama ang dalawa. Kinakausap din siya nito tungkol sa anak nila ni Andrew. Tipid lang din ang mga sagot nya. Si Daryl naman ay sinusulit ang panahon na nasa office pa si Andrew. Lagi itong nasa business trip para e-meet ang prospect clients at hinayaan muna si Andrew na mamahala sa office habang andun pa ito. Kung tutuusin ay si Andrew na sana ang may-ari ng kumpanya dahil parang binili na nito iyon nang gumastos ito ng malaking halaga pero mas gusto nitong maging kasosyo lang ito ni Daryl. Magda-dalawang buwan na pala ang lumipas mula

